"Ken?" Tanong ko tas pumasok siya sa bahay namin at umupo sa sofa
"Bat parang gulat na gulat ka?" Tanong niya sakin at clinear ko lang yung throat ko, umirap at nakapamewang katapos isara yung pinto
"Sino bang hindi magugulat sa ISANG tao dyan na biglang susulpot sa BAHAY namin? AT biglang PAPASOK NG DI PA INAAYA sige nga."Sumbat ko tas sumandal lang siya sa sofa at binuksan yung tv gamit yung remote
"Wala akong magawa eh." Sabi niya tas umirap naman ako
"Eh bat ka naman nandito?" Tanong ko
"Di ko alam kung shushunga shunga ka o bingi ka lang, SABI KO NGA na walang tao samin." Explain niya
"Yun na yon?" Tanong ko tas tumango siya tas natawa lang ako
"Ayos ka kapatid ah, bahay mo to?" Tanong ko
"Pwede din, lipat ako pag may time para may kasama na ako." Sabi niya habang nagkibit balikat tumawa lang ako ng panginsulto
"Aba ano ka siniswerte?" Tanong ko
"Siguro. Mukha naman mabait mama mo eh." Sabi niya tas umirap lang ako at pumunta sa kusina
"Ewan ko sayo Suson, umalis ka kagad ha? bago dumating nanay ko, sana walang nakakita sayo sa mga kapitbahay namin maintriga panaman yung mga yun naku." Sabi ko sakanya tas mukhang wala lang sakanya
"Nagpa deliver pala ako ng Jollibee darating na yun mga ilang minuto nalang." Sabi niya tas tinignan ko siya
"Aba mayaman, balak ko panaman din magluto kasi biglang may dumating na bwisita." Sabi ko
"Edi magluto ka nag order lang naman ako ng kakainin ko." Sabi niya tas nagulat lang ako sa sinabi niya
"Aba walangya tong lalaking to, pumunta sa may bahay ko at umorder ng pagkain ng pagkain na para sakanya lang, aba magaling to sarap kutusan." Bulong ko sa sarili ko
"May sinasabi ka?" Tanong niya tas umiling ako
"Wala." Sabi ko
"Pag naiinip ako at walang magawa dito nalang ako ta tambay ah?" Sabi niya tas tinignan ko siya
"Mukha bang tambayan to Suson?" Tanong ko tas tumango siya
"Oo wala ka din namang ginagawa kaya tamabayan na natin to." Sabi niya tas natawa ako ng pilit
"Alam mo? ang labo mong kausap di kita maintindihan." Sabi ko tas tinuloy ko nalang yung pagluto ko
Nagluluto ako ng adobong manok sinabay ko na din yung kanin na isasaing ko para sabay silang maluto agad dahil gutom nako, habang hinihintay kong maluto yung ulam at yung kanina kumuha ako ng pitchel at nagtimpla ng orange juice ng biglang may kumatok sa pinto tinignan ko kung anong ginawa ni Suson, tumayo siya at binuksan nakita ko yung delivery ng Jollibee dumating na pala yung pagkain ni Suson kaya nag focus nalang ako ulit sa pagtitimpla ng juice, nung natapos na nilagay ko sa ref nagtataka ako bat parang walang ingay masyado? umalis na si Ken? tanong ko sa sarili ko sisilip sana ako kung andyan pa si Ken ng kaharap ko sa may daanan nakatayo si Ken dun ng ang daming dalang paperbag ng Jollibee nakatingin siya sakin, muntik nakong atakihin sa puso kala ko kung ano na yung nakasalubong ko.
"Gulat ka no? Matatakutin ka pala." Sabi niya tas umirap ako at pumunta sa niluluto ko
"Matatakutin agad di ba pwedeng nagulat lang sayo?" Sabi ko tas tumawa siya
"Edi wow." Sabi niya nilapag niya sa may counter ng kusina namin yung mga paperbag
"Ang takaw mo naman." Sabi ko sakanya habang tinitignan ko siya tas tinignan niyako ng masama
BINABASA MO ANG
It's You | Ken Suson AU | Tagalog
RomancePano kung mafall si Ken sa isang estudyanteng matalino at maganda, pero pano kung gawin ni Ken ang isang pagkakamali na hirap niyang pigilan? Anong gagawin ni Stephanie?