(Language: Tagalog/Filipino)
Di naman sa ayaw ko sa kape. Pero di ko rin maintindihan bakit ang mga tao kahit reklamo ng reklamo sa kamahalan ng kape, eh sige pa rin ng sige sa pagbili sa Starbucks. Ewan ko ba. Pwede naman bumili sa Ministop ng three-in-one (3in1).
Gusto ko naman ng kape, at paminsan-minsan nililibre naman ako ni kuya Greg, ang nag-iisa at pinaka-mamahal kong kuya sa mundo. Kahit pa minsan eh sobrang mangaasar yan. Biruin mo kahit napakatigasin ng kuya kong ito, may 'soft' side siya. Ikinukwento niya sa 'kin mga naging nobya niya, at kung gaano niya minahal ang mga ito. Ang pinaka-matagal niyang kasintahan ay si ate Faye. Nagtagal sila ng limang taon, at etong si kuya 'bitter' pa rin sa kanya. As of now, siya pa rin ang last niya at mahal niya pa rin ito. Eto namang si ate Faye di ko akalaing lolokohin lang pala niya kuya ko. I hate her.
Hay. Ako? Wala akong love life. Hanggang crush-crush lang ako. Akala nga ng iba BF ko si kuya kase siya parati ko kasama ngayong single kami pareho. Lagi nga rin nyang tanong sa 'kin kung meron bang nanliligaw sa 'kin. Naku po!
'Eh kung araw-araw ko ba naman kita kasama, sinong lalapit sa 'kin no?!' Pabiro ko parati sa kanya. Tapos tatawa lang siya malakas.
Kahit saan kami kahit sa formal na dinner, skandaloso tong kuya ko. Napaka-totoo kase niya. Ewan ko ba bakit pag totoo ang tao sa sarili niya, mas maraming may ayaw. Katulad lang ng mga kung makatawa end of the world na, parating ina-away ng iba? Bakit kaya? Sa 'kin, walang kaso yon. Eh ano ngayon kung masaya sila, di ba? Bawal na ba tumawa ngayon? Pero sa kaso ng kuya ko, marami pa nagkakagusto sa kanya, eh paano ba naman varsity sa school. Binibigyan pa nga siya ng gifts ng mga 'fans' niya, kaso kahit tanggapin niya, si ate Faye pa rin talaga.
One time nilibre ako ni kuya sa Starbucks. Same lang order ko, caramel macchiato. Ayaw ko kase i-try ang tsyaa o ibang flavor, baka di ko ubusin. Sayang ang mahigit isang daang piso, imagine ilang pamasahe na yon sa jeep no! Ang ayaw ko lang sa lugar na to, madalas ume-english ang mga tao, eh nasa Pinas naman sila. Ewan ko ba kung nagpapaka-sosyal lang talaga sila o pina-laki silang englishero. Kamusta naman ako, nano-nosebleed ako sa mga conversation nila! Imagine pati mga lalake chumichismis ng kung ano-ano. Minsan sila pa ang mas malakas ang boses kesa babae. Parang si kuya, daldal-daldal. Kahit di na ako nakikinig, dada ng dada sa harap ko.
Hay kuya. Minsan wini-wish ko may GF ka na ulit.
Ay, tumahimik si kuya. Tulala. Bakit kaya? "Hoy, anu nangyari sa'yo? Hello?" Pa-wave ko sa mukha niya.
Hala. Lumingon ako. Natupad ba agad ang wish ko? May isang babaeng artistahin ang pumasok sa Starbucks. Kaso, may sumunod sa kanya. Isang lalakeng...lalakeng...teka mahihimatay na ata ako. Sino 'tong mga taong to? Anghel sa kagandahan at bongga ang mga suot nila. Lumingon ulit ako kay kuya. Tulala pa rin, at pansin ko lahat tulala sa kanila, nanahimik.
At yon na nga pag-labas namin, tuloy ang daldal ni kuya. Sabi ko na nga ba eh, crush niya 'yong babae kanina. "Lyn, siya yon! Siya sinasabi ko sa'yo!" sabi niya kusog-kusog ang mga braso ko.
"Sino nga siya?" Itinaas ko kilay ko kunwari di ko alam.
"Ung kinu-kwento ko sa'yo! Ung na-meet ko sa gym!"
"Hah?" wika ko. Naku dahil siguro minsan di ako nakikinig, di ko alam ang kwento niya!
"Siya yon! May sinabi siya sa 'kin non lumapit siya, na di ko naintindihan. Remember?"
"Ahhh?" sabi ko na lang. "Eh, tapos? Bat ka natulala kanina?"
"Di ko naman kase akalain makikita ko ulit yon. Di ba nga minsan, once mo lang makikita ang isang tao. Pag nakita mo ng twice, coincidence. At pag thrice, may lugar na sa buhay mo."
BINABASA MO ANG
Short Stories 2020
RandomThese are compilation of short stories I've made since childhood. They are mixed genres. Language : Tagalog || English