Chapter 4: The waiting game

32 3 0
                                    

8pm pa lang nakahiga na ako at lahat pero hindi pa rin ako makatulog. Ready na ako matulog pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Anong oras na ba? 930pm? Mahigit isang oras na rin pala akong nakatitig sa cellphone ko.

Bakit kaya ang tagal magreply ni Derrick? Kanina pa ako nagreply eh. I-resend ko kaya? Baka hindi natanggap ung text ko. But I don't want to appear desperate. Pero paano kung hindi nga natanggap, baka isipin niya, hindi na ako nagreply. Aaargh!!! Tae. Isa lang, pagwalang reply, wala na. Isang resend lang, send, okay.

10:30pm, wala pa ring reply. Nakakainis!!! Bakit hindi na siya nagreply! Bakit ganon, kanina lang masaya kaming nagtetext tapos bigla na lang di nagreply.

Baka walang load? Eh kakasabi nga lang niya na nakapag-unli na siya sa wakas. Haaaaay nakuuuuuuu!!!!

Nakakafrustrate naman tong pakiramdam na nagaantay sa text na hindi dumadating. Ayoko sa lahat ang nag-aantay! Bahala ka Derrick Revilla, kung ayaw mo wag mo!

Tinago ko na ang cellphone ko sa ilalim ng unan at kakapikit ko lang nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinapa ko kagad ang phone ko at dinilat ang isa kong mata para tingnan kung sino ang nagtext.

From: Derrick R.
Sori, lumabs ako naiwan ko fone. 2lg ka n?

Reply: Derrick R.
Di ako makatulog eh, ikw 2log k n?

Haaay. Kung kelan ka naman inaantok dun ka naman ititext ng lokong to. Feeling ko lang mas gusto ko siya kesa gusto niya ko. Bakiiiiiiit???? Hindi ba pwedeng pareho kami ng level ng likeness. Kung sabagay, madali lang talaga ako suyuin. You don't have to be good-looking to keep me, just care for me and love me, you got me. Simple lang diba?

Inaantok na ako hindi pa ulit nagrereply. Sumasakit na ang isang mata kong nakadilat at nakabantay sa phone habang natutulog naman yung isang mata ko.

Men. Sheeesh. Why do men keep us waiting? More importantly, why do we freaking wait?!

Ahh basta. Matutulog na ako, at ikaw, Mr. Revilla, hindi na kita rereplyan agad mula ngayon! Para makatulog ako ng maayos, I decided to turn my phone off for sanity's sake.

Guess who visited me in my dreams? Pati ba naman dito, sinusundan mo ako Derrick. Hindi ka na nga nagreply, pasweet-sweetan ka naman dito sa panaginip ko.

I think I'm in trouble, I'm falling too fast. Kailangan ko ng ibang distraction.

My "almost" boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon