"Anong nangyari sa concert?" Tanong ni Shiela"Ayun..." At bigla kong naalala ang kanta ni Derrick, ang paghawak niya sa kamay ko at yung...paghalik niya sakin
"Huy!" Hampas sa akin ni Shiela
"ang sabi ko anong nangyari sa concert?" Tanong niya ulit
"Well, nakita ko sa concert si Rina at si Rose..."
"Ohhhh, di ka naman nag-amok?" Biro ni Shiela
"Grabe ka naman! Amok talaga! Nairita lang ako pero di naman sila ang pinunta ko dun. Anyway, setting them aside, ang galing pa lang kumanta ni Derrick, siya lead vocalist ng band nila, Defiance ung pangalan"
"Talaga? Nice! Eh di lalo ka nagkagusto kasi magaling kumanta?" Asar niya sakin
"Sino bang may sabing may gusto ako sa kanya, friends lang kami. Tska kaya ako pumunta kasi ininvite ako noh!" Medyo may pagkadefensive ata ang sagot ko
"Wala kang gusto?" Tanong ulit ni Shiela
"Wala nga!" Pilit ko
"Eh bakit namumula ka pag binabanggit mo siya? " at pinisil ni Shiela ang magkabila kong pisngi at pinagtawanan niya ako.
"Aray naman! Kundi ilong ko, pisngi ko naman!" Sabi ko habang hinahaplos ko yung mga pisngi ko.
"Ano pang nangyari?" Kulit sakin ni Shiela.
I decided to tell her everything. Hindi rin naman titigil to sa kakatanong kung hindi ko sasabihin ang lahat.Maya-maya lang natapos na rin ang kwento ko.
"Hinalikan ka niya?!?!" Sigaw ni Shiela. Nagtinginan tuloy sa amin ang mga ibang tao sa kubo. (Maraming "kubo" sa university grounds para sa mga estudyante, meeting place, eating place or tambayan all in one)
"Wag' ka ngang sumigaw!" Sabi ko at sabay hampas ko kay Shiela. Kumalma siya ng konti at huminga ng malalim.
"Lilinawin ko lang ha," sabi niya
"Nung nakita ko kayo minsan hinalikan ka rin niya pero sa pisngi ngayon naman sa lips. Pero ang sinasabi mo friends lang kayo?" Nalilitong pagsabi ni Shiela
"Medyo naguguluhan din naman ako. Di naman ako ang unang humalik..." Paliwanag ko
"Pinigilan mo ba?" Tanong ni Shiela
"Eh...biglaan eh" sagot ko naman
"Ganon? Biglaan? Eh pano kung ung ex mo bigla ka ring halikan, papabigla ka din?"tanong niya ulit
"Ay sos! Subukan niya nang mare-arrange ko ang mukha niya ng wala sa oras!" Galit kong pagkakasabi
"So si Derrick, na friend mo lang, exemption?"
"Ewan ko. Hindi ko rin masyado naiintindihan ang nangyayari. Minsan feeling ko may gusto siya sakin, pero minsan para wala lang. Hindi ko nga siya maintindihan eh!" Totoo naman ang sinabi ko.
Hindi ko na talaga mabasa si Derrick. Parang gusto niya ko pero minsan parang wala lang. Inaantay ko lang naman na ligawan niya ko kaso wala eh. Kahit sa text naman hindi malinaw kung may gusto siya sakin o wala. Akala ko babae lang ang magulo magisip, lalaki din pala!
"Eto ha, sasabihin ko to kasi mahal kita at baka mapasubo ka sa di mo naiintindihan. Dapat malinaw yang pinapasok mo, kapag hindi clear mas madaling magkamali at masaktan." Payo sakin ni Shiela
"Eh anong gagawin ko? Alangan naman na itanong ko, 'kelan mo ba ako liligawan?' or 'may gusto ka ba sakin?'" Sabi ko kay Shiela
"Well, maybe not in those words pero dapat malinaw" sagot ni Shiela
![](https://img.wattpad.com/cover/27164160-288-k791531.jpg)
BINABASA MO ANG
My "almost" boyfriend
Teen FictionEver had a what-if with someone? This story is about Valerie and her "almost" boyfriend.