Chapter 2 :
________
"Fine. Ano masaya ka na?" Halos maglulundag si Shinggay sa tuwa. Siyempre dahil makakasama niya na naman ito.
"Yes. Wait magbibihis lang ako." Sabay tayo nito sa sahig. Sumenyas ito na tumalikod.
"Why just turn around? I'll go out instead" Napatawa si Shinggay. Ang sarap sarap nitong pikunin. Niloloko lamang naman niya ito, pero usok agad ang ilong nito.
- Garage -
Paglabas na paglabas nila galing sa loob ay tuloy tuloy na sa pag lalakad si Aki patungo sa loob ng kaniyang sasakyan. "Hmph hindi man lang ako inintay o inilalayan man lang" reklamo nito sa isipan. Binuksan ni Aki ang kaniyang bintana.
"Shinggay open the gate" Usok ang ilong niyang nag martsa papuntang gate at padabog na binuksan ito. Nang makalabas na ang sasakyan, bumisina ito ng malakas dahilan para lalo siyang mairita.
"Shinggay what are you still doing there ? Get in! Baka malate ako." Hindi umalis sa tayo si Shinggay sa halip ay nag -crossed arm lamang ito. Nainis na si Aki at bumaba ito...
"Ano na naman bang problema ng utak mong babae ka?" Nanatiling tahimik si Shinggay at sinadyang inisin si Aki.
"Fine! Puwedeng puwede naman kitang iwan dito." Nagdiretso ito sa sasakyan niya at binuksan ang pinto.
"Hoy! "lumingon ito at muling isinarado ang pinto niya.
"Tell me what do you want, kasi halata namang nag eenjoy kang buwisitin ako"
"Napaka ungentle-man mo naman kasi. Iniintay kong pagbuksan mo ako ng pinto"
"Aba ...Ibang klase ka rin talagang babae ka noh?" Bilib talaga siya sa fighting spirit ng babaeng ito. Siya na nga itong naiistorbo niya siya pa itong demanding.
"But that is what a guy must do to the woman he loves" Umakto itong parang pumapantasya. Napatawa si Aki at kalaunan ay bumalik sa pagiging seryoso.
"What's funny?"
"You....nakakatawa ka"
"At bakit?"
"I'm gay. "
"Alam ko na iyan. Tse!" At nagkibit balikat na lamang si Shinggay.
"Pangalawa.. You're not the woman I love. Never been and never will be. So stop making non-sense illusions." Oo, aminin niya. Nasaktan si Shinggay sa sinabi ni Aki. Kung wala man siyang nararamdaman para dito puwes siya meron. Handa siyang mag pakagaga para sa baklang ito.
"Let's go" Sabay hatak sa kanya nito , binuksan ang pinto ng sasakyan at itinulak siya paloob. Kahit na ganun ang ginawa sa kaniya nito, kahit harsh ang way....Pinagbuksan pa rin siya nito ng pinto. She's still happy.
Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Aki ay napansin niyang nakangiti ng malawak ang babaeng kasama niya. "May saltik nga ata ang babaeng ito. Ito ba ang gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang niya?" Napailing na lamang siya sa naisip. Naipit siya sa isang sitwasyon na hindi siya sigurado sa kaniyang mga ginagawa. Pero hindi niya maitatanggi...na kahit nakakainis ang babaeng ito, ay masaya din naman itong kasama.
-Company-
Isa si Aki na CEO ng isang kumpanya. Walang nakakaalam na bakla siya sa kumpanya niya maliban sa matalik niyang kaibigan na si Shawn na siya rin nitong Excecutive Assistant. Ayaw nga sana nitong maging assistant niya kaya't talagang nilakihan niya ang presyo ng puwesto ng magiging assistant niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/212710016-288-k498020.jpg)
YOU ARE READING
Beyond Our Thoughts
RomansaShinggay or Claire Trinidad at first has a rich family background , after silang nakawan ng pinagkakatiwalaan nilang board member na kapamilya na rin nila, unti unti ay bumabagsak ang kanilang negosyo at malapit lapit nang mabankrupt. Her parents ha...