CHAPTER 9

231 5 0
                                    

"IKAW NGA ANG BESTMAN!" halos lumuwa ang mata niya sa gulat sa sinabi ni Blaze.

Ikakasal na daw ito ngayon at ang kinakasama nito.

"Akala ko ba... may ibang asawa na---"

"Mahabang kwento, couz! Basta, punta ka agad dito ha? Mamayang 6 pm ang kasal."

"Teka, bakit ako ang---"

Pinatayan s'ya nito. Mahusay. Samantalang nang nakaraang gabi lang ay mukha na itong pinahsakluban ng langit at lupa, magkainuman pa sila. Tapos ngayon, ang saya-saya na naman nito.

Well, masayang-masaya siya para kay Blaze. Matapos nitong ialay ang halos buong buhay mapatakbo lang ang kumpanya ng mga ito, he deserves to be happy. Kahit pa nga laro lang rin dati dito ang mga babae.

Tumingin siya sa nakahigang si Andriene. Kakapakain lang niya dito ng niluto niyang lugaw kaya't nagpapahinga itong muli. Nakatulala lang ito sa kisame na tila mag-isa lamang ito.

"May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita."

"Gusto mo na bang malaman?" Anito maya-maya pa. "Kaya ka naman talaga pumunta dito ay dahil naku-curious ka 'di ba? Kaya hinanap mo ako ay dahil may mga katanungan ka na sa palagay mo ay ako lang anh makakasagot."

Bumaba na ang lagnat nito at naturukan n'ya na ulit ito ng anesthesia kani-kanina. Mukhang hindi na sumasakit ang sugat nito pero hindi n'ya alam kung ano na bang talagang lagay nito. Ayaw namang magsabi ni Andriene sakanya. Ang palaging sagot nito ay: Okay lang ako.

"Hindi lang naman---"

"Ngayon lang kita bibigyan ng pagkakataon na magtanong," doon pa lamang ito tumingin deretso sakanya. "Sasagutin ko na lahat, Nuevas."

"Hah!" Malakas s'yang huminga ng malalim saka pekeng tumawa. "Nuevas? 'Di ba... sabi mo saakin Spark na ang itatawag mo saakin dahil nakaramdam ka ng electric spa---"

"Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin makalimutan 'yan? Matagal na ang lumipas na taon." Hindi ito mukhang nagulat na alam na niya. "10 ka palang yata no'n so... mga 22 years or 23 na? Tss."

"Ikaw nga talaga 'yung batang 'yon..." aniya at sumandal sa pintuan. "Bakit mo ako tinulungan nang araw na 'yon?"

Pigil hininga siya habang hinihintay ang sagot nito.

"Dahil naawa ako." Tumawa ito habang tila ang naalala ay isang nakatatawang pangyayari mula sa nakaraan. "Actually, naglilibot lang ako nang hapon na 'yon sa gubat, inabutan pa nga ako ng ulan. Papauwi na sana ako nang makita kita. Nakakaawa ka nang panahon na 'yon kaya naman nang may nakita akong kweba, hinila kita kaagad sa bungad noon."

Ang lawak pa ng ngiti nito sa labi. Umusod ito pataas hanggang sa halos nakaupo nalang ito. Sumandal kasi ito sa unan at headboard ng kama.

"Dahil lang naawa ka kaya sumugal kang tulungan ako---"

"Kung nakikita mo kasi 'yung mukha mo nong mga oras na 'yon, pati ikaw maaawa sa sarili mo. Mukha kang lalampa-lampa. Kalalaki mo ngang tao, iyak ka nang iyak." Napatiim ang bagang niya dahil sa sinabi nito kahit may katotohanan iyon. "Ah, yeah, tsaka paano ko nga ba makakalimutan na halos magmakaawa ka nang mga oras na iyon 'wag lang kitang iwan doon."

KITANG-KITA NIYA ang pagdilim ng mukha ni Spark dahil sa mga sinabi niya. Alam niyang hindi nito gusto ang mga naririnig sa ngayon.

"Umiyak ka h'wag lang akong umalis," pagpapatuloy niya at nagdekwatro pa.

Nakakuyom ang mga kamao nito pero hindi ganoon kasama ang tingin sakan'ya.

"Mahal mo ba ako?" Nalaglag yata ang panga niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang susunod nitong itatanong.

The Great Fucker 2 (Spark) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon