1st

71 3 3
                                    


James


"Ano 'yan?" Tanong ni Diane.

Itinaas ko ang hawak kong Notebook at ipinakita ko sa kanya.

"Notebook,ano pa ba?" pamimilosopo ko.

"Alam ko,ano 'yang sinusulat mo diyan?"

"Ito..mga pangarap ko sa buhay ko."

"Naks,gumaganyan ka na pala,Bestfriend!"

Siniko-siko naman niya ako.Hays..Nginitian ko lang siya.

"Pwede ko ba basahin 'yan?"

"Wag na."

"Sige na.."

"Ayoko nga." Ayoko 'to ipabasa sa'yo kasi baka malaman mo na isa ka sa mga pangarap ko.Baka makornihan ka.

"Hmp! Ang damot mo.Babasahin lang eh." Simangot niyang sabi.

"Oh," at ibinigay ko sa kanya ang Notebook.Di ko kasi siya matiis eh.

So,ayun nag-umpisa na siyang magbasa.Tinitignan ko siya ng maigi,ang ganda niya talaga.Aaminin ko may gusto ako sa kanya.Sinong hindi? Eh sa ganda at bait ba naman nitong babaeng nasa harapan ko ngayon.Baliw na siguro ang hindi magkakagusto sa kanya.

Ako,baliw.Baliw na baliw sa kanya kaya isinama ko siya sa mga pangarap  ko,na papakasalan ko siya at mamahalin panghabambuhay.

Pero,papayag kaya siya? 'Yun ang tanong.

"Aww..Talaga? Papakasalan mo ako,James?"

Nabalik sa realidad ang isip ko nang magsalita ang taong gusto ko.

"Ah.Hehe,ou sana." Sabay kamot ko sa batok ko.Nakakahiya man aminin,atleast nalaman niya kung ano at sino ang pangarap ko.

Yumuko siya at kinuha ang ballpen sa bag niya.

Akmang magsusulat sana siya sa Notebook ko,agad ko ko naman hinablot ito.

"Bakit mo kinuha?" Pagrereklamo niya.

"Susulatan mo kasi eh,at baka may buburahin ka." Sabi ko.

"Tangeks! Hindi 'nuh.Lagyan ko lang sana ng drawing."

"Ah.Ganun ba? "

"Ou, kaya akin na at do-drawing na ako." kinuha niya ulit ang Notebook at saka na siya nag-drawing.

2mins.na niya natapos ang pagdrawing.Nang makita ko,napahanga ako.Dalawang taong magkahawak ang kamay.Ang galing niya mag-drawing.Isa din 'to sa nagustuhan ko sa kanya.

"Thanks." Pasalamat ko.

"Sows,wala yun." Tugon niya.

"Ah,teka lang," kinuha ko ang ballpen niya atsaka pumirma doon mismo sa din-rowing niya.Ipinasa ko ulit sa kanya at sinabihan na pumirma din siya.

"Ayan,ok na ba?" Sabi niya.Tumango naman ako at tinignan ang mga signature naming dalawa.

Napangiti ako.

"Promise mo," Pag-umpisa ko.Napakunot-noo naman siyang nakatingin sa akin.

"Anong promise?" Tanong niya.

Ito na,sasabihin ko na.

"Promise mo,na sana pumayag ka sa akin ka magpakasal.Mamahalin naman kita habangbuhay,Diane."

Natahimik siya.Bigla akong kinabahan.

*Sigh*

"Kung ayaw mo ,ok lang.Pwede naman ako maghintay hanggang sa tumanda ako." Shit,ang korni ko.

Ngumiti siya at piningot ang ilong ko.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"Hehehe.Ang korni mo,tsaka bata pa tayo 'nuh." Sabi ko nga.Hays.

Napabuntong hininga siya.

"Promise."

"Talaga?" Di ko maiwasan ang ngumiti ng malapad.

"Ou nga." Sabi niya.

–--------------------------------------------------------

Dumating na ang araw ng pagtatapos namin.Alam ko,iba ang papasukan naming dalawa.Nakakalungkot man,pero kailangan kong isakripisyo ang one sided love ko para sa kanya.Syempre,hindi naman din ako susuko para sa kanya.Pinapangako ko naman sa kanya 'yun eh at pumayag naman siya.

5 years na ang nakalipas,natapos na din namin ang kolehiyo.At nakapagtrabaho na rin kami.

Sa kasalukuyan,nililigawan ko na siya ngayon.Ang sarap magmahal ng tao na ang tangi kong bisyo ay siya.Ang korni pero totoo 'yon.

Sm Aura
****

Nandito ako ngayon para sunduin si Diane.Dito kasi siya nagtatrabaho bilang Saleslady sa Nbs.Araw-araw ko siya hinahatid-sundo,syempre kailangan ko mag-effort para sa kanya.

Sa hindi kalayuan,nakikita ko na si Diane palabas na may kasamang lalaki.Sa tingin ko magkaibigan lang 'tong dalawa pero may nararamdaman na akong hindi maganda.Lalapitan ko na sana sila sa may exit nang makita kong hinalikan nung lalaki si Diane.Biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita ko,alam ko wala akong karapatan magalit o magseselos kasi nililigawan ko pa lang siya at nag-effort naman akong ligawan siya.

"Oh,James andiyan ka na pala.Kanina ka pa ba?" Di ko namalayan nasa harapan ko na pala silang dalawa.

"A-ah hindi naman.Kakarating ko lang."

"Hmm.. Ganun ba? Oh by the way,He's Marco.My boyfriend" Pagpapakilala niya sa kasama niya.

BOOM ! ang sakit.Ang sakit-sakit dude.Gusto ko umiyak sa nalaman ko ngayon pero pinipigalan ko lang.Alam kong ang bakla kung iiyak ako pero mahal ko siya eh,nag-effort akong ligawan siya.Ngunit parang ang unfair? Bakit?

"Ah,sige..hmm una na ako mukhang may maghahatid na sa'yo eh," paalam ko sa kanya.Kita ko sa mata niya ang awa.

Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita..

"Sige.Ingat ka."

At dun naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko.Naglakad na ako palayo at sumakay na.

BROKEN (Edited) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon