CHAPETER 1

822 11 1
                                    

Ito ang pinakaunang araw sa taong 2020 ng mga taga maxwell,Si john ay maagang gumising upang mag handa ng almusal nila at para din maagang maka punta sa paaralan.Si john ay subrang napaka responsableng Bata,walang araw na hindi siya tumulong sa kanya mga magulang.

*John Scenario*

"Good morning mama, Good morning papa"
Masayang sabi ni john sa kanyang mga magulang.

"Oh bat ang saya-saya mo ngayon?" Tanong sa kanya ng kanyang ama

"Excited lang yang anak natin,alam mona pinangarap niya yang makapasok sa maxwell tas ngayon first days of school na nila"Masayang sabi ng kanyang ina sa kanyang ama

"Ohhh basta anak ayusin mo ang  pag aaral mo ha tandaan mo ang sinabi ko sayo" pahayag ng ama ni john sa kanya

"Oo naman tay,Hindi baleng hindi honor,basta ginawa ko ang best ko" ang sabi ni john sa kanyang ama.

"Kayo talagang mag-ama ang aga-aga nag dadrama na,kumain na nga tayo,at ikaw john bilisan mong kumain para di ka mahuli sa klase mo" Pahayag ng mama ni john sa kanila

Pagkatapos kumain ay agad pumunta si john sa banyo upang maligo. Habang si Carrel ay naghihintay na may gigising pa sa kanya.Si carrel ay mayaman,matalino at magandang babae ngunit lagi lang ito umaasa sa kanilang kasambahay pagdating sa mga gawaing bahay.

*Carrel Scenario*

"Carrel,Anak Unang araw ng pasokan niyo ngayon,Gumising kana diyan at bumaba dito upang kumain" Masayang sabi ng kanyang ina sa kanya, Ang kanyang ina ay subrang napakabait lalo na pagdating sa mga gusto ni carrel.Bumababa na nga si carrel galing sa kanyang kwarto upang kumain.

"GoodMorning Mom" masayang sabi niya sa kanyang ina.

"GoodMorning din anak,mabuti naman at naka ligo at nakabihis kana,kumain kana dito para di ka mahuli sa klase mo" pahayag ng ina ni carrel sa kanya

"This is the day" ang sabi ni carrel sa kanyang sarili habang siya ay kumakain.Pagkatapos niyang kumain ay agad naman siyang nagpahatid sa kanilang guard sa paaralan. At si john naman ay nagpaalam naman din sa kanyang magulang

*John Scenario*

"Ma,Pa Punta na po akong ng paaralan" Magalang na sabi ni john sa kanyang magulang at agad itong umalis upang mag hintay ng jeep,medyo natagalan si john na makasakay ng jeep sa subrang dami ng mga pasahero at ng makarating si john sa kanilang paaralan ay agad niyang hinanap ang kanyang classroom,Sa pag mamadali niya may isang babae siyang na banga sa hallway.

*John Scenario*

"Ouch" ang sigaw ng babae na nakabangga niya at agad pinupulot ni john ang mga librong nahulog ng babae.

"Eto na miss,pasensya na ha di ko kasi napansin" masinsinang sabi ni john sa babae at agad naman kinuha ng babae ang libro kay john

"Sakin na nga yan,sa susunod kasi wag kang duwag" pagalit na sabi ng babae kay john,at agad naman umalis ang babae upang pumunta sa kanyang silid aralan.

"First day palang,yun na agad ang nangyari,kaya mo to john hindi mo yun sinadya" ang sabi ni john sa kanyang sarili,pagkatapos agad namang tumakbo si john papuntang silid aralan nila.Pagdating niya sa kanilang silid-aralan laking tumawa niya ng wala pa ang kanilang guro,agad nag hanap si john ng kanyang mauupoan.Nang siya ay umupo sa likuran di niya inakala na kaklase pala niya ang babaeng nakabangga niya kanina.

"Lagot sa rami-rami ng pwede kung ma kaklase isa pa talaga siya" takot na sabi ni john sa kanyang sarili

"Hey,duwag akalain mo kaklase pala tayo" pasigaw na sabi ng babaeng nakabanga niya kanina sa hallway.Hindi kumibo si john at hinayaan niya nalang.Pumasok na ang kanilang guro at agad lahat nag sibalikan sa kanilang mga upuan

"GoodMorning Everyone, I'm will be your teacher for this school year, most of you know each other,right? But this school year we have new transferee,Mr.Martin Can you please introduce yourself to everyone" Masayang sabi ng kanilang guro,Agad naman tumayo si John upang ipakilala ang kanyang sarili.

"GoodMorning Everyone First of all thanks for giving me opportunity to introduce myself, I'am John Martin,16 years old, my hobbies are making poetry and helping needy person" Masayang sabi ni john sa harap ng kanyang mga kaklase at sa kanilang guro.

"Thank you Mr.martin, by the way John is the high honor student in his last school year" Pahayag ng kanilang guro.Habang nag sasalita ang kanilang guro sumingit naman sa usapan yung babaeng naka banga ni john sa hallway.

"Aba!Matalino palang tung duwag nato,Akalain niyo guys may kaklase tayong duwag na matalino hahaah galing talaga"Ang pasigaw na sabi ng babaeng nakabanga niya sa hallway

"Ms.Cruz Stop it" pasigaw na sabi ng kanilang guro.Agad namang tumigil si Carrel sa kanyang pambubully kay john.

"Ang ganda sana kaso napaka sungit" sabi ni john sa kaniyang sarili

"Ok class,it's already 9:00am you may take your recess now"Ang mahinhinang sabi ng guro sa kanila.Habang papunta si john kanilang canteen may nakita siyang bata na nadapa,agad niya itong tinakbo pero agad naman itong tinulungan ni carrel.

"May kabaitan pa palang natira sayo?"Ang sabi ni john kay carrel

"Anong sabi mo?" Tanong ni carrel kay john

"Wala,ang sabi ko ang bait mo pala" pangiting sabi ni john kay carrel.Agad umalis si carrel kasama ang kanya mga kaibigan at pumuntang canteen.

"Ang ganda niya talaga kaso ang sungit" salitang sinasabi ni john sa kanyang sarili habang siya ay papunta sa canteen.Umupo si john upang kumain at saktong kaharap niya ay si carrel,laging tinitignan ni john si carrel hanggang matapos itong kumain.Bumik na si john sa kanilang silid-aralan at agad kumuha ng kanyang notebook..

To Be Continue......

100 Na Tula Para Sayo BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon