Matatanaw ang isang babae walang tigil na tumatakbo sa pasilyo ng paaralan na tila siya ay hinahabol ni kamatayan. Walang pagod na nadarama ang dalaga at tanging nasa isip lamang nito ang makaligtas sa laro ni kamatayan. Oo alam niyang imposibleng makaligtas ngunit nais niyang masilayan pa ng araw at makasama ang kanyang pamilya. Lumiko siya sa isang silid na walang laman at dito nagtago. Umiiyak na pinagmamasdan niya ang sarili at ang katawan na puno ng galos galing sa pagtakas sa taong nais siyang patayin. Hindi niya alam kung saan na napunta ang kanyang mga kaibigan at mga kaklase. Napatigil siya sa pag-iyak ng maramdaman na may pumasok sa loob ng silid at maririnig ang pagkayod ng isang matalas na bagay na gagamitin sa pagkitil ng kanyang buhay.
"Alam kong andito ka lang?" Sabi nito at tumawa ng malademonyo.
Pinipigilan ng dalaga na umiyak ng malakas.
"Andito ka lang pala..." ani ng humahabol sa kanya at hintak ang kanya buhok.
"Pleaseeee maawa ka sa akin------
Hindi na natuloy pa ng dalaga ang nais sabihin dahil walang awang pinatay siya ng taong hindi niya inaasahang makakagawa ng karumaldumal na krimen. Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at tinanggap ang kanyang pagkamatay.
"Kailangan kong mabuhay patawad...kailangan kong pumatay upang mabuhay, this is a game of life"
Umalis na siya at lumabas na sa silid at naghanap pa ng buhay na maaring wakasan para sa kanyang sariling buhay. She need to survive hindi njya gustong masayang lang ng kanyang pinaghirapan dahil lang papatayin siya sa simpleng laro na ito.
If I need to kill hundred of life to survive gagawin ko para lang makaligtas ako

BINABASA MO ANG
The Victim's Game [ ON-GOING]
Misterio / SuspensoAng laro kung saan ang mga biktima ang bida. The game has only one rule, stay alive. One game,one life. Who will survive and who will the one that stops the game. You will beg how she beg. Let's start the victim's game.