Chapter 1

16 1 0
                                    


Nandito ako ngayon sa Blue University kasi dadalawin ko si mom at magpapaenroll na rin para sa pasukan. Ayy, ako nga pala si Yen Quizan, I'm 18 years old at ang ma idedescribe ko sa sarili ko, maganda,morena, petite, at may bluish na mata kaya yun yung pangalan ng university namin.

Papunta na ako sa office ni mom ng may nakabunggo ako. Napaupo na lang ako dahil sa lakas ng impact sa pagkabunggo naming dalawa.

"Aray ko po yung pwet ko"

"Tss, clumsy"

Aba aba ito pa ang may gana na magalit siya na nga yung nakabunggo, hah tignan natin kung kaya mo ako.

"Hoy walang kakonsensya sa katawan ikaw na nga itong nakabunggo sakin ikaw pa ang nagagalit ako na nga yung nasaktan sating dalawa!" nangangalaiting saad ko dito.

"Tatanga tanga ka rin kasi minsan kung tumitingin ka rin sa dinadaanan mo hindi ka masasaktan diyan" walang pake na sabi nito.

"Gwapo na sana pero ang sama ng ugali" bulong ko sa sarili

"May sinasabi ka ba diyan?"

"May narinig ka ba?"

"Tsk"

"Ewan ko sayo makarma ka sana" nakita kung naglakad na palayo yung lalaki kaya tatayo na sana ako ng may makita akong kamay sa harap ko.

"Hi miss tulungan na kita" nakangiting saad niya

Mabuti pa tong estrangherong to at marunong tumulong. Tinanggap ko yung kamay niya at nagpasalamat.

"Maraming salamat ha ano nga pa ang pangalan mo?"

"Ah ako nga pala si Fernan, Fernan Palacios, ikaw anong pangalan mo?"

"Ah my name is Yen Quizan, siya nga pala aalis na ako may pupuntahan pa kasi ako maraming salamat pala sa pag tulong mo sakin"

"Bye sana makita pa tayo ulit"

"Bye rin"

Dali dali akong tumakbo papunta sa office ni mom dahil kanina pa tumutunog yung cellphone ko. Pagdating ko dun ay kumatok mo na ako baka may kinakausap siya o kaya may meeting nang walang sumagot ay tumuloy akong pumasok nakita kong nakaupo si mom sa kanyang desk at maraming pinipermahan.

"Hi mom sorry po at ngayon lang ako kasi may nangyari kanina eh" pagsusumbong ko dito

"May galos ka ba o sugat ayos ka lang ba? Dadalhin kota sa ospital?" tarantang saad ni mom

"Mom kalma ka lang po ayos lang ako ma sakit lang yung pwet ko kasi natumba ako pero okay lang ako" pagpapakalma ko dito

"Mom bukas na pala magsisimula yung pasukan pero wala pa akong nabibiling mga gamit kaya dapat bumili na ako ngayon"

"Okay so here's the requirements for this semester kaya dapat lahat bilhin mo at siyempre mag-iingat ka ha"

"Ne eomma"(*Yes mom)

"Ayan ka naman sa kakakorean mo tigilan mo nga ako diyan sige na at umalis ka na para hindi ka gabihin sa daan.Umalis ka na at kailangan ko pang pirmahan yung mga papeles dito"

"Bye mom"

Pagkatapos naming mag usap ni mommy at agad aking dumiretso sa parking lot at pinaandar ang sasakyan kong Ferrari na red papunta sa mall.Habang nasa biyahe at sumagi sa isipan ko ang lalaking nakabunggo ko kanina. Gwapo na sana pero ang yabang yabang naman.

Sinabi ko bang gwapo siya yikes

Huminto muna ako dahil nasa red light kaya tinignan ko muna yung requirements na kailangan ko bukas.

Notebook 6
Ballpens(red,blue,black)
Folders
Envelopes
Colored papers
Etc.

Pinausad ko na yung sasakyan at tinungo at mall. Agad naman akong pumarada sa parking lot at siniguradong nakalock ito ng mabuti.

Pagpasok ko sa mall ay agad kong tinungo ang National Book Store at agad namili ng kailan ko para bukas. Kumuha ako ng mga nasa listahan at agad na inilagay sa cart na dala dala ko. Nang matapos ko na ang lakat ng kailan kong kunin ay binayaran ko na ito sa cashier.

Pagkatapos ko mamili ay agad ako naghanap ng bibilhan ko ng milk tea, sumakay ako ng elevator papuntang second floor at doon bumili ng milktea. Nang nasa pila na ako para umorder ay nakita ko yung lalaking nakabangga ko kaninang umaga.Nakita kong may kasama siyang babae pero wala akong pakialam sa kanina tinuon ko na lng yung sarili ko sa harap at nakitang ako na pala yung mag oorder.

"What's your order mam?"

"1 cookies and cream and 1 taro flavor"

"That's all mam?"

"Yes"

"What's your name mam?"

"Yen put that in my order"

"Just wait in the table for we will preparing your order"

"Okay thank you" bago ako pumunta sa upuan ay nagbayad muna ako at naghanap ng bakante. Sakto namang sa harapan ng lalaking nakabangga ko yung bakante kaya umupo na lng ako don.

Ang landi landi nilang dalawa maghanap kaya sila ng kwarto para duon sila maglambingan nakakaasiwang tingan tss.

At talaga sa akin pa nangaling yung salitang yun huh.

Nagwagwapohan ka siguro sa kanya.

Hindi no ang pangit pangit niya kaya.

Wehh ang totoo.

Oo nga pangit siya.

Narinig kong tinawag na yung pangalan ko kaya kinuha ko na yung order at umalis dahil 5:00 na ng hapon.

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay tinawag ko si Manang Ellen para pahatiran ako ng meryenda sa taas at ilagay lng dun dahil maliligo ako.

Agad kong tinungo ang kwarto ay ibinaba ang mga pinamili ko at dumiretso ng banyo para maligo.Nagbababad muna ng 30 minutes dahil naiinitan ako. Nang matapos akong maligo at magbabad ay nagbihis at nag ayos ng sarili. Sinuot ko yung damit na binili ko nung isang araw isang sleeves na kulay blue at yung short na terno nito.

Agad ko nang inayos yung mga gamit na binili ko at inorganize sa study table ko. Nagmeryenda muna ako habang hinhintay sila mommy at daddy na bumalik galing sa mga trabaho nila.

Namalayan ko na lang na nakatulog pala ako at tinignan ko yung oras at 8:30 na ng gabi kaya bumaba na ako para magdinner.Tinanong ko si Manang Ellen kung nakadating na sila mommy at daddy at sabi niyang nakauwi na sila kanina pa at hindi na lng ako ginising dahil mahimbing akong natutulog kanina.

"Manang nakadinner na po ba kayo?"

"Hindi pa nga e hinintay lang kitang magising tsaka ako naghahapunan"

"Sabayan niyo na lang kaya ako naasiwa kasi akong nakatingin lang kayo sakin diyan"

"Ay naku wag na pagkatapos mo na --"

"Sige na po"

"O sige ang kulit kulit mo talaga sandali lng kukuha lang ako ng kubyertos"

Habang kumakain kami ni Manang Ellen ay nagkwentuhan kami para hindi maging tahimik at pag katapos naming maghapunan ay tinulungan ko siyang maghugas nung una ay ayaw niya pero siyempre mapilit ako kaya napapayag ko siya.

Nag paalam na ako sa kanya na matutulog na ako pakaakyat na ako ng maisipan kong tignan muna sila daddy sa kwarto nila kaya doon muna ako dumiretso. Nang makarating ako don ay dahan kung pinihit ang doorknob nang makitang kong tulog na sila ay agad ko naman sinrado at nagtungo sa kwarto ko.

Tinungo ko muna yung banyo para magsepilyo at para maghilamos. Nang matapos akong magayos ay nahiga na ako sa kama.

AN:SORRY TO KEEP YOU WAIT GUYS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Betrayed(ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon