Chapter III

98 1 0
                                    

Chapter III

Kabaligtaran ang nagawa ni Loreign dahil sadya yatang mapanghamon ang tadhana dahil heto at pinagagalitan sya.

"Ms. Espinosa, kailan mo ba gagawin ang proposal mo para kay Mr. Garcia?" iritadong tanong ni Andrei.

"Sir, ang sabi nyo unahin ko muna ang para kay Mr. Soriano at Mr. Ismael Rodriguez" inis na sabi ni Loreign.

"Pero hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang kay Mr. Rodriguez" kontra naman ni Andrei.

"Sir, tapos na at naipasa ko na sa inyo" bara ni Loreign.

"Ibinalik ko sayo dahil may kulang pa" sabi ni Andrei.

"Pero nabago ko nayon at inilagay nyo pa nga sa cabinet nyo" sagot ni Loreign.

"Hanapin mo yon sa lahat ng cabinet, tapusin mo na rin ang proposal for Mr. Garcia dahil may out-of -town ako, kasama ka at bibigyan kita ng two days para tapusin ang proposal at kontrata ni Mrs. Escudero" utos ni Andrei.

"Masyadong maikli ang two days para pagsabaysabayin ko ang mga inuutos mo" galit na kontra ni Loreign.

"Gagawin mo o hindi?" tanong ni Andrei.

"Kaya siguro walang nagtatagal na secretary sayo, Sir dahil ang gulo mo kausap at mahirap kang pakisamahan. Iyan din siguro ang dahilan kung bakit umayaw sa kasala ang girlfriend mo" hindi na nakapagtimpi si Loreign. Tuluyan ng lumabas ang pagka-irita nya sa boss. Hindi akalailn ni ANdrei na alam yon ni Loreign kaya laking gulat nya sa sinabi nito.

"Sino ang nagsabi niyan sayo\? Si Mommy ba?" nagliliyab ang mga mata ni Andrei.

"Hindi! kumalat sa Business World yan, Sir. Nasa news at dyaryo rin. Nalaman ko yan dahil pinag-uusapan yan sa mapanghusgang mundong ginagalawan mo" sagot ni Loreign.

Lumapit sa kanya si Andrei. Bakas sa mukha nito ang tindi ng galit. Hinawakan sya nito sa dalawang braso.

"Ano ba nasasaktan ako" sabi ni Loreign at nagpupumiglas.

"Sino ka para pakialaman at husgahan ako? wala kang magagawa kung bakit nagkakaganito ako" galit na tanong ni Andrei.

"Sir, bakit hindi mo ibalik ang dati mong ugali? Mag move-on ka, Sir at hwag mong hayaan na magkaganyan ka dahil lang sa kanya" galit ring sagot ni Loreign.

"Hindi mo alam ang dinanas ko kaya hwag mo akong pangaralan" sabi ni Andrei.

"Hindi rin madali ang makisama kung lagi kayong ganyan" bara ni Loreign.

Buong lakas syang kumawala kay Andrei.

"Sir, hidni sa nakiki-alam ako sayo pero sana baguhin nyo ang ugali nyo" sabi ni Loreign"I can help you if you want" pagpaparinigpa. Bumalik na si ANdrei sa swivel chair.

"Do all the proposal and find out where di I put the proposal for Mr. Rodriguez" Iwas na utos nya.

Sumunod na lang sya sa utos ni Andrei.

Two-o-clock ay may bumisita kay Andrei, dahil sya ang secretary sya ang sumalubong. Sina Renz, James, Carl at Josh.

"Good Morning, Sir. May appointment o meeting po ba kayo With Mr. Montano?" agad nyang tanong.

"No, but we want to talk to him!" sagot ni James.

"Loreign, tell Andrei that we are her!" sabi ni Renz.

Pinindot nya ang intercom. Pinapasok nya na ang mga bisita ni Andrei.

"Brad, your secretary is so beautiful!" puri ni Carl.

The Marriage Contract [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon