[ Serenity's POV]
Nasa pintuan ako ngayon ng bus at nagche-check ng attendance at nagco-collect ng mga waivers ng pupils ko.
7:30 palang at 8:00 AM kami aalis. May 30 minutes pa akong maghintay at tatlo na lang ang kulang.
Suot ko ngayon ang required T-shirt naming mga teachers at same ang print nito sa pupils namin.
" Good morning po, Teacher Serenity! I'm with tito Zacharias po."
Si Zharina kasama ang guardian niya na mukhang kasing edad ko lang.
" Good morning Zharina and Mr. Zacharias. Pasok na po kayo sa bus para makaalis na tayo."
Maya-maya ay na complete na kaya agad na umalis na ang bus.
After 1 hour nakarating na kami sa Friendly Forest at pina line ko ang mga pupils ko. Marami akong nakitang mga school bus at isa na don ang Gamboa University.
Nagkaroon ng welcome opening at sinabi na enjoy our stay daw.
Tinipon ko ang mga parents at pupils ko for few instructions.
" Parents, pwede po kayong pumunta kung saan niyo gusto. Just ask for assistance na lang po sa mga tour guides. Bumalik lang po kayo dito sa respective cottage natin for lunch and then dito rin po tayo titipon bago umuwi. Enjoy po kayo. Stay safe po."
Nagsi-alisan na sila kaya solo flight na ako ngayon. Dala ang cellphone na namasyal ako.
Naki-selfie ako sa mga monkeys, snakes, different kinds of birds at kung ano ano pang hayop at bagay na bago lang sa paningin ko. Pwede din naman silang hawakan pero jusko!!! Sa liit kong to baka lamunin nila ako.
" Teacher!"
Nakasalubong ko si Zharina at ang tito niya na naka shades. Sa totoo lang nakakasilaw yung kagwapuhan ng tito niya at patunay na don ang pagsunod ng tingin ng mga dalagitang guardian.
Oo, nagagwapuhan ako sa kaniya but it doesn't mean that I'm already interested.
Nginitian at kinawayan ko lang sila bago nila ako nilampasan.
Automatic na nawala ang ngiti ko. Anim na taon na ang nakalipas pero sa isang tao na lang talaga naaapektuhan tong puso ko. Maraming lalaki na ang nagtangkang manligaw sakin pero hindi ko sila kayang i-entertain.
Siya parin talaga ang laman ng puso ko. Siya parin talaga ang tinitibok nito.
Bakit na napaka loyal nitong puso ko? Hindi ko naman kasi makita o maimagine ang sarili ko na may kasamang ibang lalaki maliban sa kaniya.
Kamusta na kaya siya? Siguro may anak na sila ni Olivia. Simula nong nag break kasi kami wala na akong balita sa kaniya. Siguro natutunan niya nang mahalin si Olivia.
Siya parin talaga ang mahal ko.
" Aray!"
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa lupa.
" Hala Zing! You bumped someone!"
" It's your fault Griffin. You pushed Zing."
Parang nabato ako sa kinauupuan ko. Naiiyak ako. Hindi dahil sa nasaktan ako kundi dahil sa namimimiss ko na ang tagpong ito.
Ayaw kong mag-angat ng tingin dahil ayaw kong umasa. Pero yung pangalan na nabanggit ang siyang nagpabilis ng puso ko.
" Hey baby girl? Are you okay? Sorry hindi ko sinasadya."
Tumulo yung mga luha ko. Parang bumalik lang kami sa dati. Pinahid ko ang mga luha ko bago dahan-dahang tumayo at lakas-loob na tiningala sila.
Nahulog ang plastic bottle na hawak ni Griffin at napanganga si Draco. Kinakabahan na tinuon ko ang tingin ko sa taong nasa gitna. Tulalang nakatingin lang siya sakin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Miss na miss ko na siya.
" Hello. Daya niyo! Mas lalo kayong tumangkad. Miss ko na kayo."
Nilapitan ko si Draco at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko.
" I missed you so much , Sere."
Napangiti ako. Nilapitan ko si Griffin at niyakap din. Niyakap niya ko pabalik.
" Miss you more, Sere. Kamusta ka na?"
" Obviously, nasa field trip ngayon kasama ang mga pupils ko."
" So you're a teacher now?"
Si Zing yung nagtanong. Sobrang nakakamiss yung boses niya.
" Yes. K-Kayo? Sinamahan niyo ba ang mga a-anak niyo?"
" Yes. I have a son . He's 4 years old at nandun siya sa mom niya." - Draco.
" Wow! Ikaw Griffin?"
" Soon pa yata eh. May sinusuyo pa ako."
Napatango tango ako.
" I-Ikaw Zing? When can I meet your d-daughter? Or s-son?"
" I don't have one."
" W-What do you mean?"
Wala siyang anak? Impossible naman. Baog ba si Olivia?
" *Ehem!* Maiwan na muna namin kayo , Sere . Baka hinahanap na kami don. Kami nang bahal sa pamangkin mo Zing. Good luck pare."
Kami na lang ang natira . Spell awkward.
Sa isang kisap natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapaloob sa isang mahigpit na yakap.
" I missed you so much... Tiny."
Napaiyak na ako sa dibdib niya.
" God knows if how much I really missed you, Tiny."
BINABASA MO ANG
Big Heart of Mine (COMPLETE ✔)
Dla nastolatków"I'm lucky to have a big heart where you can live inside forever. I'm very happy because you're mine. You're the big heart of mine Serenity." - Zing