Park
SHAMY's POV
Napaupo ako sa swing pero di ako tumabi doon sa babae. Tatlo lang naman ang swing, kaya hindi ko pinili 'yong nasa gitna. Napatitig ako sa bata-ang cute naman niya.
"Eomma! Eomma!"
Sigaw ng bata habang subo-subo ang maliit na bola. Ang cute talaga niya, parang Korean. Gwapo siguro ang tatay niya.
(Eomma is a Korean word that means mom, mama, or nanay.)
"Oh, agi! Wag mong isubo 'yan, it's dirty."
Lumapit ang babae sa bata at kinuha ang bola.
(Agi means baby or darling in Korean.)
Pagkatapos ng ilang segundo, napatingin siya sa akin, at gano'n din ako sa kanya.
Maganda siya-short hair, maputi.
Pero bakit parang pamilyar siya sa akin?
Thinking.
.
.
.
.
.
Waaah! Oh, hindi!
"IIKAAAW?!"
Gulat kong tanong sa kanya.
Di ko inaasahan na makikita ko ang mang-aagaw na 'to! Ah, oo nga pala, nakalimutan ko-rito nga pala sila nagtanan ni Miler! Yes, si Crystalene nga ang babaeng nasa harapan ko.
Bakit ngayon pa siya nagpakita sa akin? Parang dumoble na ang sakit na nararamdaman ko! Pinaglalaruan ba talaga ako ng universe?!
"Shamia? Ikaw ba 'yan? Kamusta ka na?"
Aba, at may gana pa siyang kamustahin ako?
"Masaya naman ang buhay ko. Eh ikaw ba? Ah, oo nga pala! Sobrang saya mo nga pala ngayon with Miler."
"Sa tono ng pananalita mo, parang galit ka pa rin sa akin. Bakit, di mo pa ba alam?"
"Hindi ah? Ako, magagalit sa'yo? Sa ginawa mong pang-aagaw sa boyfriend ko noon? Hahaha! Ikaw naman, di ata masakit ginawa mo."
"So, hindi mo pa nga alam? Shamy, gusto ko lang sabihin na-"
"Wag mo nang ituloy," pinilit kong pigilan ang panginginig ng boses ko, pero ramdam ko na bumibigat ang dibdib ko. "Please?"
Napasinghot ako, pinipilit pigilan ang pagluha. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapigil ang sakit.
Kanina, kay Racky, tumulo lang ang luha ko. Pero ngayon, humahagulhol na talaga ako.
"Pero Shamy-"
"Alam ko naman na..." Bumuntong-hininga ako at muling napasinghot. "Ikaw ang mahal niya at mamahalin niya habang buhay, kaya hindi mo na kailangang ipamukha sa akin ang lahat."
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, parang nahihirapan na akong huminga.
"Hindi mo naiintindihan-"
"Regards mo na lang ako sa kanya." Pilit kong pinahid ang luha ko, kahit alam kong may kasunod na namang papatak. "God bless sa pamilya niyo. Hanggang sa muli."
At sabay takbo ako palayo.
---
CRYSTA's POV
"Regards mo na lang ako sa kanya. God bless sa pamilya niyo. Hanggang sa muli."
Sabay takbo niya palayo.
Kung hindi ko lang kasama ang anak ko, edi sana nahabol ko pa siya.
Ang mga luhang 'yon, ang iyak niya, ang sakit sa mga mata niya, at ang paghihirap na nararamdaman niya-pareho pa rin noong mga oras na nag-break sila ni Miler. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na dinanas niya sa kamay ng mapait na kapalaran.
Kung alam lang niya ang buong katotohanan, hindi na sana siya nasasaktan ngayon.
Siguro nakuwento na naman ni Miler sa inyo ang lahat, pero bakit hindi pa rin malinaw kay Shamia? Hindi pa rin ba sila nagkakausap? Ang buong akala ko, masaya na silang nagsasama ngayon.
Kawawa naman si Shamy... Sana dumating ang araw na magkaayos na sila. Malabo naman atang sumuko si Miler kay Shamia-eh, sobrang mahal niya 'yong tao. Di nga umubra alindog ko dati, 'di ba? Kaya hinayaan ko na lang siya-hindi naman kasi pinipilit ang pagmamahal.
Masaya na naman ako ngayon-may isang anak at Korean na asawa. Bukas na nga flight namin papuntang Korea, doon na kami titira sa lugar ng husband ko.
Sana malaman na niya na hindi siya niloko ni Miler. Mag-e-explain na sana ako kanina, kaso hindi ako makasingit sa kanya, haist. Although I will be leaving, my prayers will guide them.
Na gidae geudeul-eun ajig cheosbeonjjae uyeonhi il-eonada eulo iyagihoda; na gidae geudeul-eun ajig salanghada seolo.
(I hope they still have a chance to talk; I hope they still love each other.)
![](https://img.wattpad.com/cover/27085100-288-k395672.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)
RomansaImpressive Ranks: #41 in Gangster #1 in Abra fanfic #1 in Rap #1 in Fliptop #2 in Guitar Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangar...