[ Serenity's POV]
" Sana Serenity hindi ka na lang nag-abala na pumunta dito. Tingnan mo yang paa mo nakabenda pa. Ilang araw na ba iyan?" Alalang sabi ni Tita.
" Panglimang araw na po. Okay na naman po siya Tita at pwede ko nang mailakad at medyo nawawala na ang pamamaga."
May PE culmination kasi kami last week at jumping rope ang final performance namin. Nong final performance na, namali ang pagbagsak ng kanang paa ko kaya ba sprain ito. Buti na lang malapit na sa ending kaya hindi ako naging pabigat sa group. Dinala ako ng mga kaklase ko sa clinic at ito nga nakabenda ang paa ko.
" Ihahatid ba kita sa labasan para makasakay ka ng tricycle papuntang sakayan ng jeep?"
" Hindi na po Tita. Pera lang naman po ang pinadala mo sakin kaya hindi mahirap."
" Oh sige. Mag-ingat ka ha? Ipahinga mo yang paa mo."
Medyo paika-ika akong umalis.
Apat na araw na akong hindi nakapasok sa trabaho dahil sa paa ko. Buti na lang may ipon pa ako. Next week sembreak na namin. It means morning shift na naman ang kukuning schedule ko sa restaurant.
Dahil sa dakilang tanga ako, muntik na akong matumba. Buti na lang may pumalibot sa bewang ko at natulungan ako sa pagbalanse.
" Bakit ba ang clumsy mo?"
Mabilis na kumawala ako da kaniya at aksidenteng naiapak ko ng malakas ang na sprain kong paa kaya nakayakap ako ng mahigpit kay Zing. Narinig kong mahina siyang nagmura bago niya ako binuhat at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng sasakyan.
" Kaninong sasakyan to?"
" Mine. Give me your right foot."
Hindi na ako nagreklamo dahil sa sakit na nararamdaman ko.
" Sh!t! It's swollen. What happened?"
Nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya habang minamasdan ang namamaga kong paa. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari.
" It means isang beses ka lang bumisita sa doctor? At sa clinic niyo pa?"
Tumango ako. Maingat na nilapag niya ang paa ko at pinaandar ang sasakyan. Nagpanic naman ako.
" Saan mo ko dadalhin? Kailangan ko nang umuwi Zing. Gagabihin na ako."
" Just trust me okay?" Tumahimik na lang ako.
Nag ring ang cellphone niya at nakita kong si Griffin ito. Sinagot niya at kinonnect sa Bluetooth.
" Yes , Griffin?"
" Anong 'Yes Griffin'? Where are you? The practice is about to start!"
" Please tell coach na tomorrow ako magpa-practice."
" Why? Bakit ngayon pa?"
" Pupunta ako kay Tito Anthony."
" May bali ka ba? That's why you can't attend?"
" No. I'm with Tiny. May sprain siya."
" Oww... Hi Serenity!"
" H-Hello Griffin. S-Sorry kung ako ang reason kung bakit hindi maka-attend si Zing."
" It's okay. Get well soon Sere."
" Thank you Griffin."
" Welcome. Hey Zing? Ako nang bahala kay coach. Please take good care of Sere."
" Uhm! Without second thought. Thanks bro." He ended the call.
" N-Nahihiya ako sayo Zing."
Pinark niya ang sasakyan at pinagbuksan ako.
" Bakit ka mahihiya? I'm the one here who wants to take good care of you."
Binuhat niya ako palabas.
BINABASA MO ANG
Big Heart of Mine (COMPLETE ✔)
Teen Fiction"I'm lucky to have a big heart where you can live inside forever. I'm very happy because you're mine. You're the big heart of mine Serenity." - Zing