Dear Mahal,
Nasaktan ako nang bigla kang nakipaghiwalay sa akin, at sa harap pa ng puntod ng Mama mo. Katulad mo, ikaw din ang una ko. Wala akong naging iba, at hindi ko nakikita ang sarili kong may kasintahang iba. Ikaw lang.
Paborito ko ang bolang binigay sa akin ni Lola. Doon ko kasi unang naramdaman na ang future ko ay nasa basketball. Hindi kami mayaman, kaya nagpursigi akong maging varsity para makalibre sa matrikula. Sayang naman kasi, sa mahal ng edukasyon ngayon, kailangan kong tumulong sa pamilya para sa pag-aaral ko.
Dalawang taon pagkatapos ibigay sa akin ni Lola ang bola ko, iniwan na niya kami ni Papa. Ang lola ko ang tumayong Mama ko. Siya ang nagpalaki at nag-alaga sa akin, hindi ko kasi alam kung nasaan si Mama hanggang ngayon. Sa tuwing tatanungin ko si Papa, malalim na buntong hininga lang ang isasagot niya sa akin. Ganun din si Lola. Siguro, mahal, minsan may mga bagay na hindi mo na lang dapat malaman para hindi ka masaktan. At naiintindihan ko ‘yun.
Nabutas ang bola ko kakalaro sa likod-bahay namin noong isang lingo mong hindi sinasagot ang mga tawag ko dahil nagtatampo ka. Busy kasi kami sa training para sa league. Kasalanan ko naman talaga. Masyado akong nagbabad sa pagbobola at hindi ko naayos ang oras ko. Hanggang sa unti-unti kang nanlamig sa akin.
Butas na ang bola ko at hindi ko na ‘yun magagawa, kaya naisip ko, baka pwedeng gawin ko na lang singsing kesa itapon. ‘Yun na lang kasi ang naiwan ng lola ko para sa akin kaya ayokong itapon na lang. At bilang ikaw ang pinakamahalagang babae sa buhay ko, sa iyo ko ibinigay ang singsing.
Sa mismong araw na nakilala ko ang Mama mo sa sementeryo, doon mo rin tinapos ang relasyon natin. Bakit ka nakipag-break? Bakit tayo nag-break? Hindi ko maintindihan, pero sinubukan kong tanggapin. Hindi dahil sa hindi ka ganun kahalaga kaya pumayag ako, kundi dahil gusto kong matuto tayong pareho. Gusto kong ibigay ang hinihiling mo—at gusto kong maging sapat at dapat para sa iyo.
Hinayaan kita. At ginawa ko ang lahat ng dapat at tama habang wala ka sa piling ko. Para kung sakaling mag-krus ulit ang landas natin, handa na ako, at dapat na ako para sa iyo.
Ibabalik ko sa iyo itong singsing na ito sa araw ng kasal natin. At gusto kong mula sa araw na iyon, hindi mo na ulit ito tatanggalin at ibabalik sa akin.
Mahal na mahal kita, Princess. Mahal na mahal.
Loves,
Aedan
PS. Bumulong sa akin Mama mo. Ang cute ko daw, boto daw siya sa akin, hihi :D
BINABASA MO ANG
Bakit Naging Tayo?
Teen Fiction“Ang pag-ibig ko sa iyo ay parang kabilang classroom—ibang klase.”