Chapter 18 ❤

67 5 0
                                    

[ Serenity's POV]

        Isang linggo na kaming walang komunikasyon ni Zing. Nararamdaman kong nahihirapan siya sa dinadala niyang problema ngayon. Ayaw ko namang kulitin siya dahil ayaw kong dumagdag sa problema niya.

Kagabi chinat ko siya na gusto ko siyang makita at may sasabihin ako sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa park at hinihintay siya. Nakatanaw lang ako sa malawak na bukirin. Medyo mataas na part kasi tong park na kinaroroonan ko eh. Pwede ditong mag picnic at matulog.

Napapitlag ako nang may humalik sa pisngi ko. Si Zing pala na tumabi sakin.

" Sorry I'm late, Tiny."

Inakbayan niya ako at hinapit palapit sa kaniya.

" Okay lang Zing. Kakarating ko lang naman eh."

" Miss na miss na kita Tiny. Sorry kung hindi ako nakapagparamdam kasi may f-family problems lang at matatapos din iyon. H-Hoping."

" May maitutulong ba ako?"

" No. I mean, I can handle this."

" M-May tinatago ka ba sakin Zing?"

Natigilan siya.

" N-No. Paano mo nasabi yan?"

" Wala lang. Zing?"

" Hmm?"

" A-Anong gagawin mo pag nagkahiwalay tayo?"

" Y-You're not planning to break up with me right?"

" I'm just asking you."

" Then I won't let you."

" Paano kung hindi talaga tayo para sa isa't-isa? Paano kung hindi tayo pwede?"

Pinaharap niya ako sa kaniya.

" What's your problem, Serenity? You're acting weird. Anong mga pinagsasabi mo? May problema ba tayo?"

" H-Hanggang kailan mo itatago sakin Zing? Alam ko na ang lahat."

Namutla siya.

" A-Ang ano?"

" Na ikakasal ka na kay Olivia."

Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ko at taranta niya naman itong pinahid.

" No Serenity. Hindi ako papayag sa gusto ni Lolo. Ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko. Hindi ko sinabi sayo kasi ayaw kong mag-alala ka. Ayaw kong mamroblema ka."

" Pero girlfriend mo ako Zing. Dapat sabay tayong humahanap ng solusyon. Dapat nagtutulungan tayo."

" I know. Pero kaya ko naman to Tiny eh. Problema ko to at tatapusin ko to."

" You're being selfish Zing. Anong akala mo sakin? Mahina? Akala mo ba hindi kita matutulungan?"

Napahilamos siya sa mukha niya.

" Hindi iyan ang gusto kong ipahiwatig Serenity."

" A-Ayaw kong nakikita lang n-nahihirapan."

" Hindi naman ako nahihirapan."

" You're not good at lying."

" What are you trying to say Tiny?"

Sinubsob ko ang mukha ko sa kamay ko at napahagulhol ng iyak. Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya hinarap.

" I-Itigil na natin to Zing."

Nakita kong napalunok siya at napatingala. Bumuga siya ng hininga at nakita ko ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya.

" That's not a good joke, Tiny."

" But I'm not joking!"

" Why are you doing this to me Serenity?! Binabaliw mo ko! Bakit nagkakaganito ka?!"

Sa tagal naming magkasama ngayon niya lang ako sinigawan.

" Why can't you accept my decision Zing? Please don't make this hard for me."

" No. You're making this hard for me. You promised!"

Humahagulhol na siya ngayon habang hawak ako sa magkabilang kamay.

" You promised that you'll never leave me."

" W-Wala akong maipagmamalaki sa pamilya mo Zing. L-Lalo na sa lolo mo. S-Si Olivia ang nababagay sayo."

" You're wrong. Sayo lang ako sasaya Serenity. Ikaw lang yung babaeng mahal ko at mamahalin ko. Wala akong pakialam sa mamanahin ko. Mas mahalaga ka kahit sa anong bagay."

" Pero may pakialam ako Zing. Ayaw kong masira ang relasyon mo sa pamilya mo."

" So mas pinili mo na relasyon natin ang masira?"

" Why can't you understand me Zing?"

" It's you who can't understand me. Why can't you trust me about this matter? I really love you so much Serenity. Please don't do this to me. Don't break up with me. I'm begging you."

Umiiyak na sinapo ko ang mukha niya na hilam din sa luha. Hinaplos ko ang mukha niya at kinabisado.

Hinalikan ko siya sa noo. Sa magkabilang mata. Sa ilong. Sa magkabilang pisngi at sa labi ng matagal.

" K-kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, magtatagpo at magtatagpo din ang landas natin. Mahal na m-mahal na mahal kita. I-Ikaw lang ang l-lalaking mamahalin ko. M-Mag-iingat ka lagi ah?"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit pagkatapos ay tumatakbo na iniwan siya.

[ 😭😭😭 Tama ba ang desisyon ni Tiny natin? May Zingy-Tiny pa ba? Tell me your reactions Zingers. 😘]

Big Heart of Mine (COMPLETE ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon