CHAPTER 14

218 7 0
                                    


"ASIDE from cakes and chocolate,
You are my favorite.
You're always in my fantasies and desire.
When I'm with you, I'm hot like on fire."

"'Keep away,' I heard them say
But as a hard-headed, I still stay.
Always seeking for an answer
Until I realized, we're good together.

Now, I can't clearly think
I wanna be with you until the Earth extinct.
Yes, I love you, now you know.
Say you love me too and don't ever go."

Naubos na yata ang mga luha ni Andriene kaya naman kahit nata-touch siya sa ginawang tula ni Spark para sakan'ya ay wala siyang magawa kundi ang ngumiti na lamang dito.

"What can you say about it?" Tanong nito. Niyakap niya ang hubad nitong katawan gamit ang hubad din niyang katawan.

"I love you..."

"I love you too."

Kakatapos lang ng kanilang kasal at reception may tatlong oras na rin ang nakalilipas at nandito silang muli sa kwarto nito. Sa mansyon nito, kung saan unang may nangyari sa kanila.

"Hindi ko in-expect lahat ng 'to..." mahinang bulong nito sa tenga niya kaya naman nakaramdam siya ng kiliti.

"S-Sino bang nag-expect?" Sagot niya. Kinagat nito ang tenga niya. "Ah---nakikiliti ako!"

"Ayaw mo na ba..."

"N-nang ano naman?"

"Isang round---"

"Hep!" Pinigilan niya ang sasabihin pa nito. "Mr. Nuevas, baka nakakalimutan mong halos 3 hours na tayong... nag... nag..." Nag-isip siya nang magandang term--- nang hindi malaswang term.

"3 hours na tayong nag-ano?" Nagkunwari itong inosente.

"Ah, b-basta!" Tumawa ito at napaka-sexy ng boses. Required ba talagang kahit anong gawin nito, para sakan'ya ay sexy iyon? "K-Kaninang umaga rin, inano mo ako..."

"Inano kita?" Kinurot niya ang tagiliran nito dahil naririnig niya itong nagpipigil ng tawa. "Aray! Inano nga ba kita?" Saka humagalpak ito.

"Tigilan mo 'ko, Spark! Tatamaan kana sa akin!" Natatawa ring aniya.

"Oo na nga!" Mas humigpit ang yakap nito. "Kwentuhan mo ako."

"S-Sige..." kahit nagdadalawang-isip ay mas pinili niyang magkwento na nga lang dahil alam niyang hindi rin ito titigil. Isa pa, wala naman na siyang itinatago pa rito. "Simulan natin noong araw na nagkita tayo sa gubat..."

"S-Sige," ang buong atensyon nito ay nakatuon sakan'ya.

"Palaging may sakit noon si Andriana at ipinayo ng doktor na kung pwede daw... magbakasyon muna ito sa probinsya o kung saan man may sariwang hangin kaya nagbakasyon kami sa lugar ng yaya namin.

"Hapon na no'n at tumakas ako. Mahilig kasi akong mag-adventure-adventure kaya naman na-excite talaga ako noong may makita akong gubat sa di kalayuan mula sa tinutuluyan namin. Pumasok ako sa gubat at naglibot. Nag-e-enjoy pa ako sa pagtingin sa paligid nang hindi ko mapansing gumagabi na pala.

"May narinig akong mga yabag kaya naman nagtago ako. Akala ko pa nga noong una, sila mommy 'yon at hinahanap na ako. Kinabahan ako kaya naman nagmadali na akong tumakbo kaso... umulan kaya sumilong ako sa isang kweba hanggang sa nakita kitang parang may tinatakbuhan at kaagad kitang hinila--- Spark!"

Gulat s'yang napatitig dahil kahit hindi bukas ang ilaw ay maliwanag ang buwan at ang liwanag ay pumapasok sa bukas na bintana kaya naman kitang-kita niya ang mga luha nito.

"S-Sorry... you can continue."

"Are you okay?"

"Baby, continue the story... don't mind me, I'm just happy."

The Great Fucker 2 (Spark) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon