Chapter 64 "ANO GINAWA NIYO? GUMULONG SA KANAL AT NAGLARO NG HAGARAN TULUNGAN?"

201 5 0
                                    

NY's POV

 Pagkabalik namin sa lunch table namin. Wala na sila. Wow ha hindi manlang kami nahintay, Wooo galing niyooo idol! Hahahaha.

"Babes? May note oh" Prince

May inabot siya saking note.

"Prince, NY kung san man kayo galing, ang tagal niyo, kaya umalis na kami, hehe - Neil" WOOOOOW galing ah hahaha talagang may note pa

"Tara na babes may klase pa tayo"

"Hayy osige"

Boring naman, Puro business kasi,  halos pare pareho lang yung mga tinuturo, eh malamang business management course ko e, DUUUHH

Flash forward na natin kasi hindi naman kami nakinig ni Prince e

Pauwi na kami. Nakasakay na kami sa kotse niya,

"Shit" 

"Bakit Prince?"

"Nasiraan pa ata tayo"

"Ahhhh edi commute na lang tayo"

"Osige basta ba eh kasama kita" Pinisil ko siya sa pisngi at bumaba na nag kotse

"BABES! ANO KABA?! UMUULAN KAYA!!"

Bumaba na din siya

"Eh tutal basa na rin lang tayo edi wag na tayong mag payong haha"

"Osige na nga, aalagaan na lang kita kapag nagkasakit ka"

"Osige hehe"

Naghihintay na kami ng mga dumadaang jeep. WALA. Naghintay rin kami ng tricycle. WALA. Kahit mga motor at bike. WALA. Grabe! Kahit yung mga side car na may dalang kwek kwek o fish ball. WALA. ADIK LANG?! Nangaasar e

"Prince lakarin na lang natin, wala namang atang kahit anong umaandar dadaan dito e" Medyo gabi na kasi.

"Osige, basta pag napagod ka sabihin mo lang sakin ah'

"Sige :)"

Naglakad lang kaming mag kaholding hands. PDA man basta, wakaming pake kasi wala namang taong naglalakad o tambay sa labas e

Medyo malapit lapit na yung subdivision ng bahay namin

Napa buntong hininga naman ako bigla, ewan ko ba parang nilamig ako na ewan e

Tas after 5 seconds, nagsqwat si Prince sa harapan ko.

"Uhmm Prince ano gawa mo diyan?"

"Babes naman, alangan, edi sumakay ka dito"

Napakamot naman ako sa ulo ko

"Ah? Bakit naman?"

"Pagod ka na e"

"Di pa kayaa"

"Eh basta sumakay ka" Ah grabe osige pinipilit mo ko e basta kapag nabigataan ko di ko na problema yun ah'

Sumakay na ko sa likod niya. OYEAAAAHH PIGGY BACK RIDE!

"Wag ka mag alala babes di ka mabigat"

"Hehe" Teka teka, tung ulan na to hindi pa rin tumitila? Ano ba gusto mong iparating ha? Nanandya lang? Baka mismong pagdating namin sa bahay saka yan titila? ADIK

"Babes may gusto akong gawin, gusto ko lang maranasan to sa ilalim ng ulan"

"Ano yun?"

Binaba niya ko. At humarap sakin. Nasa gitna kami ng daan. Basang basa sa ulan.

"Let's dance"

Kinuha niya kamay ko at ipinatong sa leeg niya tapos nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko. Parang kami nasa movie e hihihi

Ayun nagsayaw na kami

"Prince, para kamo tayong nasa movie <3"

"Kaya ko nga gusto tong gawin e, para naman maranasan natin :D"

Ang pogi pogi ng ngiti niya " Wag ka nga"

"Hahaha babes konti na lang papakasal na tayo"

"Oonga ^________^"

"San mo gusto? Sa Church, Beach o Garden?"

"Hmmmm"

"Kahit saan na lang babes, kahit sa palengke pa o sa junk shop basta lang mapa "i Do" kita ayus na sakin. Kahit nga ngayon na eh sa gitna ng ulan"

Hinampas ko nga siya "Gusto ko sa Garden! Para special"

"Sige kahit san pa. Kahit sa likod ng bar, o kaya sa swimming pool. Basta mapakasalan lang kita ayus na"

Tumigil na kaming mag sayaw at umupo sa may side walk habang pinagmamasdan ang pag buhos nang ulan. Kung titingan niyo kami parang kaming mga may tama sa ulo. Pero kung pinakikinggan niyo kami, malalaman niyong normal kami haha

"Haha"

"So ilan gusto mo?"

"Hah?"

"Ilang anak gagawin natin?"

"Ha?! Masyado pang maaga grabe ka"

"Hmmm kung ako tatanungin mga 10"

"GRABE PARA KA NAMANG GAGAWA NG BASKET BALL TEAM!"

"Yun nga"

O__________________________O

Huwat da?

"Gusto ko 10 para may Junior White Lions na kagad tayo, kaya naman natin silang palakihin so why not? Taon taon mabubuntis ka"

"OMG. Grabe malolosyang ako dun"

"Kahit malosyang ka, kahit tumaba ka o maging sobrang payatot. Kahit makalbo ka at mawalan ng mga ngipin. IKAW PA RIN ANG PINAKA MAGANDANG BABAE SA BUONG MUNDO"

"Grabee! Prince hanggang tatlo lang kakayanin ko kung sakali ha, kasi hindi lang ako papangit, mahihirapan din ako"

"Hayy kung pwede lang na ako yung mag buntis ginawa ko na para sayo"

"Ano kaba! Basta hanggang 3 lang"

"Osige na nga. isip na tayo ng pangalan ngayon."

"Osige hmmmm"

"Teka ano ba gusto mo 2 boys at 1 girl?"

"Ganto gusto ko, Kambal si Boy at Girl tapos may isa pa silang kapatid na boy."

"Ahh so dalawang names ng boy iisipin natin at isa naman sa girl"

"Sa boy gusto ko Cross January at Rain Alexander"

"Oonga, maganda yun, tapos sa girl naman, Lhaine York?"

"YAAAA! Ang ganda ganda naman Prince!! Tapos nick name niya LY!!!"

"HAHAHAHAHA tara na uwi na tayo babes"

"Sige hehe"

Pero bago ako maka tayo hinila niya ko at

"UHMWAAAAHHH" Kiniss niya ko to da highest level, bonggang bonggang kiss sa lips.

"Let's go na babes"

Tumayo na siya, saktong tumila ang ulan.

Umuwi na kami sa bahay.

Eto kagad salubong samin ni Neil, imbis na pag bigyan kami ng towel.

"ANO GINAWA NIYO? GUMULONG SA KANAL AT NAGLARO NG HAGARAN TULUNGAN?"

Jump then fall  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon