CHAPTER 4

230 1 2
                                    

Inutusan ng ina ni carrel ang kanilang kasambahay na gisingin si carrel ng maaga.Nang ginising si carrel ng kanilang kasambahay  ay agad naman itong gumising at pumunta sa banyo upang maligo.Pagkababa ni carrel ay nakita niya si Jacob sa kanilang sala.

"GoodMorning Mom" ang sabi ni carrel sa kanyang ina.

"Oh Jacob bat nandito ka?" Tanong ni carrel kay jacob

"Sasabay ka kay jacob ngayon papuntang paaralan,tumawag kasi mommy niya sakin na kung pwede sabay na kayo para may kasama din si jacob sa unang araw niya sa paaralan niyo" ang sabi ng ina ni carrel.

"Ok mom,kakain lang po ako saglit " ang magalang na sagot ni carrel.Pagkatapos ni carrel kumain ay pumunta na nga sila ni jacob sa paaralan. Si john naman ay maagang gumising bago siya bumaba kinuha niya ang kanyang notebook kung saan niya sinulat ang unang tula niya para kay carrel at muli siya nag sulat para sa kanyang ikalawang tula.

Tula No.2
PANIBAGONG ARAW

Talaga naman kayganda
Ang mabuhay ng kay sigla,
Tila ba wala nang problema
Dahil ang araw ay sumisilip na,

Isang araw ang lumipas,
At ibang araw naman ang ipaparanas
Na tila ba isang wakas
Ang kahapon na masalimuot na bakas

Pagsikat ng araw, Naiisip
Ang masungit mong mukha
Ako ay nahuhumaling sa mukhang mong kay ganda,
Kahit na yan laging nakasimangot,
Sana'y simulan natin ang
Panibagong araw na ito,
Na tayo'y okay

Pagkatapos mag sulat ni john ng tula,ay agad itong naligo at mubaba para kumain.Pagkatapos kumain ni john ay pumunta na siya sa paaralan at pumasok agad sa kanilang silid-aralan. Uupo na sana si john sa kanyang upoan ngunit pina-alis siya ng isang lalaki at yun ay si jacob.

"Opss wag kang uupo diyan,ako ang uupo diyan" ang sabi ni jacob habang itinulak si john

"Pero sabi ni maam,malalagot daw sa kanya ang lilipat ng upuan" mahinhin na sabi ni john

"Hindi mo ba ako kilala?" Masungit na tanong ni jacob.Hindi sumagot si john at tumuyo nalang ito sa likuran.Nang pumasok si carrel galing cr nagtaka siya kung bakit nakatayo si john sa likuran.

"Bat naka tayo ka lang diyan?" Tanong ni carrel sa kanya

"Pinaalis kasi ako ng lalaking niyan" mahinhin na sagot ni john habang tinuturo si jacob

"Ahh si jacob, sabi ko kasi ayaw ko tumabi sa mga duwag kaya siya ang tumabi sakin.Sorry" mataray na sagot ni carrel.Umalis si carrel at pumunta sa kanyang upuan at pinakilala niya jacob ang kanyang matalik na kaibigan na si Pia. Simula palang nung elementarya tunay na nakaibigan ni carrel si pia.

"GoodMorning class" ang bati ng kanilang guro habang si john ay naka tayo sa likod.

"Mr.Martin bat ka nandiyan sa likod,saan pala kita pinaupo kahapon" Tanong ng guro sa kanya.At biglang tumayo si carrel

"Ma'am may bago kasi kaming kaklase at isa pa ayaw ko din makatabi ang duwag na niyan" ang sabi ni carrel sa kanyang guro.Walang kibo si john habang pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase sa sinabi ni carrel.Kumuha ng isang upuan ang kanilang guro at pinaupo si john sa likuran.

"Pagpasensya mona si carrel,ako na ang kakausap sa kanya mamaya" ang sabi ng kanyang guro habang inabot sa kanya ang upuan. Ilang oras ay nagkaroon sila ng bakanteng oras kinuha ni john ang kanyang notebook at muling nag sulat ng tula.

TULA NO.3
MASUNGIT SI BINIBINI

Di ko alam kung bakit ang sungit ng pakikitungo
Mo sakin,
Sa akin ba'y may mali o
Sadyang masungit kalang,
Sa tuwing ika'y tumitingin
Para akong may kasalanan,
Gusto kitang  titigin
pero ako'y matatakot.

Di ko alam kung anong gagawin,
Di ko alam kung ano
Ang tatanungin,
Kung mag tatanong ba ako,
Kung bakit ang sungit
mo sakin o titigan hahayaan ka nalang.

Biglang pumasok ang kanilang guro at agad namin itinago ni john ang kanyang notebook. Habang ang kanilang guro ay nag tuturo ang iba niyang kaklase ay nasa cellphone lang naka focus,habang siya ay nakikinig at laging sumasagot sa tanong ng kanilang guro. Sa gitna ng kanilang klase may pumasok upang magbigay ng anunsyo.

"Good Excuse Me Everyone, Gusto ko lang ipaalam sa mga lalaki ninyo na gustong sumali ng basketball pwede kayong magpalista mamaya sa office." Ang sabi ng tagapamahala ng basketball team ng kanilang paaralan.Pagkatapos nitong mag bigay anunsyo agad din itong Umalis. Pinagpatuloy nila ang kanilang klase at pagkalipas ng ilang oras ay natapos din.Agad nag tungo si John sa office upang mag palista.Pagkatapos ng mag palista ay lumbas si john,at sa paglabas niyo nakasalubong niya si Jacob.

"Aba,Sumali ka pa talaga" ang sabi ni jacob kay john habang tumatawa.

"Oo bakit?masama ba?" Sagot ni john

"Paano kung sasabihin kung oo?" Ang sabi ni jacob

"Diba ang sabi kanina kung sino ang may gusto?paano gusto ko eh at wala kang magagawa" Ang sagot ni john

"Tignan nalang natin kung sino ang makukuha" Ang sabi ni jacob  kay john.Hindi na pinatulan ni john si jacob umalis na lamang siya bago pa lumaki. Agad umuwi si john upang gawin ang kanilang mga takdang aralin.

To be continue.........

100 Na Tula Para Sayo BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon