Ilang buwan narin nakakalipas since nung nag usap kami ni Ken, nagte text parin siya pero di ako nag rereply, binusy ko yung sarili ko i go out with my Friend, I helped my Family bumibisita din ako kay Daddy at nagreview ng bongga para sa LET syempre, nakapasa naman ako at ngayon nagiimpake nako ng gamit ko, nag general cleaning kasi kami ni Mama kahapon lahat ng kailangan itapon itatapon na, lahat ng pwede pa stay lang, pero yung ibebenta ayun pina garage sale namin yung iba online naman. Tapos yung kakilala ni Daddy sa New York nabalitaan na nakapasa ako ng LET eh teacher din pala siya sa New York so kinukuha ako, napag usapan na namin ni mama to at ni Daddy, tinanong ko nga siya if pano niya nalaman yun pala nag post si Daddy ng picture ko and nagsona ng pagka haba haba. Techy dad ah HAHAHAHA. Sabi ko kay mama maganda yung offer kaso wala akong tutuluyan, tapos nagsalita si Daddy na pumayag daw yung asawa niya na dun ako tumira sa bahay nila sa New York tutal daw wala namang nakatira so solve na yung tirahan pera nalang, si mama may pinadala yung ipon niya syempre nag abot din si papa at yung asawa niya, mabait naman si tita eh kaso sobrang busy lang sa buhay kaya di ako makapag pasalamat ng personal.
"Oh nak okay na ba mga gamit mo?" Tanong ni mama
"Opo ma konting siksik nalang sa maleta, masasara na." Sabi ko tas tumawa siya
"Ilan ba dala mo ha?" Tanong niya
"May dalawa po akong maleta tas isang backpack at isang slingbag." Sabi ko tas tumango siya
"Natimbang mo na ba?" Tanong niya
"Opo, 20kg po each." Sabi ko tas tumango siya
"Buti naman. Ayusin mo na yung sa packback mo at mga importante sa slingbag mo ah?" Sabi niya tas tumango ako
Nilagay ko na yung passport, wallet at ticket ko sa slingbag, naglagay ako ng pera sa maleta ko, backback at syempre sa sling bag at katawan mahirap na baka mamaya mawalan ako atleast may extra diba? Yung laman ng maleta ko na isa puro sapatos, medyas, accessories at make up na pwede ilipad. Yung isang maleta naman puro damit at undies so di nagkasya yung iba sa backpack chaka yung mga random stuffs ko pati si Pikachu asa backpack ko. Yes, di ko inichipwera si pikachu very memorable lang siya para iwanan at ibenta kahit eto nalang dalin ko okay nako atleast may tinira diba? Natapos ko na lahat dinouble check ko na din mukhang wala nakong nakalimutan, nakaready nadin isusuot ko bukas.
"Nak mamayang gabi a flight mo, ready ka na ba?" Tanong ni mama
"Opo, medyo kinakabahan lang ako." Sabi ko tas niyakap niya ko
"Wag ka, mag pray ka lang ha? laki na ng baby girl namin. Gagalingan mo ah?" Sabi ni mama habang hawak pisnge ko
"Opo ma. Ang drama naman naten." Sabi ko tas tumawa kami
Ilang oras lang mag re ready nako, tinext ko na si Cas na kung pwede siya ngayon para sumama siya na ihatid ako pumayag naman siya, otw na daw siya kaya naligo nako at nag ayos, mabilis lang akong nag ayos di nako nag make up kasi nga naman nasa maleta na kaya liptint nalang na galing sa slingbag. Binaba na ni Daddy yung mga gamit ko naka SUV pala kami, SUV nina Daddy, sumakay na kami at pumunta sa NAIA andito nadin si Cas katabi ko, Wala nanaman si Tita may business trip daw kaya di nakasama. So si Daddy, si bunso, si Mama at Si Cas ang kasama ko papunta Airport ngayon. Mga ilang oras lang nakarating na kami sa NAIA. Bumaba na lahat pati yung gamit ko binaba na ni Daddy, lumapit sakin si Cas.
"Hoy Tepiterio! Mamimiss kita buset ka, di mo man ako ininform na pupunta ka na pala ng New York kamakailan ko lang nalaman edi sana nakapag get together sana tayo." Sabi niya naiiyak siya
"Hoy Casyo! Wag kang umiyak di naman ako mamamatay no. Para kang timang!" Sabi ko sabay palo tas tumawa kami
"Basta tatandaan mo, andito lang ako, magvi video call tayo ah? ako lang best friend mo ah? baka mamaya pag palit moko sa mga kutis porcelain dun." Sabi niya tas tinawanan ko siya
BINABASA MO ANG
It's You | Ken Suson AU | Tagalog
RomancePano kung mafall si Ken sa isang estudyanteng matalino at maganda, pero pano kung gawin ni Ken ang isang pagkakamali na hirap niyang pigilan? Anong gagawin ni Stephanie?