A short story of Friendship (Isang maikling kwento ng Pagkakaibigan)

1.3K 6 1
                                    


(Language : Tagalog/Filipino)

Ako: May secret ako. Sa'yo ko lang sasabihin.

Siya: Cge, anu un? Hehe.

Oo, sa kanya ko lang sinasabi ang mga secreto ko - mapa-ex ko yan, sa mga hilig ko, sa mga kalokohan ko, at kahit konting sandali, napaka-close na namin. "Insan" ang naging tawagan namin. Parang bestfriend na turing ko sa kanya. Hulog siya ng langit na di ko ma-explain, eh paano binubusog niya ako parati. Komportable ako pag kasama ko siya. Lahat ng bisyo ko, paninigarilyo, etsetera, di ko ginagawa sa harapan niya, at alam niya yon, at kahit "etchy" pa yan, LOL. Wag ninyo na i-search kung di ninyo gets, baka mawala pagka-virgin ninyo, hehehe. Oh basta, para sa kanya naman, "soul friends" daw kami. Bilis daw kase naming maging close at walang ilangan, sweet di ba?

Pero, AKALA ko lang pala siya. Sabi ko sa kanya, walang iwanan, at nag-promise pa siya, pero AKALA ko lang pala ang lahat. Nawala na lang siyang parang bula.

Naging friend ko ang BF niya. Well, syempre ako bestfriend niya, dapat close kami ng BF niya di ba? O di nga ba dapat? Mali ba na kinaibigan ko ang BF niya at sa 'kin magselos? Wala naman akong pagtingin kay insan, kahit pagbali-balitarin pa ang langit at lupa, at alam ni insan yon. Kung minsan lang talaga no, di maintindihan ng iba ang samahan ng iba. Kung sabagay, baka kung ako man may GF at may bestfriend siya na lalake na halos mas close pa kesa sa 'kin, baka masuntok ko pa yon. Ganun lang talaga siguro. Pinag-bawalan siya na makipag-usap or kita pa sa 'kin ulit.

Kinukumusta ko na lang siya sa iba niyang kaibigan, paano ba naman nagpalit ng number, di na nag-YM, naka-block pa ko, nag-iba ng account sa FB. Hay... hinayaan ko na lang siya. Galit nga raw siya sa 'kin eh. Ano bang nagawa ko sa kanya? Cge, galit na rin ako - at ito tumatak sa utak ko, block ko na rin siya. Pero di naman ako makipag-higanting tao. Bitter lang. Tsk. Kinalimutan ko na lang siya.

Nagka-GF ako, sa maswerteng palad, makalipas ang ilang buwan at OO, siya na nga. Love na love ko ang GF ko. Gusto ko na nga pakasalan eh. Pero iipon muna ako, gusto ko yumaman kami. Para sa 'kin siya ang pinaka-magandang babae sa mundo, wala ng hihigit pa. Ang bait-bait niya at ang kulit-kulit pa. I've shared all my hopes and dreams sa kanya. Siya na ang mundo ko. Naka-get over na rin ako sa lahat ng past ko. Siya na present and future ko. Pero... minsan pumapasok sa utak ko, musta na kaya si insan? Iniwan na ba siya? O masaya ba siya? After three years time, wala na akong balita sa kanya. Na-realized ko, bitter pa rin pala ako sa pag-iwan niya sa 'kin ng walang pasabi o paalam.

Then one day, just one day, nagulat na lang ako. Di ko akalaing magpaparamdam pa siya. Kilala pa pala niya ako? Di ko akalaing ibibigay niya sa 'kin ang sulat na ito:

Insan,

Yo. Musta na? Sorry ha? Sobrang sorry sa pag-iiwan ko sa'yo, sa di pagtupad ng promise ko sa'yo, sa lahat ng naitulong mo sa 'kin, nagawa ko pa rin yon sa'yo, pero sana malaman mo, naging good friend ka sa'kin at siguro kung sa next life, baka besfriend din kita ulit. Pero ngayon, di lang talaga pwede at kahit kailan, di na talaga pwede. Di ko man nasabi sa'yo bakit, naramdaman mo naman siguro na pwede itong mangyari. Sa ngayon, siguro strangers na lang tayo. Masaya naman ako sa buhay ko, sana ikaw rin. Tingin ko, masayang-masaya ka naman eh. 'Wag mong iiwan ang GF mo ah? Alagaan mo siya, 'wag mo siyang lolokohin at 'wag mo siyang pababayaan. Alam ko naming loyal at trustworthy kang tao. Best wishes sa inyo. Marami man kayong pagsubok, kayanin ninyo lahat yan. Kaya ko lang naman nagawa itong sulat na ito para lang mahingi ang tawad mo. Last message ko na sa'yo to. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sa'yo, na di mo man nalaman ang dahilan bakit ako nagalit sa'yo at di na natupad pangako ko sa'yo. Sana maintindihan mo. At least, nailabas ko na sa'yo ang gusto kong sabihin. Eto na lang kase ang bumabagabag sa'kin at di ko man lang maayos. Wish ko lang matupad lahat ng pangarap mo, God bless at ingat. Bye na. You were a real good friend, and too bad, it wasn't meant for this lifetime.

