Love Letter Ulit

2.8K 126 23
                                    

Dear Mahal,

     Matapos kong basahin isa-isa ang mga sulat mo, at matapos kong balikan ang mga naging dahilan bakit ka nakipaghiwalay sa akin, isa lang ang tumatak sa isip ko—LOVE CHANGES EVERYTHING. Kaya kong magbago, kaya kong baguhin ang lahat ng ayaw mo para tumagal tayo. Gusto kong itama ang mga naging pagkukulang ko, magbago para sa ikabubuti natin, at maging tamang tao para sa iyo, kahit sa paningin ng marami, mali ang meron tayo.

     Nang makita kitang muli sa victory party, sinigurado kong hindi na kita babatuhin ng jersey para maging akin. Ako na mismo ang lumapit para bawiin ka. Dahil noong mga panahong iniwan mo ako at nakipaghiwalay ka, hindi ko kinaya.

     Akin ka, Princess. At mula ngayon, pramis, hinding-hindi na tayo magbebreak. Hindi ko na sisirain ang g-tec mo at hinding-hindi na kita babatuhin sa mukha ng jersey ko. Aylabyu!

Loves,

Aedan

Bakit Naging Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon