Friend Request

435 8 0
                                    

*Ring* *Ring* *Ring*


Binuksan ko yung mata ko jusko ang ingay naman netong alarm clock ko wala ba tong silent mode? umagang umaga. Pinatay ko yung alarm ko tas umupo muna ako medyo hilo hilo ako bes wait lang. Tinitignan ko yung kwarto ko mukhang wala akong gagawin ngayong araw na to makapagligpit nga ng gamit. Pinush ko sarili ko para tumayo jusko sinusumpong nanaman ako ng sakit ko Tamadities so tinali ko muna yung buhok ko ng ponytail wala ng suklay suklay pag aalis lang pwede, naghilamos muna ako at skincare ko ng umaga oh ha may skincare. Bumaba ako sa hagdan nasa isang compound lang kasi kami at nirent lang namin tong bahay nato mas malapit sa U.P. tandang sora lang naman to, chaka malapit din sa work ni Mama. Ay wait di ko ba nasabi? na single mom ang aking mudra di nag work ang parents ko kaya walang sahod charaught masyado kasing mapagmahal si tatay ko pati ibang babae minahal kaya ayan nagsawa mama ko sa paulit ulit na pagpapatawad kay papa at paulit ulit niyang ginagawa chaka only child lang ako kaya mas malaki impact sakin kaso wala naman akong magawa as long na happy sila edi go.

"Good Morning ma." Sabi ko asa may kusina siya eh

"Good Morning nak! May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya

"Wala naman po ma bakit?" Tumingin ako sakanya

"Baka di muna ako makauwi ngayong araw na to maraming trabaho eh pero maganda din yun dagdag sahod." Sabi niya tas ngumiti lang ako sakanya

"Mama naman basta sahod ah." Tumawa din siya

"Aba sayang yun!" Sabi niya sabay lapag ng almusal namin na kakaluto lang niya

"Okay Okay Kain na tayo ma." Aya ko "Kaya pala agad kang nakabihis ng uniform niyo kala ko mamaya ka pang lunch." Sabi ko

"Akala ko din eh, biglang dumami work." Sabi niya tas tumango lang ako

"Kung okay lang sayo ayain mo si Cas ditong matulog para may kasama ka o kaya dun ka muna kay papa mo para safe ka." Sabi niya

"Kaya ko na sarili ko ma." Sabi ko

"Worried lang ako babae ka tange, ano man mangyare wala ako dito." Sabi niya

"Sige tawagan ko nalang si Cas." Sabi ko

"O kaya papuntahin mo si papa mo o dami mong choice di pwedeng none of the above ang sagot." Warning niya tas natawa lang ako

"Opooooo~" Sabi ko tas biglang nag ring yung phone niya

"Hello po? Ah, Opo opo sige po papunta na po." Tas bigla niyang binaba yung phone "Tumawag na boss ko oh anak ligpit mo nalang tong kinainan natin alis nako yung kasama mo ha!" Sabi niya tas kiniss ako sa ulo tas ayun umalis na kala mo si Flash ang bilis gumora.

Hays. Ako nanaman mag-isa bat di pa sila biniyayaan ng isa pang anak para naman may kasama ako diba? like hello? ako lang sure na yon final answer na? wala akong kapatid? okay! Nagligpit nako ng kinainan namin ni lock ko yung pinto nag linis muna ako ng bahay walis here walis there di ako mag ma mop masyadong hassle kaya dumaretso ako sa taas at sinumulan kong mag-ayos ng damit, napansin ko din na marami akong damit na di na ginagamit kaya hiniwalay ko na yun baka pwede kong ibenta para naman may pera ako jusko naman hirap walang pera pag bakasyon you know. So ayun nga mga 3 oras nako dito sa kwarto mas marami pa yung tunganga kesa sa ligpit pero may improvement naman kasi yung ilalim nalang ng kama ko yung ililigpit ko, makikita mo dito sa ilalim ng kama ko na maraming sikreto, Nakita ko tong isang blue heart shape na lalagyanan ng chocolates dati binuksan ko tas nakita ko yung mga memorable na mga bagay na binigay ng kung sino sino ewan ko ba bat ang hilig kong magtago ng ganito siguro tapon ko na din yung mga di kailangan katulad ng ticket ng sinehan resibo ng kung ano ano at mga tag jusko naman tep anong ginagawa mo? bat ka nagtatago ng ganyan? hays. tas may nakita pako ng lalagyanan naman ng biscuit na kulay red bat ang dami kong ganito? binuksan ko kase di ko na maalala anong laman neto, ay wait puro love letters pala to, mga rosas na lanta na except sa mga plastic na binigay before aba mayaman may pa singsing pa at kwintas pala ah galing pala to sa mga manliligaw ko dati oh diba haba ng hair ng ate niyo char, di ko naman sinagot kase you know mahirap pagsabayin ang studies at love life di ko pa kayang ibalance that time ewan ko lang ngayon pero di pa ako interested kasi sa love eh masyado pa akong bagets charrr, so lastly meron maliit na box mga shoe size na box wow Adidas pala to ano kaya to? binuksan ko yung box puro pala ID to simula nung bata pako, nametags, monograms and shet class pictures napangiti lang ako ang cute ko kasi sa mga class pictures naka pigtails ba naman ako HAHAHAHAHA nilipat ko yun sa blue heart shape na lalagyan since tinapon ko na yung laman nun before so ayun pero bago ko isara may napansin akong isang picture, class picture specifically. Kinuha ko tas pinagmasdan ko isa isa yung mga andun sa pictures tas nanlaki lang mata ko nung meron akong na familiarize shocks. Si Suson ba to? shemay si Suson nga kaklase ko pala siya nung High school bat di ko matandaan shockables. Biglang nag ring yung phone ko nagulat ako nauntog tuloy ako sa drawer ko naiwan ko palang bukas hays sino kaya to?

It's You | Ken Suson AU | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon