"Class! Lahat daw ng mga grade 9 at 10 pinapatawag sa gymnasium ng principal!" sigaw ng president namin na kakagaling lang sa isang meeting.
"Line," utos pa nya na sinunod naman naming agad, anong meron at napagtripan kaming ipatawag ng principal.
Pagpasok namin sa gymnasium, may mga upuan na para sa mga students, nakasulat din sa mga upuan ang mga sections namin, nakita namin ang amin sa pinaka-unahan.
Pagdating namin doon ay kami palang ang nandoon kaya naghintay pa kami ng konti hangang sa makompleto kami.
"I gather all of you dahil sa nabalitaan ko, masasabi kong medyo late na ito pero nais ko sanang malaman kung sino ang mga kumakanta sa audio na ipaparinig namin sa inyo," sabi ng principal, ilang segundo lang ay tumugtog ang pamilyar na musika, I Love You 3000 II.
Sabay kami ni Jennie na napatingin sa isa't isa, dinig din naman ang bulong-bulungan ng ilan.
Nang matapos iyon ay hinarap ulit kami ng principal, "ngayon, tumayo na ang dalawang kumakanta sa audio."
Nagtinginan ulit kami ni Jennie, nagulat naman ako ng bigla akong sinapak ni Suga.
"Hoy, Jennie at Jin, alam kong kayong dalawa iyon! I witnessed it! Stand uuuupppp!!" dinig kong sigaw ng isang lalaki, yung nagkakagusto kay Jennie... yung mukhang giraffe.
"Alam namin kayo ni Jennie yon stand up," sabi ni Suga kaya tumayo nalang ako na sya ding sinundan ni Jennie.
"Kayo pala iyon, from 3-1," tatango-tangong sabi ng principal, napatango naman kaming dalawa.
"Oh my god, sila pala iyon? Grabe they made us clown."
"They don't just made us clowns, but they also made a whole pinking circus!"
"I never thought it was them--- but they gave us a big hint already, we are just clowns and thought it was nothing."
"Sabi ko na nga ba't sila iyon..."
"From now on, shipper na nila ako."
"I want to talk to both of you, after this come to my office," sabi ng principal, napatango nalang kami kasi wala din naman kaming magagawa.
Nagsalita pa ang principal tungkol sa nalalapit naming prom, pati na sa Fun day. Naghikayat sya ng mga estudyante na makisali sa naturang event.
Madami ang na-excite sa narinig nila, isa na kami doon syempre, pero ang sabi ng principal starting next month will be our practice for cotillion at kailangan naming mag-extend ng isang oras.
Pagtapos non, isa-isa ng nagsialis ang mga section hanggang sa section nalang namin ang matira at umalis, habang mga kaklase namin ay papunta sa room, kami ni Jennie ay papunta naman sa principal.
Narating namin ang office nya, ako na ang kumatok dahil ayoko muna makipag-ayaw kay Jennie, pinapasok kami ng principal saka pinaupo.
"I want to talk to you about the you singing I Love You 3000 II, hindi ko naman kayo papagalitan kaya wag sana kayong kabahan," pagsisimula nya, "ilang months nalang ay magpo-prom na kayo, gusto ko sanang kumanta kayong dalawa sa event, is that okay to you?"
Nagtinginan naman kaming dalawa ni Jennie, napa-oo naman kami dahil sa hiya.
"Kung ganon ay maayos, mataas naman ang tiwala ko sainyo kaya sana ay ibigay nyo ang makakaya nyo para sa prom."
"Yes sir," sabay naming sagot.
"Sige, pwede na kayong umalis."
Sabay kaming lumabas ng room ng principal, sabay din kaming naglakad hanggang sa makalayo na kami.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Enemy
Teen Fiction"Why do I need to apologize to him when in the first place it was his fault? Hmm... Katangahan? Hindi ba dapat sya yung manghingi ng tawad sa akin?" Jennie. "She don't need to apologize to me, cause first of all I don't need her insincere apology...