Naiyak na lang ako sa sulat. Ewan. Cguro dahil miss ko na rin siya. Makulit din kase siya. 'Di siya flirt, at sobra siyang masayahin. Di mo nga ma-eexpect ugali niya kase simple lang siya. Kaya siguro magkasundo kami kase friendly lang talaga siya. Sa 'kin niya noon sinsasabi mga problema niya sa BF niya, mga nang-aaway sa kanya na EX, pagka-walang time ng BF niya sa kanya. Ewan ko nga ba bakit mahal na mahal niya yon na siya pinili kesa sa 'kin. Siguro nga di ko rin siya masisisi, ganyan ang LOVE eh. Wala rin akong tiwala noon sa BF niya kaya siguro over protective din ako noon sa kanya. Seloso masyado ang BF niya kahit sa babaeng mga kaibigan ni insan pinagbabawal siyang makipag-bonding. At isa pa, kasalanan ko rin siguro, biruin mo ba naman, pag nagkukwentuhan kami ng BF niya nasasabi ko mga kalokohan namin ni insan, ang mali ko lang siguro ay ung nasabi ko paminsan-minsan sabay kami matulog, eh, nakagawian na namin un, parang wala lang sa 'min, para ko lang din kasi siyang kapatid. Walang malisya. Pero, siguro nga pag may BF na, di na talaga pwedeng gawin ang dating naka-gawian sa mga kaibigan.

Gustuhin ko man mag-message pabalik, mukhang malabo. Baka magselos GF ko. Di ko man nga nakwento sa kanya si insan eh, tska, itong message na ito, hindi direct na galing sa kanya at mukhang pinatago niya ito. Hirap niyang i-track.

At sa kasamaang palad, sinsearch ko siya, at nahanap ko siya. Nagulat na lang ako. After ang mga masasayang pics nila ng BF niya, nakita ko ang unang naka-post (sa FB) sa timeline nila - joint account kase.

. . .

Natameme ako. Naglundag puso ko. Di ko alam ire-react ko at napaluha na lang ako.

Naaksidente pala sila ng BF niya dahil nag-away habang nagddrive at balita pa raw last words niya sa hospital sa BF niya:

"Mahal kita atdi ko kayang mabuhay na wala ka. I can only die with you. Pero ang di ko rin kaya, ay mamatay na kinokonsensya ko pa rin siya. Kaibigan ko siya, pero ikaw ang buhay ko. Kaya sana mapatawad mo naman ako."

Natulala na lang ako. Pinag-awayan na naman ba nila ako? Ako ba ang dahilan bakit sila namatay? Ganun ba ako ka-importante sa insan ko? Di na lang ako makapagsalita.

Gusto ko siya yakapin at sabihin sa kanya,

Ok lang,

Napatawad na kita.

Miss na nga kita eh.

Wala ka naman kasalanan.

Insan, sorry...

Pero...impossible na talaga. Ganito ba talaga ang FRIENDSHIP?

Siguro nga, dapat natin pangalagahan ang mga kaibigan natin, kahit pa mawala sila, mang-iwan ng walang pasabi, alam mo sa buhay nila, tumatak ka at nag-iwan ng memorable page na di nila mabubura kahit kailan, di ba? Tanungin mo muna sila kung anong problema nila, madalas di nila sasabihin na importante ka sa kanila, ipaparamdam lang nila yon.

Kaya kahit gaano mo gustong makalimutan ang kaibigan na minsan naturing mong BESTFRIEND talaga, di mo rin magagawa, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niyang nagawa sa'yo.

Sana, ako na lang humiling. Sana binigyan ako ng kahit isang segundo man lang para masabi ko sa kanya, naging good friend ko rin siya sa konting panahong nagkakilala kami.

:'c

Short Stories 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon