Pagkapasok pa lang ng silid-aralan ng Section A-1 ay makikita pa lang na napakugulo at napakaingay ng mga estudyante dito. Isang babae ang nagpatigil sa kanilang pag-iingay at binigayan ng mapanuri at nakakainsultong tingin ang dalaga.
"Hayssss ang sama na nga ng araw ko ang sama pa ng nakita ko. Hoy Nika !lumayas ka nga sa harap ko lalong sumasama ang araw ko dahil diyan sa pagmumukha mo. "
Sigaw ni Rina sa kaklase na kakapasok pa lang. Hindi man lang inintay ng mga kaklase niya na makaupo siya sa sa kanyang silya bagkus binato na siya ng itlog at binuhas ng harina.
Sanay na siya sa mga nangyayaring ganto sa kanya,araw-araw ba namang gawin yun sa kanya hindi na ba siya masasanay??
"Napakabaho naman hoy Nika ! Umalis ka nga dito! "
Walang pag-aalinlangan ay umalis na si Nika mabuti na lang ay may extra siyang damit sa locker niya.
Binuksan niya ang locker at hi di na siya nagulat sa nakita. Nilagayan ng sulat ang locker , basag basag na itlog,nilagyan ng putik ang locker niya at ang damit niya ay sira sira na.
Hindi niya alam kung bakit nila iyon ginagawa. Mayaman naman sila kung tutuusin ay malaki ang share nila sa paaralan.
She is the top 1 of their class kaya siguro ay lagi siyang pangtritripan nila. Inggit
Natapos ang klase ng hindi siya pinagtritripan. Naiwan na lamang siya sa maduming silid-aralan na kanyang nililinis ngayon. Sanay na naman siyang laging naiiwan sa maduming silid-aralan na ito. Hindi kasi sila naglilinis dahil siya ang laging pinaglilinis nila.
"Gabi na naman ako nakauwi."
Pagkadating sa gate ng bahay nila ay kinakabahan siyang pumasok dahil sampal at sabunot at masasakit na salita ang matatanggap niya sa kanyang ina.
"Mabuti umuwi ka pa ?"
"May group project lang po kami"
"Group project? O lumalandi ka lang?"
Sabi nito at sinabunutan siya"Tama na po"
"Hoy Nika sinabi sa akin ni Rina ay wala naman talaga kayong ginagawa na group project. Ang sabi niya nagpaiwan ka sa classroom niyo. Niyaya ka na nga daw niya umuwi ngunit ayaw mo pa. "
"Nagsisinungaling siya pinaglinis nila ako kaya natatagalan ako laging umuwi"
"Ang dami mong dahilan Nika ! "
Hindi na sumagot pa si Nika sa kanyang ina bagkus ay umakyat na siya sa kwarto niya. Kung titignan ang kwarto niya ay halos wala itong laman. Kulay itim at puti ang kanyang kwarto at walang kabuhay-buhay. Ang ama at ina niya ay hiwalay na at ang kanyang ama ay nasa ibang bansa kasama ang kanyang kapatid. Ninais niyang sumama dito ay hindi naman siya makaalis sa kanyang ina. Hindi na niya alam kung saan o kung sino ang maari niyang pagsabihan ng kanyang mga problema. Dahil nawalan na siya ng tiwala sa mga taong nakakasalamuha niya.
Hinubad na ni Nika ang kanyang uniporme at tinitigan ang kanyang sarili sa salamin na may basag na dahil sa kanyang pagbato ng mga gamit dito. Lagi niyang binabato ang salamin kaya mapapansin na puro basag ito. Kung tutuusin ay napakatatag ng salamin na ito kagaya ni Nika. Wala sariling napatulala na lang siya sa kajyang repleksyon sa basag na salamin. Puro sugat ang katawan dahil sa pananakit niya sa kanyang sarili. Ang ilan sa mga sugat niya sa katawan ay halatang kagagawa lang dahil may mga bahid pa ito ng mga dugo. Puro hiwa naman ang kanyang paa ng blade. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay naisipan na ni Nika na magpakamatay. Ang nasa isip niya ay walang tao ang nagmamahal sa kanya,kahit ang kanyang ama ay iniwan siya. Nika has a depression, minsan na itong dinala sa ospital ng kanyang yaya ludring dahil sa nakita na lang siyang walang malay sa kanyang hinihigaan. Nalaman na mga doctor na naoverdose itk sa gamot, kahit hindi niya dapat inumin ang gamot ay iniinom niya ng sobra-sobra.
Gustong umiyak ni Nika habang nakatitig sa kanyang sarili sa salamin. Iniisip din niya na walang magmamahal sa kanyang lalaki dahil sa itsura niya at dahil pandidirian siya nito dahil sa mga sugat niya sa katawan. Minsan ng nagmahal si Nika ngunit niloko lang siya nito. Wala ng nalabas na luha si Nika dahil siguro ay napagod na at naging manhid na ang kanyang mga mata.
Walang kabuhay-buhay ang kanyang kwarto ni wala nga itong mga gamit. Ang tanging makikita lang dito ay ang kanyang kama, kabinet lamesa at ilang gamit sa paaralan. Ngunit may mga gamit din siya dito na ginagamit niya sa pananakit sa kanyang sarili. Gusto na niyang patayin ang sarili ngunit may pumipigil sa kanya.
Simula bata pa si Nika ay hindi na aiya napapansin ng kajyang mga magulang dahil ang kapatid lang nito ang kanilang paborito. Ngunti kahit kailan ay hindi siya nagtanim ng galit sa kanyang kapatid dahil ito lamang ang nagpaparamdam ng pagmamahal na nais niyang makuha. Kaya nga ng umalis ito ay nawalan na ng sigla ang buhay ni Nika.
Akala ni Nika ay ito na ang magiging takbo ng kanyang buhay ngunit nangyari ang hindi inaasahan niya na maari niya pala itong maranasan...
Kinabukasan ay maagang nagbihis si Nika at pumasok ng paaralan. Nagulat na lamang siya ng pagpasok niya sa kanilang silid-aralan ay nakangiti sa kanya ang kanyang mga kaklase. Ngunit ang nasa isip ni Nika ay may binabalak ang mga ito sa kanya. Ngunit lumipas ang araw hanggang mag-uwian ay walang ginawa ito sa kanya.
Nagtaka na lamang siya kung bakit ganun ang pagtrato nila sa kanya. Kinuha na lamang niya ang walis upang maglinis ngunit may umagaw sa kanya nito.
"Ako na." Sagot ng isang lalaki ng lingunin niya ito ay nakilala niya. Siya si Warren kaklase niya.
"Ha? Hindi ba't ako lagi ang naglilinis tuwing uwian kaya't umuwi ka na at ako na lang ang tatapos nito."
"Hindi na ako na ,ikaw na ang umuwi dahil sigurado akong hinahanap ka na ng iyong ina. Mamaya ay pagalitan ka ulit nito."
"Paano mo nalaman?"
"Halata naman. Katabi lang ng bahay niyo ang bahay namin."
"Ganun ba ? Sigurado ka ba ? Mauuna na ako"
"Huwag ka pala munang umalis ,delikado sa labas lalo pa't mag-isa ka lang at babae ka pa. Sabay na tayo."
Sa kanilang pag-uusap ay hindi maiwasan ni Nika na kiligin. Dahil si Warren ay isang gwapong lalaki na kahit sinong babae ay pinapangarap ito. Kaya't napakalaki ng pagtataka niya ng kausapin siya nito.
Lumipas ang mga araw ay nagkamabutihan sila ni Warren wala ng halos nangbubully sa kanya dahil ang ilan ay naging kaibigan na siya dahil na rin sa inpluwensiya ni Warren. Si Rina na nalagi siyang inaapi ay kinakaibigan na rin siya tila ba ay isang panaginip ang nangyayari sa kanya. Patapos na ang school year ay ganun pa rin ang trato sa kanya ng kanyang mga kaklase.
Nanumbalik ang saya sa mukha ni Nika at muling tumibok ang puso niya para kay Warren.

BINABASA MO ANG
The Victim's Game [ ON-GOING]
Mistério / SuspenseAng laro kung saan ang mga biktima ang bida. The game has only one rule, stay alive. One game,one life. Who will survive and who will the one that stops the game. You will beg how she beg. Let's start the victim's game.