Chapter Eight

2.6K 70 0
                                    

HINDI mapakali si Harmony sa kaniyang kinauupuan. Maya't maya niyang sinisipat ng tingin ang oras sa kaniyang relo.

Halos mapatalon siya sa kaniyang upuan nang makarinig siya ng mga katok sa pintuan ng kaniyang opisina. Iniluwa niyon ang kaniyang sekretarya.

"Ma'am Harmony, nandito po si Sir Ryan sa labas. Papasukin ko na po ba?" tanong ni Rina sa kaniya.

Napakapit siya sa kaniyang upuan. "Just give me five minutes," tugon niya rito.

Inikot ni Harmony ang kaniyang upuan paharap sa bintana. Ilang beses siyang huminga nang malalim. Maya-maya pa ay tumunog ang kaniyang telepono at sinagot naman niya iyon.

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am Harmony?" tanong sa kaniya ni Rina.

"Yeah, I'm fine. Papasukin mo na si Ryan."

"Okay po."

Kaagad na bumukas ang pintuan ng opisina niya. Iniluwa niyon si Ryan na nakakunot ang noo.

"Are you okay?" tanong nito sa kaniya at kaagad siyang nilapitan.

Tumango siya. "I'm okay. Makalat lang dito sa loob kanina kaya hindi muna kita pinapasok," sagot niya rito at siya'y ngumiti.

"That is not what I'm referring to. You look pale. Are you really okay?"

Kinapa-kapa ni Harmony ang kaniyang mukha. "I'm fine."

"Sigurado ka?" tanong pang muli ni Ryan sa kaniya.

"I'm sure that I'm perfectly fine. Anong oras ang meeting niyo? Baka ma-late ka 'pag nagstay ka pa rito sa office ko nang matagal. Mamaya na lang tayo mag-usap."

Sinipat ni Ryan ang relo nito at pagkatapos ay ibinalik ang mga tingin sa kaniya. "Kailangan ko na pumunta sa conference room. I'll see you later," anito at nilapitan siya para halikan sa pisngi.

Harmony smiled at him. Tinitigan niya lamang ang lalaki habang tinutungo nito ang palabas ng opisina niya. Nang mawala na ito sa paningin niya ay napabuntong-hininga na lamang siya.

Walang ibang ginawa si Harmony kung hindi magpaikot-ikot sa loob ng opisina niya. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Ryan pagkatapos ng meeting nito. Kinakabahan siya. Halos hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya kasi inaakala na ganito ang mangyayari.

Halos mapatalon si Harmony sa kaniyang kinatatayuan nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina.

"Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong ni Ryan habang papalapit ito sa kaniya.

"Tapos na ang meeting niyo?" tanong naman niya rito. Tumango ang lalaki. "How was it?"

"Ayos naman. Mr. Frederick agreed with my company's proposal, but he has to set things first before anything else. Pag-aaralan niya munang mabuti ang lahat. And that's fine with me."

Tumango-tango si Harmony sa sinabi ni Ryan.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" kalaunan ay tanong nito sa kaniya.

Natigilan si Harmony. Balak pa lamang niyang sabihin dito ang kanina pa nagpapaligalig sa isipan niya, ngunit tila alam na kaagad ng lalaki ang tungkol doon.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin na pamangkin ka pala ni Mr. Frederick? Kung hindi pa niya nabanggit kanina ay habambuhay kong hindi alam ang tungkol doon," litanya nito sa kaniya.

Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon