Simula
As I walked into this beautiful park, I saw many couples walking while holding their hands together.
"Tangina, sana all." Bulong ko sabay irap. Napangiwi ako ng makita ang dalawang matanda na nakaupo sa bench at nag susubuan ng fries.
Hays. Ba't ba kayo may jowa na ha? Ako wala pa? Bwiset!
Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad at dahil napagod ako, umupo nalang ako sa isang bench. Nagulat ako ng may tumabi sa akin.
Nilingon ko siya at napatitig pa. He has green eyes, pointed nose, pinkish lips at higit sa lahat may makakapal na kilay at mahahabang pilik mata.
He has every girls dream.
He laughed. "Baka naman matunaw ako, Miss." Sabi niya pa sabay iling. Nakangiti lang siya habang nakatanaw parin sa paligid at ako nama'y naiwang nakatitig sa kaniya.
"Ba't ang pogi mo ha?" Wala sa sarili ko sabi. Nagulat ako sa sarili ko kaya agad akong napatakip sa bibig ko. "Hala, sorry!" Mabilis kong sabi.
Tinawanan niya lang ako. Napalingon ako sa tinititigan niya at nakita ko ang ibang kabataan na nakatingin sa amin at nag bubulungan.
"Nababaliw na siya?"
"Sino kausap niya??"
"Hala! She's crazy!"
"Dalhin na natin siya sa mental jusko!"Nangunot ang noo ko sa sinabi nila. Ha? Bakit? Anong sino kausap ko? Eh si kuyang gwapo lang naman—
Napalingon ako kay kuyang gwapo. "Nasaan na siya?" Nag tataka kong tugon sabay libot ng mata baka sakaling makita ko pa si kuyang gwapo. Pero sad to say, hindi ko na alam kung saan siya napunta.
Napabuntong hininga ako sabay pout.
Tumayo na ako sa bench at hindi na pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Akala nila baliw ako? Lol, I'm too beautiful to be crazy.
"Akala nila baliw ka." Mabilis akong napahawak sa dibdib ko sa gulat ng sumulpot si kuyang gwapo sa gilid ko.
Napatawa siya ng mahina. "Bigla ka nalang lilitaw at susulpot kung saan, multo ka ba ha?" Natatawa kong tugon. Napatahimik siya kaya agad ko siyang nilingon.
Nakatingin lang siya sa daanan. "Paano kung oo?" Sagot niya. Nag tayuan ang balahibo ko sa sinabi niya, nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay siya na bawiin ang kaniyang sinabi pero dumaan ang ilang minuto, nanatili parin siyang nakatahimik.
Nag tama ang aming tingin. "M-Multo ka?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.
Napabalikwas ako nang may malakas ng makarinig ako ng kumalabog mula sa ibabang palapag ng bahay. Napasabunot ako sa buhok ko, pilit na inaalala ang panaginip ko pero wala.
Bumuntong hininga ako at napatingin nalang sa orasan. Nanlaki ang kulay hazel brown kong mata ng makita kung anong oras na.
"Tanghali na pala!" Usal ko sabay tayo ng kama at pasok sa banyo. Hindi na ako nag abalang ligpitin ang higaan ko kasi paniguradong liligpitin na ni Manang iyon pag alis ko.
Maya-maya pa ay may kumatok na sa aking kwarto. "Bakit ho?" Sigaw ko mula sa banyo. "Si Manang ito! Bumaba kana para mag tanghalian." Sabi nito at narinig ko nalang ang mga yabag niya papalayo.
Pag labas ko ng banyo ay agad akong nag palit ng damit pang alis. Kung tatanungin niyo kung saan ako pupunta, mag gagala ako.
Pababa ko pa lang ay rinig ko na ang mga tawanan na nag mumula sa sala. Naabutan ko si Mama, kasama ang kaniyang bagong nobyo na kano, paniguradong nakabingwit na naman siya nang bago.
YOU ARE READING
Zev is dead.
RomanceYou cannot be seen by anyone but trust me, they feel you like how I feel you. Title: Zev is dead. Author: calmeunknown.