5

4 0 0
                                    

[ Chapter 5 ]
•-Sprained Foot-•

"Do you have a father?" nanuyo ang lalamunan ko sa katanungan ni tanda, dahil simula ng lumaki ako ay walang binaggit sa akin kung sino ang tatay ko, alam ko ang pangalan niya pero nakalimot na sa mukha. Ni litrato nga din ay wala si Mama, ang lagi niyang sinasabi ay may iba ng pamilya ang tatay ko. Kinulit ko ng kinulit si Mama pero yun lagi ang sinasabi niya, pati si ate ay nakalimutan na din kung ano ang hitsura ng tatay namin. Kaya naman hindi na ako nangulit pang muli tungkol doon dahil masaya naman na akong kami lang.



"Iha, here" abot niya ng panyo. Kinapa ko ang pisngi ko. Shet! Nakakahiya naman.

Napa-takip ako ng mukha ko gamit ang palad ko. Nakakahiya, bat di ko man lang napansin 'yon.

"Accept this" abot niya. Nahiya pa akong abutin yon bago ipinunas sa basa kong mukha.

"Done!" sabi ni Kitchi at tinakpan ang takip ng pen—

'Pentel pen o felt tip pen? Marker na nga lang! Mas madali, pinapahirapan pa ako.'


"Escort Ms. Basa, Kitchi" salamat naman at makakaalis na din ako. Sobra na ata ang pagod ko ngayon tapos lunes na naman bukas. Demn! Maaga na namang gigising niyan.


"Okay" sabi niya lang at binuhat na ang bag. Tumayo naman ako pero muntikan ng matumba.

"Ouch!" daing ko. Punyeta! Masakit pala yung paa ko.

"Are you alright?" tanong ni Mr. Yiu, kanina ko pa siya tinatawag na matanda kahit may pangalan naman.


"Thank you" rinig ko namang sabi ni Kitchi kung kanino pero hindi ko na pinansin at inalis ang medyo mahigpit na pagkakatali ng sandal ko. Bakit kasi 'di ako nagsapatos.


Hinilot ko ito dahan-dahan pero nakakangawit naman ng likod.


"Let me" sabi ni Kitchi kaya napatingin ako sa kanya.


Ang kalma ng itsura niya, ideny ko man o hindi ay gwapo talaga siya. Kahit saang anggulo mo tignan.


Aaminin ko't mabait rin naman siya dahil inuna niya ang kaligtasan ko kanina kaysa iwan niya ako doon. Pakipot lang talaga ako at hindi matanggap na, kung sino pa ang kinaiinisan ko ay siya pang tutulong sa akin.


"Aww! Ouch!" daing ko habang pinipigilan ang braso niya sa pag-ikot ng paa ko. Medyo namamaga na ang paa ko. May kataasan din naman kasi ang sandal na suot ko.

Muli niyang inikot ng dahan-dahan. Napasinghap pa ako ng itinuloy niya iyong gawin. Paulit-ulit niya lang na ginawa iyon hanggang sa medyo nabawasan naman na ang sakit.

Sinubukan kong tumayo pero masakit kapag ihahakbang siya. Nagulat na lang ako sa bigla kong pag-angat. Muntik pa ako mahulog ulit.

"Huy, ibaba mo nga ako!" pabulong ko sa kanya pero wala siyang pinakinggan at buhat-buhat pa rin ako. Nakakahiya.


"Huy! Ok na. Ibaba mo na ako" sabi ko pero hindi pa rin niya ako ibinababa kaya hinayaan ko na lang hanggang makababa kami sa private parking lot nila.


"I'll go with you" sabi niya at akmang sasakay ng dito sa tabi kong upuan pero pinigilan ko siya, nakasunod rin pala sa amin si Mr. Yiu, nakangiti.


"Huwag na. Hindi naman ako pababayaan ni Driver Kim. Baka kailangan ka ng lolo mo" sabi ko at ngumiti sa kanya. Parang ang gaan sa pakiramdam kasama siya.


The Robot Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon