So nung natapos na yung bakasyon namin sa Baguio agad din kaming umuwi para magspend ng time with our families, ngayon New year na syempre maghahanda kami kaya andito kami sa groceries ni mama ngayon tamang bili bili lang ng pang media noche. Habang nasa harap si mama at tumitingin tingin at ako naman sa likod niya tulak tulak yung cart biglang tumawag si
Cas kaya sinagot ko naman pinlug ko yung earphones ko para di hassle tas na realized ko na video call pala.
"Hello." Bati ko tas nag smile
"Happy New Year Tepiterio." Bati niya tas nag smile ako ng malaki
"Sayo den." Sagot ko
"Asan ka?" Tanong niya tas sinusundan ko lang si mama
"Asa grocery namimili ng ihahanda mamaya baket?" Tanong ko tas nag 'ahh' reaction siya
"Ahh, punta ako mamaya sainyo may pinapabigay sina mama eh." Sabi niya tas tumango ako
"Sige balitaan kita mamaya, bigyan kadin namin mamaya syempre." Sabi ko tas tumawa siya
"Ayos ah. Ay. Kamusta pala Baguio niyo ni Ken?" Tanong niya tas tamang kuha lang ako ng gusto ko
"Okay lang naman, masaya... Sulit yung time." Sabi ko tas ngumiti siya
"Sarap ba?" Tanong niya tas tumango ako
"Oo naman." Sagot ko tas narinig ko siyang nagulat kaya napatingin ako sakanya takip takip niya yung bibig niya
"Sherep?" Tanong niya na medyo nangiinis tas nag poker face ako
"Ang kalat mo. Ibang sarap niyang sinasabi at ini imagine mo eh." Sabi ko tas tumawa siya ng malakas
"Damn. You know me so well." Sabi niya tas natawa ako ng kaunti
"Ikaw pa, basta kakalatan nangunguna ka." Sabi ko tas umiling iling ako
"Wow ah, parang siya di ah." Sabi niya tas sumimangot ako
"Ako minsan, IKAW. MADALAS." Sabi ko with diin pa yan ng pagkakasabi
"Atleast, iniisip mo padin kahit MINSAN lang no." Sabi niya diniinan yung minsan na word
"Edi wow." Sagot ko
"Osige balitaan mo ako ah? Luto lang ako sa baba." Sabi niya tas tumango ako
"Bye." Paalam ko tas binaba ko na
After nung call inunplug ko yung headset tas tinignan ko si mama na binabasa yung isang bote ng ketchup kaya tinext ko si Ken muna, lately kasi parang after nung bakasyon medyo naging busy siya di ko alam bakit madalang mag update tong panget na to eh di ko naman bini big deal pero sana kahit isang text lang diba? kahit maalala lang man ako ganun. Tinanong ko if pupunta ba siya ng bahay mamaya, tas after nun tinago ko na cellphone ko sa bulsa ko tas nag continue na kaming mag grocery. Ilang oras na ang nakalipas pero walang paramdam si Ken pero binalewala ko lang tinulungan ko nalang si mama maghanda ng mga pagkain, magluto at gumawa ng desserts, katapos nun may narinig akong kumatok sa pinto ine expect ko talagang si Ken na yun, sana naman, pinuntahan ko na yung pinto tas sumalubong sakin si Cas.
"Oh, Cas." Bati ko sabay bukas ng pinto tas ngumiti siya
"Hiiii~" Bati niya ang dami niyang dala syet
"Pasok ka." Aya ko sakanya tas tinulungan ko siyang magbitbit ng dala dala niya
"Ang dami mo naman dala." Sabi ko tas tumawa siya
"Parang di mo naman kilala si mama ko, pag naghahanda kala mo fiesta." Sabi niya tas tumawa kame
"Sabagay." Sagot ko tas nilapag ko yung bitbit ko sa lamesa namen
BINABASA MO ANG
It's You | Ken Suson AU | Tagalog
RomancePano kung mafall si Ken sa isang estudyanteng matalino at maganda, pero pano kung gawin ni Ken ang isang pagkakamali na hirap niyang pigilan? Anong gagawin ni Stephanie?