"Ayoko na, pagod na'ko. Palayain mo na ako"
Ang daling sabihin, mahirap paniwalaan. Gusto mo nga ba talagang lumaya o naimpluwensyahan ka na naman ng mga tao sa paligid mo?
I admit that our relationship is so fucked up before. Gusto kong kumawala, kahit ang mga kaibigan kong nagpapakita ng concern. Lagi nila akong pinagsasabihan na hiwalayan ko na raw siya, hindi healthy ang relasyon namin. Alam ko na mali ito, at hindi ako nasisiyahan at ang sakit. Ang sakit sakit na harap harapan lumalandi ang boyfriend mo at nababasa mo pa sa messenger ang pinaguusapan nila. Alam mo kung saang motel sila magme-meet pero hindi ka pumunta. They were exchanging "I love you's" and sweet nothings but you chose to shut your mouth. Okey lang, lilipas din iyan kagaya ng mga nagdaang babae. Naniniwala akong darating ang araw na ako na lang at wala nang iba. Sa akin pa rin naman bumabalik eh.
Sa lahat ng lalaking nagdaan sa akin ay siya lang ang nagpakita ng pagmamahal, pag-aaruga at pagkalinga. Siya lang ang taong nakaka-appreciate sa akin na ni minsan ay hindi ko naramdaman sa aking pamilya. Lahat sila nangiiwan, siya lang ang bukod tanging nanatili at nagtiis.
Hanggang sa dumating na nga ang panahon na iyon. Ako na lang ang babae sa buhay niya. Walang pagsidlan ang aking tuwa pero totoo nga ba? Teka, parang napipilitan na lang ata ako. Totoo nga bang napipilitan na lang ako?
Ang damdaming nagbabaga ay unti unti rin palang nauupos. Nawawalan na ako ng gana. 'Yung tipong nagsasabi siya ng "I love you" ay parang may pagdududa. Ramdam ko naman pero nagaalangan ka kung sinsero ba talaga ang pagsasabi niya ng mga katagang iyon? May laman pa ba iyon at alam pa ba niya ang ibig sabihin ng I love you?
Ewan ko, hindi ko alam.
Nangako ako sa aking sarili na kapag nakahanap ako ng taong magpapakita at magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at pagkalinga'y hindi ko na ito bibitawan pa. Pero bakit kinakain ko ata ang aking sarili? Nagkakaroon na ba ako ng identity crisis?
Hindi. Sa katunayan ay nahanap mo ang halaga ng iyong pagkatao.
Kung ngayon takot na takot ako, ngayon ay hindi na. Ang sakit sakit pero parang wala na lang kapag naaalala mo ang mga nakaraan. Kung dati'y tandang tanda mo ang lahat ng detalye, ngayon ay nakakalimutan mo na. Bakit nga ba?
Kasi tanggap mo na.
Tanggap ko na na hindi lang ako ang tao sa buhay niya. Masyado kong ipinokus ang sarili ko sa kaniya na hindi ko na nakikita na may ibang tao pala na nagpapakita sa akin ng genuine care. Masyado kong ipinokus ang sarili ko na napabayaan ko na ang aking sarili, na para bang hindi ko na kilala kung sino ako.
Kaya ayun, bumitaw ako.
Sa wakas!
Alam kong wrong timing. Pero kailangan kong mahanap ang sarili ko. Hindi ako makakapagmahal ng totoo kung may isang parte na nawala sa aking sarili. Masyadong malalim ang sugat na naidulot ng nakaraan. Darating ang araw na magiging mabuti ako, na magiging handa ako sa anumang pagsubok na kakaharapin. Baka sa ibang bansa ay mahanap ko. Alam ko ang consequences pero sa mga nagdaang taon ay ngayon lang ulit ako nagkaroon ng ganitong pagpupursigi. Kaya kahit masakit para sa akin, mas naiisip ko na mas masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang aming relasyon.
Sa katunayan ay kanina pa ako nandito sa lugar kung saan una kaming nagkita. Kanina ko pa rin siya pinagmamasdan. Alam kong inip na inip na siya. Pero hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pumayag ako na makipagkita sa kaniya, last naman na daw kaya pumayag na raw sana ako.
Ito na nga, tanghali na. Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas na lumabas ng aking kotse. Masyado ng matagal ang pagmumukmok ko. Kailangan ko ng tapusin ito. Dala dala ang mga bagay na may kinalaman sa kaniya ay lumapit ako sa kaniyang kinaroroonan.
Nang makita niya ako'y napatayo siya sa kinauupuan upang ako'y salubungin. Bago pa niya ako mahawakan ay inilapag ko ang paper bags sa damuhan.
Hindi ko na papatagalin 'to. Alam kong gutom na gutom ka na at kung yayayain mo'ko, hindi na puwede. Diyos ko, kung hindi ko pa ipapaalala ang oras---
Bigla akong napatigil sa pagsasalita. Bakit pa nga ba ako magpapaliwanag sa kaniya eh wala naman nang kami. Napangiti siya pero bigla ring naglaho nang irapan ko ito.
Salamat sa pagpunta, sabi niya
Patuloy lang siyang nakatingin sa akin. Muling bumagal ang paginog ng mundo. Pero pinanatili ko ang blangkong ekspresyon sa aking mukha. Konti pa, sabi ko sa aking sarili. Sandali na lang ito, last chance para makabisado ang bawat korte ng kaniyang mukha kahit kabisadong kabisado ko naman ito. Napayuko ito. Dinampot niya ang maliit na box na naglalaman ng pinaliit na bersyon ng kaniyang relo sa ibabaw ng mga gamit. Nang makita ko na nandoon ang relo'y kitang kita ko ang pait sa kaniyang mata. Itinapat itinapat niya ito sa akin. Umiling iling ako sabay tingin sa ibaba.
Keep it. Ang sabi ko.
Balak mo na talaga akong kalimutan ah! Sabay tawa ng mahina. Napatingin ito sa aking pulsuhan. Itinago ko sa bulsa ng pantalon ang aking kamay.
Matagal na 'yan. 'Di ko lang nakagawiang isuot. sabi ko.
Maikling katahimikan, natameme ako. Nagkasya na lamang sa pagtitinginan. Ako ang unang nagbawi.
O siya, aalis na ako. Marami pa akong ieempake.
Tumalikod na ako at nagmadaling naglakad.
Nang tawagin niya ang aking pangalan ay napatigil ako sa paglalakad ay ipinikit nang madiin ang aking mga mata. Diyos ko, 'wag na sanang tumulo ang luha ko.
Katahimikan. Para akong natuod. Kasabay ng huni ng mga ibon sa paligid ang malakas kong pagbuntong hininga.
Lalong bumagal ang pagtakbo ng mundo.
Para akong nakalutang habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha pero hindi ako nagtagumpay.
Kasabay ng aking paghakbang ang sabay sabay na pagtulo ng aking mga luha. Bawal akong lumingon.
Hindi niya ako puwedeng makitang ganito. Akala ko naiyak ko nang lahat pero hindi pa pala. Masakit, oo, pero makakabuti ito sa akin.
Sa amin.
Sana maintindihan mo ako, sana maintindihan niyo ako.
Mahal na mahal kita.
Patawad.