6: Ballerina Shoes

1.8K 74 8
                                    

Dear Mahal,

     Hindi para sa iyo ang ballerina shoes na ‘yan. Para ‘yan sa magiging unang baby natin na ibibigay mo sa 7th Birthday niya.

     Gusto ko babae, magandang baby girl. Gusto ko kamukha mo—kasing talino mo, kasing cute mo ngumiti. Gusto ko meron siyang dimples kagaya ko. At gusto ko maputi siya gaya mo. Kasi maitim ako.

     Hindi ‘yan para sa iyo. Pero gusto kong isukat mo, para maimagine ko kung babagay ba sa magiging baby natin.

     Huwag ka matakot na mahilig lang ako sa mga bagay na maganda sa mata. Hindi ‘yan totoo. Maraming babae sa campus, sa ibang campus, sa buong mundo. Nagkalat ang magaganda sa paligid, pero ikaw ang gusto ko. You have your own definition of beauty—a beauty not only the eyes could see.

     English! Aylabyu!

Loves,

Aedan

PS. Excuse me, Mahal! Hindi ‘yan sale noh. Upakan ko ‘yang si Stan eh.

Bakit Naging Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon