Being an ill-fated and an average person isn't so fucking easy. Biruin mo...malas ka na nga, wala pang may gusto sayo. Sino ba naman kasing magkakagusto at makakapansin sayo kung ang weirdness mo ay nasa loob at ang nakikita nila ay isang normal.
Ganun 'yon, walang papansin sayo kung hindi ka maganda o kaya naman ay hindi ka sobrang pangit. They'll only like you and notice you kung super mabait ka o kaya naman ay maldita ka. To make the story short, ayaw ng mga tao sa plain, medium o normal lang coz they find it boring. Gusto nila sa highlighted na tao. Oh anong pake ko? Edi dun sila.
Mabait naman ako pero di nga lang sobrang bait, tipong pag ginawan mo ng di maganda e ngingiti sabay suntok sa mukha mo, mga ganoong level. May utak ako pero di kasing talino ng iba. May katawan ako, hindi nga lang sexy o mataba. Ang oa ng pagka-plain.
"Hoy gaga ka! Ini-inarte mo jan?" walang habas na panggugulo ni Lana sa pagta-tantrum ko. Si lana lang ang kaibigan ko, only her. If you'll ask me why? Napilitan lang ako. Biro lang.
Parehas kasi kami, ang kaso lang mas may saltik 'to.
"Hoy gaga ka rin! Anong pake mo? Diba may ginagawa ka? Hala! Sige gawa. Daming dada, pati drama ko iniistorbo." yamot kong tugon dito na nagpatahimik sa kaniya at nagpabalik sa kaninang ginagawa
Hello? Nasa kalagitnaan ako ng pagta-tantrums ko tapos ay iistorbohin niya? Ingudnod ko kaya siya diyan.
Kinuha ko ang earphone at cellphone ko. Kinalikot sandali na animo'y may gagawin at saka ko isinuot sa tenga ko 'yung earphone kahit pa walang tugtog. Nang sa gayon ay hindi ako maistorbo pero mukhang mali ako.
Well, hindi naman sa pagyayabang at hindi ko rin gustong ipagyabang pero twin sister yata kami ng kamalasan.
"Ayan, pindut ka na naman ng pindut. Puro ka pindut dyan sa selpon mo. Pupukpukin ko na ng martilyo yan' punyeta ka talaga. Wala na nga 'yung ama mo rito ikaw naman ang pumalit sa pagpapahirap sakin." sermon ni ermat na nagpabangon sa akin sa pagkakahiga at blanko itong tinignan.
Eto na naman siya. Kahit hawak ko lang yung selpon, iba pa rin ang iniisip. Ganon naman lagi 'yan. Kung anong unang pumasok sa utak niya, yun na yung paniniwalaan. Pag sumagot ka, bastos ka...pag nanahimik ka naman, pagagalitan ka pa rin. Walang mapaglagyan. Hindi ko talaga maintindihan ang matatanda kung bakit ganiyan na lang kung mag isip.
Di ko na lang siya pinansin dahil nakakasawa na. Sanayan na lang 'yan, matira makapal ang mukha. Ganon.
Tumayo ako sa pagkakaupo at dumeretso sa kusina para maghugas ng pinggan. Hindi talaga dapat ako yung maghuhugas ngayon pero mukhang no choice dahil hindi titigil 'yan sa kakasermon pag di pa ko kumilos. Kakalinis ko lang pero di nya nakita. So ang ending ng conclusion nya ay wala akong ginagawa. Kaya ayan, puro sermon. Dinaig pa si Padre sa haba ng sermon. Kung ipasok ko kaya sa kumbento 'tong nanay ko?
Nang matapos ko na ang paghuhugas ay bumalik na ko sa pwesto namin ni Lana kanina. Kahit nandyan yan si Lana, nagsesermon pa rin si ermat. Noong una hindi naman 'yan ganiyan pero dahil madalas nandito si Lana. Ayon, kiber na sa existence ng prenny ko.
"Gutom na ko Elise. kain tayo!" aya ni Lana
Malamang gutom na talaga siya. Kanina pa kaya siya rito pero di pa kumakain. Eh ano naman kasing ipapakain ko diba? Hindi kami mayaman at di rin naman kami sobrang mahirap kasi may bahay naman kami kahit gawa lang sa kahoy, nakakakain din kami yun nga lang ay tipid. Bawal ubos biyaya rito, gutom kinabukasan ang aabutin mo pag ganon.
"Eh anong ipapalamon ko sayo? Ubos na yung kanin, inday. Wala na rin' ulam." sagot ko rito pero inismiran nya lang ako.
Tibay! Gutom pa 'yan sa lagay na yan, ha. Pero maka-ismir wagas.
YOU ARE READING
Above the Moon and Below the Stars
Roman d'amourSo high, so far and hard to reach your loving hands holding other hands.