Dear Mahal,
Sa maniwala ka man o sa hindi, hindi ako ang nagtext sa iyo na manood tayo ng Maria Leonora Teresa. Si Stan ‘yun! Naku, mapapatay ko na talaga ‘yung mokong na ‘yun sa mga kagaguhan niya.
Una, hinding-hindi mo ako mapapanood ng Maria Leonora Teresa dahil sobra ang takot ko sa manika. Ayoko ng manika. Pakiramdam ko mamamatay ako sa takot ‘pag nakakakita ako ng manika. Kaya siguro naging ganito ako. Dahil iwas na iwas ako sa manika. Basta, ayoko sa manika!
Pangalawa, hindi ako kumakain ng popcorn. Nasusuka ako sa amoy ng popcorn. :(
Pangatlo, hindi ako nag-inom nang gabing ‘yun. Nakatulog ako sa boarding house at ginising nila ako gamit ang pagwisik ng alak sa mukha ko. Hindi kasi ako sumali sa inuman nila kasi alam kong ayaw mo ng umiinom. Kaya ayun, sinamantala ang pagtulog ko. Kinuha pala nila ang cellphone ko at tinext ka, at hinilamusan pa ako ng alak.
Nang malaman ko kay Donnelle na tinext ka ni Stan, agad kitang pinuntahan. NAkita ko ang napakaraming missed calls at texts mo sa telepono ko pagtapos kong buksan ‘yun. Mukhang na-empty na kasi sa dami ng tawag mo.
Walang isip-isip na tumakbo ako papuntang SM para puntahan ka kahit naka-pajama pa ako at kakagising. O kahit amoy alak pa. Mabuti na lang at hindi ako naamoy ng sekyu kung hindi lagot talaga ako. Nakita kong nagmamadali kang palabas ng SM. Halos di mo na nga ako napansin kaya nagka-banggaan tayo.
Gusto kong magpaliwanag, gusto kong ikwento ang mga nangyari. Pero paano? Iniwan mo ako doon hindi pa man ako nakakapagsalita. Pero hindi kita masisisi. Kahit ako siguro ay magagalit kasi pinaghintay kita at hinayaang manood ng nakakatakot na mga batang naging manika ng mag-isa.
Pero hindi ko maaaring gawin sa’yo Mahal ang iwan ka at indianin. Hindi ko ‘yun gagawin. I’m sorry. Sa susunod, hindi ko na hahayaang walang lock code ang cellphone ko. At ako mismo ang personal na pupunta sa iyo para ayain kang lumabas at manood ng sine.
Patawarin mo sana ako, Mahal. I’m sorry, pero nagkamali ka ng iniisip. Aylabyu bebe. Bati na tayo?
Loves,
Aedan
BINABASA MO ANG
Bakit Naging Tayo?
Teen Fiction“Ang pag-ibig ko sa iyo ay parang kabilang classroom—ibang klase.”