✨Chapter 34

78 3 0
                                    

Mabilis kaming kumain saka bumalik ulit sa ginagawa namin, pero hindi na kami nakapagseryoso. Nagsimula na kasing magdaldal si Jin.

"Yung kinikwento mo sa akin," pagsisimula nya, napatingin naman ako sakanya, ano yon?

"Anong kinikwento ko?" tanong ko.

"Yung tungkol sa magkasintahan... yung sa pinuntahan nating bangin."

"Oh anong meron?" tanong ko.

"Meron akong nalaman. Sa library, nung nakaraanan naghahanap ako ng libro hanggang sa napadpad ako sa pinakadulo ng library, yung mga libro doon, mga luma na. Kinuha ko yung isa, at hindi sya libro, hmmm more on like, diary."

"How could you tell that the diary is from them?"

"Wait, hiniram ko yon eh," sabi nya saka tumayo. Kinuha nya ang bag nya saka ito binuksan. Nilabas nya yung lumang diary na sinasabi nya.

"Paano namang pinahiram sayo to?"

"Ewan ko sakanya, ingatan ko lang daw..."

Bubuksan ko na sana kaso bigla bumukas yung pinto, sobrang lakas nagulat ako.

"Anong ginagawa nyo?" tanong ni kuya, kumuha ako ng unan saka binato sakanya.

"Nagre-research! Can't you open the door carefully? Damn! What if nasira yan? Can you fix that?" naasar kong sagot.

"Sabi ni mom nasa isang kwarto daw kayo ni Jin!"

"Oh ngayon?---"

"Wala naman akong gagawin sa kapatid mo eh!" sigaw ni Jin.

"Eh bakit nasa kama kayong dalawa?"

"Oh san mo gusto? Cr?" inis kong sagot sa kanya, "saka mas komportable dito."

"Doon kayo sa sala mag-research," utos nya. I rolled my eyes, why so overprotected?

Lumabas naman ako pero naiwan si Jin sa loob.

"Hindi ka lalabas?" tanong ni kuya.

"Sa loob pa din kami gagawa, kukuha lang akong tubig," sabi ko, "saka wala naman kaming gagawin. We're not like you."

"A-anong we're not like you?!"

"We're not pervert."

"Who's pervert?!"

"Neo (you). Ih-kaw," sagot ko, emphasizing the word 'ikaw'.

Tuloy-tuloy na akong bumaba saka kumuha ng tubig. Buti nalang at hindi na nya ako sinundan.

Pagbalik ko sa taas, gumagawa na ulit si Jin ng research. Buti naman, when he said, he will help-- he really mean it.

"Tubig," sabi ko sabay abot ng basong may tubig, kinuha naman nya.

"Thanks."

"Ano nang ginagawa mo?"

"Ito nalang siguro i-add natin at maghanap na tayo bukas sa mga books."

"Okay, may kalahati naman din yan."

"Dalhin mo to bukas ah?" paalala nya, tumango naman ako.

"Ano hatid na kita sa labas?"

"Bahala ka," sagot nya, nasa kamay naman na nya si Carmoenie.

"Sige, babye," sabi ko sakanya saka humiga sa higaan ko, laying on my bed.

"H-hoy, hatid mo ako."

"Hindi ka naman maliligaw eh," sagot ko.

"Bisita mo ako dapat hatid mo din ako hanggang sa labas," pamimilit nya.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon