Chapter 1

14 3 0
                                    

Chapter 1 : Telephone

__________

Third Person View

"Anong ginagawa mo dito?" Isang malamig na boses ang gumulat kay Shinggay matapos niyang buksan ang pinto ng isang mansyon dahil wala namang nagbubukas nito. Napatitig siya sa katawan na nakabalandra sa harapan niya.

He's just wearing a white pajama and shirts off. Halos maglaway ito sa tikas at ganda ng pangangatawang nasa harapan niya. Ngunit siya ay natauhan ng napansin nitong naiiyamot na ito sa kaniya. Grabe nag do-drool siya para sa baklang ito.

"Sabi ni tita I'll stay here daw" Maarte nitong sambit rito habang lunok-lunok pa rin ang anumang akala mong bumabara sa kaniyang lalamunan ngayon.

Grabe din ang dinanas ni Shinggay bago makabot sa mansyon ni Aki. Napag desisyunan niya na mag jeep na lamang para makatipid tipid siya kahit konti. Subalit dahil sa sobrang init at traffic, hindi niya namalayang na-snatched na pala ang bag niya. Nakatulog kasi siya dahil sa sobrang pagod sa pag aasikaso ng negosyo nila.


"Hindi puwede." Kaagad na balik nito sa kaniya. Saka nagtangkang saraduhan ang pinto pero agad niyang hinarang ang kamay niya rito.

"Saglit Aki" Medyo ibinuka na niya ang pintuan at saka nagkrus ng dalawang braso. Para itong model sa ayos niyang iyon. Ang kilay niya'y para bang nagtatanong ng 'bakit?'.

"Aki naman, kay tita mo iyan sabihin bakit ba ako ang inaaway mo? At isa pa, bakit ka ba hubad hah? Kung saka-sakaling iba ang kumatok dito na babae aba'y napagsamantalahan ka na!"

He smiled sarcastically.

"Mas mag aalala ako ngayong ikaw ang dumating. Sa paraan ng pagtingin mo sa akin para bang ano mang oras ay susunggaban mo ako. chaka!"

'yabang' iyon ang sabi nito sa sarili.

"Bakit ba ayaw mo ako ditong patirahin? May binabahay ka ba ditong lalaki? sinasabi ko na nga ba---" Humakbang ito papasok para sana raid-in ang mansyon nito pero muntik na siyang matumba nang bigla siya nitong hilahin at pinigilan.

"Gaga! Wala. Malay ko bang dadating kang krung-krung ka. Isa pa, magisa lang ako dito kaya malaya akong maghubad" Hinawakan ni Shinggay ang braso ni Aki.

"Okay lang din naman sakin kung maghubad kahit nandito ako" sabay kindat nito sa kaniya. Pero ang binata? umakto lamang itong nangangasim at nandidiri. Lagi niya itong pinapalayo dahil daig pa nito ang sawang laging naka lingkis.

"You're crazy." Nangukit pa ito na animo'y nagb-beautyful eyes pa sa kaniyang harapan.

"Tss. I'll show you your room. Sumunod ka na lang."

"Hah? Hindi ba tayo magkatabi? Eh magpapakasal na tayo eh" Napatigil siya sa paglalakad at hinarap akong muli.

"Aba! Atribida ang gaga! Hindi ako papayag noh."

"Bakit ba kasi ayaw mo na lang magpakalalaki? Sayang naman ang biyaya sayo!" sabay pisil sa naglalakihang mga braso nito sa panggigigil. Pero inalis naman agad ito ng binata para bang may virus siyang dala at ayaw niyang mahawaan kahit konti. Alam niya na iyon, marami na ring nagsabi sa kaniya nun, pero anong magagawa niya? Yun siya eh.

"Ikaw? Bakit ayaw mong magpakababae" kumulo ang dugo ng dalaga dahil sa sinabi nito. Na offend siya nito.

"Hoy! Babae po ako. Gusto mong patunayan ko?" Ngumiti ito ng nakakaloko. Nag fake smile naman ang binata kahit na nasusuka na siya rito. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa dalaga pero si shinggay? Umakto na para bang hahalikan siya nito. Inginuso niya pa ang kanyang labi at pumikit. Gustong humalakhak ni Aki sa inakto nito pero pinigilaa niya ang kaniyang sarili.

Beyond Our ThoughtsWhere stories live. Discover now