Natameme ako nang humarap na siya.
"Yes?", tanong niya sakin.
Imbis na sumagot di ko mapigilan ang ngiti ko sa mukha. Ang gwapo naman nito. Maputi, medyo chinito at mukhang matangkad, akalain mo pati ang boses niya maganda din.
"Ano--a", nauutal kong sinabi. "Ireg ka?" nasabi ko rin
"Oo, 3rd year HRM ako kaso naiwan ko tong consti kaya, ulit" sabay ngiti niya.Anak ng pating. Ang ganda naman ngumiti nito. Hala. Hindi maganda to. Ang plano rebound, hindi bagong batong ipupukpok sa ulo ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang di ako mapakali.
"Ahhhhh..." sagot ko na parang walang masabi.
Nakikinig pala si Shiela at dahil bestfriend ko siya alam niyang nasa stroke mode na ako.
"Excuse me, I'm Shiela by the way" pakilala ni Shiela. Buti na lang sumingit na siya medyo may weakness kasi ako sa mga chinito.
Maya maya lang dumating na si Prof. Santiago. Kapag dumadating talaga siya parang doomsday. Ang gloomy at may bitbit siyang aura na nakakatakot. Maliit na babae si Prof., tantsa ko mga 4'11" ang height niya pero kung anong niliit niya siya namang nilakas ng boses niya. Minsan nga hindi ko maisip kung saan nanggaling ang pwersa niya.
"When you hear your name, just say 'here'," bungad ni Prof. Sakto, hindi ko natanong ang pangalan ng bago kong seatmate. Hihi. Kinikilig ako, ano ba yan, bakit kasi gwapo eh, pwede namang may itsura muna. Haaay.
"Abad, Marie?" Tawag ni Prof.
"Here," sagot ni Marie
"Ballesteros, Jasmine? Dela Cruz, Julie? Ferrer, Shiela?"Ang tagal naman tawagin nang pangalan ng seatmate ko.
"Revilla, Derrick?"
"Here," sagot ng seatmate ko. Derrick pala, lalaking lalaki ang pangalan.
"Ikaw nanaman Mr. Revilla?"Tanong ni Prof. Santiago habang nakataas ang kaliwang kilay at nakatingin kay Derrick.
"Hehe yes ma'am" bungisngis ni Derrick
"By this time dapat kaya mo ng irecite ang preamble ng pabaliktad sa pagbalik mo sa klase ko." Sabay alis ng tingin lay Derrick at balik ang tingin niya sa listahan niya.
"Romualdez, Valerie?"
"Here", sagot ko naman. Magkasunod ang pangalan namin, naku pag nag pair -up, kami ang magkasama. Eeeeeeee!!! Kinikilig na ko wala pang nangyayari. Pagkatapos ng roll-call, nagsimula ng magtawag ng magrerecite ng preamble si Prof. Santiago. Habang nagrerecite ang mga classmate ko, minabuti ko ng pumikit at magdasal na wag akong tawagin. Bawal kasi ang notebook or book or kahit anong kopya ng preamble habang nagrerecitation na. May point naman si ma'am, kung hindi mo siya nakabisado before class, lalong hindi mo siya makakabisado in class."Valerie?" Parang may tumatawag sakin. Ako na ba ang next?!
"Valerie?" Tawag ulit sakin at biglang naramdaman ko na may pumisil sa ilong ko.
"Aray!" Sabay dilat ko din, si Derrick pala.
"Ang sakit nun ha!" Sabay hampas ko sa balikat niya, "bakit ba?"
"Natutulog ka kasi, pag nakita ka ni Prof. baka may lumipad na libro dito tamaan pa ako," bulong niya sabi tawa ng konti
"Hindi ako natutulog, nagdadasal lang ako" paliwanag ko
"Ha? Bakit?" Itsurang gulat na gulat naman siya sa sinabi ko."Hindi kasi ako nakapag review kagabi, sana hindi ako tawagin"
"Ahhh, tulungan na lang kita pag tinawag ka, basta ba..." Sabay lapit ng mukha niya sakin, nagulat naman ako, ang bango niya talaga. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Ang lapit naman niya.
Nilapit niya ang bibig niya sa may kaliwang tenga ko at halos nakiliti na nga ako sa paglapit niya.
"Libre mo ko ng lunch..." bulong niya sakin sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
My "almost" boyfriend
Roman pour AdolescentsEver had a what-if with someone? This story is about Valerie and her "almost" boyfriend.