Chapter XIII

447 7 8
                                    

******************************************************************************

Chapter XIIII

Love Square by unpredictablefe

******************************************************************************

Bea’s POV

Magkasama kami ngayon nina Kuya, Kath, at Jake patungo sa kung saan man kami dadalhin ng driver na ito. Kinakausap lamang siya ng dalawang lalaki, at ako naman at si Kath ang nag-uusap. Naisipan ko namang sumabat sa usapan nina Kuya.

Kuya, saan niyo po naihatid yung lalaking yun?

Ah. Dun sa palengke. Kasama nga niya yung isang bata eh. Kamukha mo iyon iho.” Sabay turo kay Jake. “Pero babaeng version.

Mga ilang taon na po yung bata?” pagtatanong naman ni Kath.

Mga seven ata yun. Di ako sigurado eh.” Sagot naman ni Kuya Jovit. Pangalan ng driver.

Malayo pa ba tayo?” pagtatanong naman ni Kuya.

Mga isang oras na lang.” dalawang oras na rin kasi kaming nagbabyahe.Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa makarating kami dun sa palengkeng tinutukoy ni Kuya. “Dito ko po siya mismo ibinaba nuon.

Salamat po, Kuya. Eto po bayad namin.” Saad naman ni Kath, sabay abot ng pera kay Kuya Jovit. Umalis na rin ito agad kaya pumasok sa kami sa palengke at nagsimulang magtanong. Una naming pinagtanungan ay ang nag titinda ng karne.

Ate napansin niyo po ba ito dito?” pagtatanong ni Jake sa tindera.

Ay si Mang Ben. Oo, madalas yan dito.” Sagot naman ni Ate.

Maari niyo po ba kaming ituro kung saan namin siya pwede mahanap?” pagtatanong naman ni Kuya. Tumango naman si ate at may tinawag na bata.

Mikay, paki samahan mo sila sa tindahan nina Kiko. Tanungin mo kung nandun ba ang papa ni Ariyaah. Gino pakisamahan na lang siya ha?” sabi naman ni Ate sa dalawang bata na lumapit. Tumango na lang ang dalawang bata. “Sila nalang ang magtuturo sa inyo.

“Sige po ate. Salamat po.” Tugon ko naman at sinundan na namin ang dalawang bata.

Hello Mikay.” Bati naman ng isang batang lalaki mapadaan kami. Kasama niya ang isang batang babae na pamilyar ang mukha.

Hello Jao. Hi Ariyaah.” Bati naman ni Mikay.

Ariyaah, asan papa mo?” pagtatanong naman ni Gino.

Kasama si Kiko, nandun sa tindahan. Bakit?” tanong naman ni Ariyaah. Tapos tumingin sa amin, or should I say tumingin at lumapit kay Jake. Nagulat na lang kami ng niyakap niya si Jake. “Kuya!

A-anong sinasabi mo bata?” nagtatakang tanong naman ni Jake. Ngumiti lang ang bata, tapos hinila si Jake kaya sumunod kami. Ngayon ko lang na realize na kamukha ni Jake si Ariyaah.

Kiko, asan si tatay?” pagtatanong ni Ariyaah. Tapos sumigaw pa ito. “TATAY BEN!!

Eh, umalis muna siya eh. Sabi niya bukas pa raw siya babalik. Pupunta daw siya sa bahay nina Jacob.” Sagot naman nitong Kiko ata.

Yung kina Belinda?” pagtatanong naman ni Mikay. Tumango lang si Kiko. Hinarap naman kami ni Mikay. “Naku mga KuTe, wala pala dito si Tatay Ben, eh.

Love Square [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon