Isa Itong Love Letter

9.4K 119 3
                                    

Dear Mahal,

     Heyyow! Grabe!!! Sabi ko na nga ba totoo si Santa Clos eh. Hindi talaga ako makapaniwala, Mahal na makakatanggap ako mula sa iyo ng isang regalo. Tapos punong-puno pa! Sobrang excited ako nang makita ko ‘yun sa harap ng pintuan namin. Akala nga ni Papa kung ano na ang nasa loob eh. Di ba nga ang dami nyang detrets dala ng pagkapanalo niya sa eleksyon? Akala namin patay na pusa na naman na ikinahon para takutin kami. Itatapon na sana niya eh. Mabuti na lang at nakita ko na may nakalagay doon sa ribbon na ‘From Princess with love’. Tapos kinuha ko agad ‘yun sa kanya at nagtatakbo ako as kwarto para buksan.

     Habang binubuksan ko isa-isa, halo-halo ang naramdaan ko Mahal. Una, napakamot ako sa ulo ko kasi ang dami mong sulat, alam mo namang tamad akong magbasa, hehe. Pangalawa, nalungkot ako kasi lahat ng nasa loob ng kahon, puro mga ibinigay ko. Ibinabalik mo na ba ang lahat ng ito sa akin? Pangatlo, natuwa dahil binigyan mo ako ng idea. Gusto kong replyan ang mga sulat mo. Tamang-tama kasi wala akong load, hehe.

     Pagtyagaan mong basahin itong sulat ko ha. Wag ka maubusan ng pasensya kung marami man akong maling spelling o maling grammar. Hindi naman ‘yun ang mahalaga, Mahal. Ang mahalaga, malaman mo ang nasa puso ko.

     Ipinaliwanag mo sa akin isa-isa kung bakit tayo nag-break. Hayaan mong magpaliwanag din ako kung bakit naging tayo. Hayaan mong sagutin ko ang mga tanong mo sa sulat mo, hayaan mong bigyan ko ng linaw ang lahat. Para naman malaman mo rin ang para sa akin, lalo ngayon na nalaman ko na ang para sa iyo.

     Ipapadala ko din ito sa mismong araw ng Pasko—isang araw pagkatapos mong ipadala ang kahon sa akin. At ilalagay ko ito sa bintana ng boarding house mo kung saan mo ako palagi dinudungaw kapag tumatakas ako sa gabi para masilayan ka, hehe.

     Merry Christmas, Mahal! Aylabyu!

Loves,

Aedan

Bakit Naging Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon