Chapter 1: Break-up blues

93 2 0
                                    

"F*ck! Bakit ang sakit-sakit pa rin?!" tanong ko sa" bestfriend kong si Shiela.

"Eh siyempre, mahal mo." sagot naman niya.

"Pero sila na eh! Kami pa lang, sila na!!!" nangigigil kong sinabi habang naalala ko ang picture ng ex ko at nang malandi niyang babae.

"Ano ba akala mo? Pag dinelete mo sa phone mo ma-dedelete na rin sa puso mo?" Natatawa niyang sinabi.

Tiningnan ko lang siya. Tae talaga, ang sikip ng dibdib ko.

"Hindi ba pwedeng i-reformat na lang ang puso ko at restore to factory settings?" sabay bunting hininga ko ng malalim.

"Kung pwede lang eh, kahit ako pa magbayad. Libre kita." Nakangiting sinabi ng bestfriend ko.

Buti na lang andiyan siya. Kahit bigla na lang ako umiiyak kahit kumakain ng icecream, okay lang, kasi kasama ko siya. At least hindi nakakahiya, natural naman, uso yun dito sa college. Drama, comedy, action at siyempre romance. Kaso mukhang napaaga ang tapos ng romance ko. Second year college pa lang ako, ibang genre na ang tema ko, torture and tragedy na kagad. Tae talaga.

Break na kami ng boyfriend ko. Sorry. Ex-boyfriend. First boyfriend ko, na akala ko magiging last pero, ayun. Akala ko first and last ko siya, apparently, may waiting list pala siya at kailangan niyang pausugin ang pila. Ang kapal ng mukha.

Bitter? Siguro. Galit? Sagad hanggang buto. Gusto ko na magmove on. Gusto ko ng hindi maapektuhan tuwing makakakita ako ng pictures nila ng babaeng giraffe (tawag ko yun sa babae niya, kasi mahaba ang leeg). Pero minahal ko kasi eh, sabi ko 'I love you always'. Eh ung always pala niya always na nageexpire. 'I love you always...until someone better comes along'. Tang**@ lang!

I guess I was so naive. Alam ko naman ang reality until he came along and made me believe that happyendings can be real. Dahil sa kanya, narealize ko na kung bakit nag cecelebrate ng monthsary ang mga mag-boyfriend. Kasi, sa bilis na pwede magbago ang tao, kailangang i-celebrate na kagad ang months, kasi hindi naman siguradong aabot ng years, kaya ayun, naimbento ang monthsary. To celebrate short relationships. Tae.

11 months, 2 weeks and 3 days na kami nung mag-break kami. At akala ko dahil kay Ogie Alcasid kami nagbreak, dahil pala sa babaeng mahaba ang leeg. Yes, yun ang pangalan niya at paninindigan ko ang pangalan niyang yan hanggang sa mamatay ako.

Nasa mall kami, sa isang music store. Naghahanap ako ng bagong CD, nakita ko yung CD ni Ogie, sabi ko bilin ko kaya. Sabi niya bakit ako bibili ng puro sad songs tungkol sa love. Sabi ko gusto ko kasi mga kanta niya, nakakatuwa pakinggan at ang galing ng lyrics. Hindi ko na maalala kung pano lumaki ang away na yun. Natapos ang usapan sa pagsabi ko nang 'eh di magbreak na tayo' sabay walk-out.

Akala ko susundan ako. Akalain mo, hindi ko na nakita san siya nagpunta. Iniwan nga ako. Nung tinawagan ko siya para makipagbati ang sabi niya lang sakin 'touchmove na, nasabi mo na eh. Sorry.'

Yun na pala. Inaantay pala niya. Kaya pala konting away lang namin dati, pinipilit niya laging palakihin, nagaabang na pala siya ng right timing para makipag hiwalay sakin. Kung hindi ko pinilit bilin yung CD baka kami pa rin, but on second thought, at least, may CD ako ngayon pang emote ko.

"Huy! Nakatulala ka nanaman jan!" tulak sa akin ni Shiela. "Malalate na tayo sa Consti", pagmamadali niya.

"Shet. Hindi ko nakabisado ang preamble!" nag-aalala kong sinabi.

"Magdasal ka na lang na 'wag kang tawagin, halika na, bilis!", sabay hila sakin papunta sa building C.

Pwede ko bang gamiting excuse na nakatorture mode ang tema ng buhay ko ngayon at hindi kaya ng utak ko kabisaduhin ang preamble? Haaay. Terror na, Constitution pa ang tinuturo ni Prof. Santiago. When it rains, it freaking pours.

Six months na akong galit, six months na akong naiyak, six months na akong mukhang tanga. Habang ang ex ko at ang babaeng mahaba ang leeg, masayang nag-cecelebrate ng 'monthsary' nila. Bigla ko na lang narealize sa pagtakbo namin ni Shiela papunta sa classroom, puro galit na lang pala ang nararamdaman ko. Kaya ko na magmove-on. Ang Sorrowful mysteries nga hanggang five parts lang, ako, 6 months na 24/7 na nagpepenitensiya sa emotional torture. Tama na. Ready na ko.

"Shiela!" Sabay higit ko sa mahaba niyang buhok.

"Aray! Bakit ba?!" hila-hila pa rin niya ko.

"Maghahanap na ako ng rebound!" nakangisi kong sinabi sa kanya.

Nakarating na kami sa room, 5 minutes to spare. Wala pa si Prof. Santiago, buti na lang. Naninigaw kasi yun ng late at nagpapalabas, parang highschool lang. Pag pasok namin ni Shiela sa room, may nakaupo na lahat sa likod at gitna. Crap. Sa harap lang may bakante.

"Mauna na ko!" Sabay takbo ni Shiela papunta sa last vacant chair sa second row.

Nice. Iniwan niya akong umupo sa VIP seats, front row. Good job! Ang sama na tingin ko kay Shiela habang papalapit na ako sa upuan sa harap. Bungisngis lang ng bungis si Shiela. Buti na lang may nakaupo rin na isa sa VIP section. Naisip ko tabihan ko na lang at least hindi solo flight.

Pag upo ko sa front row-aisle. Ang bango. Hindi ko makilala yung katabi ko, parang bago lang na ireg student sa consti.

"Excuse me," dahan-dahan kong kalabit sa bago ko atang classmate.

Paglingon niya, nagulat ako at hindi ko mapigilang ngumiti. Ang GWAPO niya. My luck has started to change!

My "almost" boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon