NAGISING SI SPARK sa kalampagan ng mga bakal. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at umalis din sa pagkakasandal bago luminga muli sa paligid. Doon nya napansin na sa loob ng pinagkukulungan niya ay mayroong pagkaing nakalatag sa malapit sa pintuan.
Dumaan ba si Andriene dito? Sya ba ang may dala ng pagkain?
Nagtataka sya kung bakit hindi sya nagising nang dalahin ang pagkain. Pero kunsabagay, sa pagod ba naman niya sa magdamag ay hindi lalalim ang tulog niya?
Muli nyang narinig ang tunog ng mga bakal. "P-Palabasin nyo ako!" Sigaw ng isang boses lalaki na pamilyar sakanya.
Nang lumingon sya sa gilid sa bandang kaliwa ay doon nya nakita na may isa pang kulungan. Hindi nya gaanong mamukhaan ang lalaki dahil masyado itong nasa gilid at hindi na abot ng paningin niya pero ang suot nito ay pamiyar. Katulad ng suot ng mga lalaking sumugod kay Andriene sa parking lot ng hotel.
Oo nga pala. May isang dinala si Andriene na lalaki nang papaalis na at hindi imposibleng ito ang lalaking iyon.
"Andriene! Taksil ka! P-Papatayin ka na ni Mañago! Tanginamo! Mamamatay ka!" Sigaw ito nang sigaw at paulit-ulit na nagmumura habang inaalog ang mga bakal na sarado.
Mañago... Ang mga kakilala n'yang Mañago ay ang may-ari ng pinakamalaking sindikato sa bansa. Mga lider ng kidnap group at suppliers ng droga sa iba't-ibang bahagi ng Asya.
Kung iyon ang Mañago na tinutukoy ng lalaki, anong ibig nitong sabihin? Nagtaksil si Andriene sa mga sindikatong iyon? Para saan? Sa pagkakakilala niya dito, napakaimposible no'n dahil ika nga ni Andriana, tinraydor sya ng kakambal para kumampi sa kalaban.
The heck. Ang gulo. Ang gulo-gulo!
Umupo sya ulit at chineck ang mga pagkaing naroroon bago iyon kinain. Kailangan nyang magkaroon ng lakas. Kailangan nya pang makaalis at makatakas.
ILANG minuto na ang lumilipas pero wala pa rin ang bata. Hindi pa rin ito bumabalik kaya lalong nanginig ang katawan niya.
"Where are you?" Bulong niya sa sarili habang iginagala ang mga mata.
Nangilid ang kanyang mga luha sa mata bago nagsimulang humikbi ng mahihina.
Bakit kailangang makaranas sya ng ganito? Napakabata pa niya at hindi mulat sa karahasan. Tsaka nasaan na nga ba ang babaeng nangako kanina na babalikan siya?
Tumigil sya sa pag-iyak pero tuloy pa rin ang tulo ng luhang hindi nya na mapigilan. "Where are you? Where are you?!"

BINABASA MO ANG
The Great Fucker 2 (Spark) √
Romance"I know you're an enemy... but I can't stop myself wanting you." He's Samuel Parken Nuevas--- also known as Spark. And he's... 'The Great Fucker' (2) --- WARNING: SPG - R18 By:LOC-2nd