Part 3 . . . "Egnok"

108 12 1
                                    

"Egnok"

---------

Sa dami ng mga tiyanak at dwendeng itim ay tinitignan ni Emmanuel kung paano papasukin ang malaking kweba. Ngayong kasama na niya si Tarog ay hindi niya pwedeng iwanan ito.

"Tarog umupo ka sa batok ko. Tignan natin kung kaya ng pana ang mawala tayong pareho." Umupo sa lupa si Emmanuel.

"Baka mangawit ka Emmanuel. Kahit ganito ako kaliit ay may kabigatan ako." Sumampa siya sa likod ni Emmanuel at umupo sa batok. Medyo nahirapan siya kasi sa laki ng kanyang tiyan na dumikit sa ulo ng taong lobo.

"Oppps! May kabigatan ka nga. Huwag ka lang kikibo o magsasalita. Dadaan tayo sa gitna nila."

Lumakad siya ng marahan pababa sa kapatagan. Tinitignan niya ang mga tiyanak at dwendeng itim. May napasulyap na tiyanak sa kanyang binababaan at hindi kumibo.

"Hindi kami nakikita. Makapangyarihan nga itong pana." Iniisip ni Emmanuel.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa dumaan na sila sa tabi ng mga kubol. Abala ang mga tiyanak at dwendeng itim. May mga dala silang tipak-tipak na karneng sariwa. Ang iba ay naghahasa ng kanilwng mga palakol. May mga nag-iihaw na mga karne na ang mga naluto ay dinadala sa loob ng kweba.

Mabagal ang bawat hakbang niya. Umiiwas na may makasalubong o masagi. Nagsimula ng mangawit ang kanyang batok na tila bumibigat si Tarog. Nahimasmasan lang siya ng makarating sila sa bunganga ng malaking kweba. Pero kailangang pasanin pa rin niya si Tarog hanggang sa loob.

Dumaan siya sa gilid para makaiwas sa mga pumapasok at lumalabas na mga dwendeng itim at tiyanak. Nakarating sila sa malakatedral na laki at luwang ng kweba. Sa isang malaking trono na gawa sa bato ay naka-upo si Egnok. Ngayon lang nakita ni Emmanuel ang hari ng mga tiyanak at dwendeng itim.

Ibinaba niya si Tarog sa likod ng isang malaking bato at umupo siya. Sumandal sila sa likod ng bato.

"Tarog hindi ako basta-basta makalalabas na. Makikita ako ni Egnok. Dito muna tayo at maghintay ng tamang pagkakataon. Huwag kang aalis sa anino ng bato.

Sumilip ang dalawa sa ibabaw ng bato. Hindi umaalis si Egnok sa kanyang trono. Kumakain siya. Malahigante ang laki niya. Isa siyang ogre. Halos siyam na piye ang kanyang taas malaki ang mga kamay at paang mabalahibo. May kalakihan ang kanyang ulo na sabog-sabog ang buhok. Sa tabi niya ay may isang bilog na kalasag at maliit na tambuli.

Sa harapan ng trono ay ang anim tiyanak na nakilala ni Emmanuel. Kumakain din sila. Sila ang nagbabantay sa kweba ng talon ng asul na tubig. Maraming tiyanak at dwendeng itim ang naka-upo at kumakain sa gitna ng kweba. Naglalagay ng pagkain sa harap ng trono ang mga pumasok na tiyanak at dwendeng itim.

"Nakita ko na ang aking tambuli." Mahinang anas ni Tarog.

"May kalasag nga siya laban sa pana." sabi naman ni Emmanuel. Umurong sila at umupo.

"Tarog hindi tayo makalalapit kay Egnok ng basta-basta. Makikita niya ako at marami siyang bantay. Papanain ko siya. Magpapakawala ako ng maraming palaso at hipan mo ang lupa. Saka ko siya susugurin habang nagkakagulo. Kukunin ko ang tambuli mo."

"Sige Emmanuel."

Hinubad ni Emmanuel ang pana. Pumuwesto naman si Tarog.

"Handa ka na Emmanuel?"

"Oo. Simulan mo na."

"SWOOOOOSSSSHHHHHH!"

Umalimbukay ang alikabok sa buong loob ng kweba. Lumipad ang makapal na magkahalong alikabok at buhangin. Mabilis na pumana si Emmanuel ng sunod-sunod sa iba't ibang direksyon. Lumipad ang mga palaso at umiikot patungo sa naka -upong si Egnok. Nagkagulo na ang mga tiyanak at dwendeng itim. Nagbago ang anyo ni Emmanuel. Tumakbo siya ng mabilis at patuloy sa pagpana. Sa gilid ng kweba siya dumaan.

The White Werewolf ( On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon