CHAPTER 8

256 4 1
                                    

Habang si carrel ay seryoso din sa pagsusulat ng talumpati nilapitan siya ni john at niyaya na pumunta sa canteen.

"Carrel?kaya mo pa ba?" Tanong ni john kay carrel

"Oo,tapos kana ba sayo?" Sabi ni carrel kay john

"Malapit na,gusto mo bang kumain?tara canteen muna tayo" ang pangiting sabi ni john kay carrel

"Sge ba" sagot no carrel kay john. Habang papunta sila ng canteen naitanong ni carrel kay john ang kasipagan nito sa pag-aaral .

"Bat ang sipag mo pagdating sa pag-aaral?" Tanong ni carrel kay john

"Alam mona scholar ako dito,kaya kailangan ko talaga magsikap shaka gusto ko din maging proud sila mama at papa sakin kaya ginagawa ko best ko,ikaw kaya din ang sipag mo kaya,Hmm bakit ba ang sipag mo din?" Sagot ni john sa tanong ni carrel

"Mahabang kwento eh,pero ginagawa ko to para maging proud yung daddy kahit wala na siya at gusto ko din sumaya mommy ko" sagot ni carrel kay john. Pagkatapos  nilang bumili sa canteen ay agad silang bumalik sa kanilang silid aralan at tinapos ang ginawa nilang talumpati.Ilang oras lumipas ay pumasok ang guro nila.

"GoodAfternoon Everyone,Carrel and john ano handa na ba yung talumpati niyo?" Tanong kaagad ng kanilang guro

"Yes po ma'am kakatapos lang po" sabay sabi ni john at carrel

"Ok that's good,pwede niyo ba iparinig samin?"Tanong ng kanilang guro.

"Ok po ma'am" ang magalang nasagot ni carrel. Tumayo sa harapan sina carrel at john para iparinig sa kanilang mga kaklase ang kanilang ginawang talumpati.

(Carrel and John) Magandang Hapon sa inyong lahat,Andito po kami sa inyong harapan ngayon upang ibahagi sa inyo ang tungkol sa pag-ibig sa pamamagitan ng pag tatalumpati.

(Carrel)Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao? Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo? Naranasan nyo na bang umibig?


(John)Ang pag ibig ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa damdamin ng isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.


(Carrel)Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa ibang daigdig! O sa madaling sabi “May sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ito at lalo na pag na kakasama! Madalas Masaya, kasi nga “IN-LOVE”!


(Carrel)Ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang mga manghuhula ay hindi maibatid kung ano nga ba ang pag-ibig. Kaya sigurado ako, tayong lahat ay hindi natin maipaliwang ng maayos kung ano nga ba ang pag-ibig.


(John)Ang pag-ibig ay isang unibersal na pakiramdam.Lahat nakakadama at lahat nakakaranas.Kaya sa lahat ng taong umiibig,iniibig at iibig huwag matakot magmahal kahit ito'y mahirap ipaliwag at  huwag ipagkait ang pagmamahal Tayo’y magmahalan.

(Carrel and John) Maraming salamat sa inyong pakikinig  at dun po nagtatapos ang aming talumpati tungkol sa pag-ibig.

Pagtapos ng iparinig nila john at carrel ang kanilang talumpati hindi naiwasan ng kanilang mga kaklase na mag komento.

"Sabi ko naman sayo ma'am eh" ang sabi ng kaklase nilang lalaki

"Practice pa lang yun,pero kitang-kita na kung sinong panalo" ang sabi ng isa pa nilang kaklase.

"Mahusay carrel at john,gusto ko yung talumpati niyo,sana yung energy niyo ngayon ganyan din bukas sa contest niyo ha" Ang masayang  sabi ng kanilang guro.

"Yes po ma'am Salamat po" ang sabi ni john at carrel.

"Maari na kayong umuwi,John at carrel wag niyong kalimutan na pumunta dito ng maaga bukas,At shaka john ipaalam na kita sa coach niyo na di ka muna makaka sipot ngayon sa practice" ang sabi ng kanialng guro

"Sige po ma'am maraming salamat po" magalang na sagot ni john sa kanilang guro. Bago umuwi si john ay pumunta muna siya sa kanyang pinsan para ipaalam na uuwi na siya. Paglabas ni john ay nakita siya ni carrel.

"Hey john,sabay kana samin" ang sabi ni carrel kay john

"Huh?ok lang ba?" Tanong ni john

"Oo naman,sumakay kana" ang sagot ni carrel. Nang makasakay na si john ay masaya silang nag kukwentohan ni john habang nasa biyahe sila.

"Oh,andito na pala tayo sa inyo,So ano friends?" Masayang sabi ni carrel

"Oo naman,Friends" pangiting sabi ni john

"Ok,see you bukas" sabi ni carrel

"Sge see you at shaka goodluck satin,Salamat ulit" ang masayang sabi ni john kay carrel. Masayang bumaba si john sa sasakyan nila carrel at pumunta sa kanyang kwarto upang gumawa ulit ng tula.

To be Continue.....

100 Na Tula Para Sayo BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon