[Serenity's POV]
1 week na ang lumipas simula nong nangyari ang insedenteng yun pero di parin ako maka get over.
Sa tuwing manonood si Kuya Boboy nang Dragon Ball hindi ko mapigilang tumawa tuwing nagpapakita si Goku, Vegeta at lalong lalo na si Trunks. Di ako makapaniwala na natalo ko ang tatlong Super Saiyan na iyon.
" Study your notes for the long long test tomorrow. Class dismissed."
Siguradong umaga na naman ako nito makaka review ng notes dahil may trabaho ako mamaya.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone at may text si Tito na dadaanan ko daw si Tita dahil may ipapadalang grocery. Once a month lang kasi si Tita nakakauwi sa bahay eh.
Kaya ngayon nandito na ako sa tapat ng Gamboa University. Pinanatili kong nakayuko ang ulo ko para kung sakaling makita ako nang tatlong Super Saiyan na iyon, malayo pa lang eh makatakbo na ako. May atraso pa kasi ako sa Trunks na iyon.
"Ouchhh!!!"
Nasapo ko ang mukha ko nong bumunggo ako sa matigas na bagay.
"HAHAHAHA!!! World War II begins!"
Si Goku lang naman at Vegeta ang nakita ko sa likuran na naluluha na sa pagtawa.
Sinalubong ko ang tingin ni Trunks at tinaasan niya ako ng kilay. Jusme! Yung tibok ng puso ko sobrang bilis! Nakaramdam ako ng kaba at takot.
Pasimple akong naglakad pagilid para makatakas pero nahila niya ako sa bag at binalik sa harap niya.
" Where do you think you're going , Tiny?"
Nakangiwing ngumiti ako sabay peace sign.
" H-Hi? Do I know you? Do you know me?"
Nakaupo na ngayon yung dalawa sa likod habang tumatawa.
"Ganoon ba kalakas ang pagkabunggo mo para magka amnesia?" - Trunks.
"Parang ganun nga yata?"
" Eh kung batuhin kaya kita ng mineral bottle para tuluyan ka nang magka amnesia, Tiny?"
Napaatras naman ako ng kunti dahil nga hawak niya pa ang bag ko.
" Joke nga lang eh. Di ka na mabiro."
" Do I look like joking?"
" Slight?"
Nakita kong napapikit siya na parang nagtitimpi ng galit. Ba't ba kasi ang bilis sumagot nitong bibig ko? Me and my cute mouth.
"May kasalanan ka pa sakin, Tiny. Alam mo bang nagkabukol ako sa ulo dahil sa ginawa mo?" Gigil niyang sabi.
Muntik na akong mapabunghalit ng tawa buti na lang natakpan ko ang bibig ko. Baka ibalibag niya na lang ako bigla sa kalsada at pasagasaan sa mga sasakyan.
" Magaling na naman siguro yung bukol mo diba?"
" Yung bukol wala na. Pero yung sakit nandito pa!" Napa pout ako.
" Pwedeng bitawan mo muna yung bag ko? Promise hindi ako tatakas." I raised my right hand.
May pagdadalawang isip na binitawan niya ang bag ko.
" Pwedeng yumuko ka?"
" Why should I follow you?" Napapadyak ako sa inis.
" Basta! Masakit na kaya yung leeg ko kakatingala"
" Tsk!"
Agad siyang yumuko kaya nagpantay na yung mukha namin. Nakaramdam ako ng pagkailang at panumula ng pisngi.
Ang gwapo niya pala sa malapitan. Inabot ko ng palad ko ang likurang bahagi ng ulo niya bago ko masuyong ginulo ang buhok niya.
" Sorry na po, Trunks."
Tulalang nakatingin lang siya sakin kaya sinamantala ko ang pagkakataon na yun para takasan siya.
Nadaanan ko si Vegeta at Goku na nakatingin lang sakin. Nilapitan ko sila at hiningi ang tag-iisa nilang kamay. Napangiwi ako dahil di ko mahawakan ng maayos ang wrist nila dahil sa laki.
" 1, 2 , 3 PAK!!!"
Ginamit kong pangsampal sa sariling pisngi nila ang kanilang kamay.
" Opss!!! Sorry Vegeta at Goku!"
Sabay takbo ng mabilis. Di ko na alintana ang dilim ng daan papunta sa kay Tita.
" Bakit ngayon ka lang Serenity?" Baka gabihin ka na mamaya sa pag-uwi?"- Tita.
" Okay lang po Tita. Kaya ko naman po at saka madami pa naman pong tao sa daan kaya safe ako."
" Makakaya mo ba 'tong isang plastic?"
"Kayang-kaya po Tita. Mauna na po ako."
" Sige ingat ka. Salamat."
" Bye po Tita."
Buhay buhat ko ang medyo may kabigatang plastic na halos delata yata ang laman. Madilim ang dinadaanan ko ngayon at nakaramdam ako ng takot dahil malapit na ako sa puno ng santol kung saan bali-balita na may kapre daw. Nakahinga ako ng maluwag dahil napalampas ako.
Nabitawan ko ang ang dala ko at nagkalat ito sa daan nong biglang may humawak sa balikat ko. Sa sobrang kaba nagsituluan na lang ang mga luha ko dahil sa takot .
" HAHAHAHA! Asan na yung tapang mo liit?" - Goku.
Mas nilakasan ko ang pagngawa ko at pinagtuturo silang tatlo.
" Pulutin niyo yan!!! Mamatay-matay na ako sa takot!"
Nataranta naman silang dalawa na mag-unahan sa pagpulot ng dala ko.
" Tsk! Cry baby"
Inalis niya ang kamay ko sa mata ko at pinahiran niya ng panyo ang mga luha ko. Napatigil ako sa pag-iyak dahil don. Parang may sariling buhay ang luha ko at nagsibalikan sa tear ducts ko. Na shock siguro.
" Draco, ikaw ang magdala niyan." Utos ni Trunks.
" Saan niyo yan dadalhin?"
" We're trying to help you liit." - Vegeta.
" Why is it so heavy? Makakaya ba ito ng braso mo? Baka maputol yan?"- Goku. Inirapan ko lang siya.
" Hey Tiny? Sorry if we scared you."
" Naunahan lang kasi ako ng takot."
" By the way liit. I'm Griffin."- Vegeta.
" I'm Draco."- Goku. Oyy! Malapit!
"Zing"- Trunks.
" I'm Serenity"
" Nice to meet you, Tiny."- Zing.
" Anong Tiny? Serenity ang name ko."
" It's Tiny for me."
" Whatever."
Hinatid nila ako hanggang sa sakayan ng jeep. Tinulungan pa ako ni Griffin na ipasok ang dala ko sa jeep.
BINABASA MO ANG
Big Heart of Mine (COMPLETE ✔)
Dla nastolatków"I'm lucky to have a big heart where you can live inside forever. I'm very happy because you're mine. You're the big heart of mine Serenity." - Zing