3

9 1 1
                                    


[ Chapter 3 ]
-It's Him-•

TTumingala ako sa nagsalita at laking gulat ko na lamang ng sino....



Kung kamalas-malasan nga naman oh! Bakit siya pa? Pero...

'Ackkk! Ang gwapo niya!'


Aaminin ko na sobrang gwapo niyaaaaaa!! Pwede na akong malusaw sa tingin niya. Hindi ko alam na ganito pala ang hitsura ng nilalang na 'to sa personal

Yung mata niyang kulay blue, napaka-kalma pero malamig din at the same time, tapos yung ilong niya na medyo matangos. Yung labi niya na sing-pink ng ilong niya at yung panga niyang perfectly carved!

'Tae!'

Mas gwapo pala siya sa personal. Yung braso niya, may muscle kaya siya? Tapos yung dibdib niya... Nag-gi-gym ba siya? Makapasok nga rin, baka sakaling makita ko siya... Tapos yung bewang niya..

"Miss, are you done?" napatingala ako sa kanya. Ano-anong pinagsasasabi ko. Ang laswa mo mag-isip, Alwyna!

"H-Huh?"

"I said, Are you done?" kumunot ang noo ko. Anong are you done?. "......eye raping me?"

'Are you done.....eye raping me?'

Anong!

"K-Kapal! For your information, Sir. Oo gwapo ka, macho at attractive! Pero hindi kita ina-eye r-rape!" dinuro ko po ang dibdib niya. Ang lambot! Parang gusto ko ulit pisilin.

Ang lambot talaga! Shett iuuwi ko 'to.

"Miss? Can you remove your finger on my chest then?" napahiya naman akong ibinaba ang daliri ko na nakatusok sa may dibdib niya. 


Nakakainis naman! Ang gandang tusuk-tusukin e.



"Ano pong kailangan niyo?" pataray naman na tanong ko. Nakakainis! Hinayaan niya na lang kasi sana. 



'Akala ko ba...ayaw mo sa kanya?'

Oo nga. Pero maitatanggi mo ba itong mala-adonis na nilalang. Syempre, hindi!



"Can I.....have my dog?" turo niya sa puting asong hawak ko.



'Eh? Aso niya 'to?'


"Anong aso?! Hindi sa'yo 'to." bigla naman siyang ngumisi. Baliw na ba siya? Yung sa mga napapanood kong movies, bigla na lang nilang hahampasin yung kaharap nila eh.


"Then....kanino?" Kanino nga ba? Hindi rin naman akin 'to.


'Ibigay ko na lang kaya!'


Ayaw ko! Hihintayin ko na lang yung may-ari.


"Ew-Ewan ko! Basta hindi ko ibibigay sa'yo" Tumawa lang siya at may kinuha sa bulsa. May ganito din ako ah.


"Proof that, that dog is mine..." napanganga ako. Bakit nga ba hindi ko kasi naisip na may birth certificate.

Name: Hosh Vermillion
Breed: White Shiba Inu
Age: 4 months old

Wala na akong magagawa. May pruweba na siya, baka ako pa ang idemanda kung hindi ko ibibigay. Hinawakan ko ang ulo ng asong natutulog sa mga bisig ko.



"Oh!" sabi ko at dahan-dahang ibinigay sa kanya para hindi magising yung aso pero failed! Nagising pa din.


Kumahol-kahol pa ito kay Kitchi, samantalang sa'kin kanina dinilaan lang kamay ko tapos nagsungit ulit. Tch

The Robot Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon