Tapsilog

364 3 2
                                    

"Unahin natin sa panyo," kinuha ko ang panyo niya at binulsa ko sa bulsa niya. Panay ang hawak niya sa panyo at pinantatakip ito sa bibig niya. Nakagawian na niya un since highschool. Di ko nga alam bakit, kung ako ba ang mabaho o hininga ba niya? Hindi naman siguro hininga niya eh sa ganda ng ngipin niya!

So ako nga ba ang mabaho?!

"Bawasan mo na ang pagtakip sa bibig mo ha? Kung gusto mo talagang takpan ang mukha mo, mag face mask ka na lang kaya."

"Okay," ngumiti siya ng matipid. Mahinhin pa kasi sakin itong si Jerome. Mas babae pa kumilos sakin. Kung mahinhin na ako, ano pa siya?

Pati ngiti niya mahinhin din.

Chinito, matangkad, at maputi itong si Jerome. Pure Chinese. Kung gwapo ba? Eh...ewan ko eh, sakto lang.

Sa totoo lang di ko masabi. Alam naman niyang sinusubukan ko pa siyang mahalin o magustuhan kahit na, kami na. Kaibigan ko siya since highschool at niligawan niya ako nung malapit na kami kumuha ng diploma. Sinagot ko siya bago mag-college pero nagkaroon kami ng kasunduan na susubukan muna namin. We'll take it slow....so slow....

Hindi siya ang tipo kong lalake. Pero sinusunod naman niya lahat ng payo ko para maging normal siyang tignan.  Uhm, hindi rin siya abnormal. Basta, ewan.

Same naman kami ng pinasukan ng college. Dito kami sa UST pumapasok. Engineering siya at ako naman sa Architecture.

Favorite namin na breakfast ay Tapsilog. Lahat na ata ng karinderia at resto dito sa loob at labas ng UST kinanan na namin pero madalas talaga tapsilog lang ang inoorder namin.

"Balita ko, may nililink sayo sa class"

Namula siya sa sinabi ko.

"Sino nagsabi?"

"Edi sila Giz at Chie, mga kadorm ko sila di ba? Lam mo naman mga un, hindi nahuhuli sa chismis sa highschool peeps"

"Hay, wag ka maniwala sa mga yun,"

Namumula pa rin siya. Sila Giz at Chie ay mga highschool classmates namin na nag-aral din dito sa UST. Eh hindi naman talaga nahuhuli sa chismis ang mga yon, kahit 3am pa hindi pa tulog at nagkkwentuhan.

"Wala ba talaga?"

Umiling siya. Tumingin sa malayo.

"Rome, pasensya ka na ha?" Tapos na kami kumain at naglakad kami papuntang chapel.

Hawak ko ang kamay niya na pasmado...lagi na lang siya natetense. Ang cute niya kasi kinikilig pa rin siya kahit na mag six months na kami. Araw-araw kami nagkikita sa school, kumakain kami ng breakfast bago kami papasok ng school kung may 7am subject man, tapos magkikita kami pag wala na kaming class. At pag weekends, minsan sinasabay niya ako sa kotse niya, pero madalas kay ate ako sumasabay pauwi ng Pampanga. Sundays lang kami hindi nagkikita. Medyo mahirap din kasi family day tapos late na ako nakakabalik ng Manila.

"Bakit, may problema ba?" Concerned niyang tanong.

"Eh, sasabay uli ako kay ate mamaya pauwi...okay lang ba?"

"Oo naman, ingat kayo ha?"

"Oo, ikaw rin."

Ngumiti naman siya ng matipid at mahinhin. Pero ang cute.

"Osige mauna na ako umuwi kasi balak ko gawin muna ung isang plate ko para naman hindi ko na dalhin pa sa Pampanga"

"Sige hatid na kita"

"Hindi na,"

"Hahatid na kita..."

Mapilit din eh sumunod naman siya. Nakabantay lang sa likod ko.

Short Stories 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon