CHAPTER 11

205 6 0
                                    


WARNING: Contains matured scenes.

ONE WEEK na ang nakakalipas nang makita siya ni Spark na yakap si Emerald. Umalis din si Emerald nang hating-gabing iyon at si Spark naman ay hindi pa rin siya iniiwan.

Ito ang nag-aasikaso sakanya hanggang sa paglilinis ng kanyang katawan, pag-inom ng gamot at pagpapakain. Ang kaibahan nga lang, wala itong anumang sinasabi.

Nakakapanibago na hindi ito nag-uusisa ng kahit na anuman. Sanay siya sa Spark na napakaraming katanungan.

Nang akmang susubuan siya nito ng pagkain ay pumigil siya. "K-Kaya ko na, hindi naman ako inutil."

Maayos naman na ang kanyang pakiramdam. Ang problema nalang talaga ay ang minsan ay munting pagkirot ng kanyang sugat na hindi na niya gaanong iniinda.

Huminga ito nang malalim bago iniabot ang kakainin niya sa plato. "Oo nga pala... hindi mo ako kailangan. Sorry ha? Muntik ko nang makalimutan." Walang emosyong anito. Iyon ang kauna-unahang salitang narinig niya dito makalipas ang isang linggo.

Umupo ito sa inilagay nitong mahabang sofa saka siya pinanood na kumain. Naiilang siya pero hindi na n'ya ito pinansin pa. Nang matapos siya ay kinuha nito ang pinagkainan at umakmang aalis nang pigilan niya ang kamay nito.

"T-Teka lang."

He stilled. "Do you need anything?"

"G-Galit ka ba saakin?" Tanong niyang hindi rin sigurado kung bakit iyon itinanong.

"Bakit naman ako magagalit?" Napabitaw siya sa kamay nito dahil sa pagkailang at nagbaba ng tingin. "May karapatan ba akong magalit?"

"Hindi ko alam... n-nararamdaman ko lang."

Shit! Ano ba 'tong sinasabi ko!?

"I'm not mad."

"Bakit ganyan kang makitungo sa'kin?"

"I'm just doing this to change your answer on my question."

"W-what question?" Naguguluhang tanong niya.

My answer on his question? Alin naman sa mga tanong n'ya at alin sa mga sagot ko?

"Wala." Naglakad na ulit ito at hindi na lumingon. "Pupunta lang ako sa ibaba. Pupuntahan kita kapag kailangan mo nang maglinis at magpalit ng damit."

"N-Nararamdaman ko talagang... g-galit ka saakin, Spark."

Pero hinndi ba't ito talaga ang gusto n'ya? Ang magalit ito sakanya at kusang lumayo? Buo na ang loob n'ya noong nakaraan nang planuhin niya iyon pero bakit ngayon ay parang hindi na niya kaya?

Ngumiti ito nang malungkot. "Hindi, Andriene. 'Wag mong lokohin ang sarili mo. Imposibleng nararamdaman mo ang sinasabi mong 'galit' ko dahil ang totoo ay wala kang pakiramdam. Dahil manhid ka." Pinagdiinan pa nito ang huling sinabi.

Naiwan siyang tigalgal habang pinag-iisipan ang mga sinabi nito.

Sumilip siya sa bintana upang mag-isip-isip. Nang makaramdam ng tawag ng kalikasan ay pumunta siya sa banyo. Sa tingin naman niya ay kaya na niyang maligo, nanlalagkit na rin siya dahil sa sa mga nakalipas na araw ay puro punas lang ng katawan ang ginagawa niya kaya't hinubad niya ang mga suot bago pinuno ang naroong bath tub.

Nilagyan n'ya rin iyon ng sabon at nang akmang sasampa siya ay nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto.

"An---" pareho silang natulala. Ni hindi n'ya magawang takpan ang kahubaran habang ito naman ay nakangangang napatingin sa kanyang kabuuan. Nanlalaki ang mga mata nilang pareho. "S-Sorry, akala ko n-nawala ka na n-naman..." utal-utal at dahan-dahan nitong sabi pero hindi parin naman iniaalis ang paningin sakanya.

The Great Fucker 2 (Spark) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon