Ang dami na palang tao dito sa loob. Everybody was in a party mood. Parang ngayon ko lang nakita ang auditorium na ganito. Pwede naman palang maging pang party! There were colorful lights sa magkabilang aisles and the sound system was awesome. Hindi lang pala pang national anthem. Naghanap ako ng pwesto para makaupo when I noticed that there was a space near the stage for standing. Nagisip ako kung tatayo ba ako kasama ng mga ibang mukhang "party girls" sa harap or uupo na lang.
Pagtingin ko sa mga babaeng nakatayo sa harap, nakita kong nagsasayaw si Rina. Great! Nandun siya. She was dancing to the music. Okay, so ang tanong, gusto ko ba ng hoe-down sa harap habang nanonood?
I checked the seats near the front. Great! Nasa front row si Rose with her friends. Hanep. Parang nakuha na ng dalawang babaita ang mga magandang pwesto. We definitely cannot stay in the same area. Baka kiskis ko pa ng scotchbrite ung dalawang talandot. Bakit ba kasi sila nandito?! Were they invited?! Di bale, ako naman ang ininvite, that must mean something, right?
Tumaas na ulit na konti ang self-confidence ko. I decided to sit in the third row, not too close to the stage and not too far either.
Biglang namatay ang mga ilaw at ang music. Sakto nasa upuan na ako. Biglang nagtilian lalo ang mga tao sa auditorium at nagsalita na ang voiceover para sa introduction.
"And now, the band you've been waiting for ---Defiance!" sabi ng voice over.
Biglang tumutok ang mga ilaw sa stage at lalong lumakas ang tili at palakpakan ng mga tao.
Oh my God. Lead vocalist si Derrick? Parang napuno ng butterflies ang tiyan ko nung makita kong hawak niya ung standing mic sa stage.
"Thank you all for coming," sabi ni Derrick.
Parang nagslowmotion na ang paligid ko. I have a weakness for guys who sing or are musicians. Parang nagblu-blush ako ng hindi ko alam kung bakit, nakatingin lang ako kay Derrick at nakangiti.
"This first song is for you" sabi ulit ni Derrick sabay ngiti.
Desperate for changing/ starving for truth/ I'm closer to where I started/ chasing after you/
Nakatingin siya sakin nung sinabi niya yun!
I'm falling even more in love with you...
Parang tatalon na ang puso ko. Pagumpisa ng kanta niya, nagtilian na lalo ang mga babaeng nanonood. Para akong nahypnotize sa kanta. Cover ng Hanging by a moment ang kinakanta ni Derrick. Ang ganda pala ng boses niya, napaka-manly. Oh my God!!! Kinikilig ako! Para akong statwa na nakangiti at nakatulala sa nagperperform sa stage. Feeling ko para sakin yung kanta, kinikilig ako tuwing tumitingin siya sa direksyon ko.
...I'm standing here until you make me move/ I'm hanging by a moment here with you...
Maya-maya biglang tumakbo si Rina sa stage at pinunasan ang mukha ni Derrick dahil pinagpapawisan. Parang gusto kong batuhin ng granada ang babaeng to! Kainis! Haliparot talaga, daig talaga ng malandi ang maganda!
After punasan ni Rina ang mukha ni Derrick bigla niyang hinawakan ang mukha ni Derrick at hinalikan sa kaliwang pisngi. Nagtititili siya sa ginawa niya sa stage hanggang sa makababa. Nalamangan na naman ako, yung dugo ko pwede nang panunaw ng bakal dahil kumukulo. Tuloy pa rin sa pagkanta si Derrick.
Hindi ko rin naman masisi si Derrick, ang gwapo niya lalo kapag kumakanta.
Pagkatapos ng first song, sinundan pa nila ulit ng isa. Ngayon ko napatunayan na ang mga babae ang pinakamaingay at pinakawalang pagod na mga nilalang sa mundo. Simula nung first song hanggang next song, walang humpay ang tili ng mga tao.
BINABASA MO ANG
My "almost" boyfriend
Teen FictionEver had a what-if with someone? This story is about Valerie and her "almost" boyfriend.