Chapter 62 Ashley :>

201 5 0
                                    

Neil's POV

Oo tama may girlfriend na nga ako.

Kwento ko sainyo.

Flashback.

Nung nasa London pa ko, diba sabi ko na si NY pa rin, hindi ko pinapansin ang mga babaeng nasa paligid ko. Pero may isa akong nakuhanan ng pansin

Siya si Ashley Bree Touffe. Half Filipino at Korean siya. Pero nakatira sa London. Adik lang haha pero anyway

Naging bestfriend ko siya sa school namin, siya lang kasi yung lumalapit sakin. Parang yung iba takot sakin, Bakit? Ang angas ng dating ko eh haha

So ganto kami nagkakilala

Nasa hagdanan ako ng school namin.

Gusto kong islide yung likod ko sa pinto, pero ang drama eh yun yung ginagawa ng mga broken hearted diba? Iniislide ang likod sa pinto. Muntanga lang e

Pero malay ko para maiba naman eh umupo ako sa hagdan

"ARAAYYYYYY! LEKAT NAMAN OH!"

May tumapak ba namang engot sa kamay ko. Grabe ha kalaki laki ng daan, nagpapapansin ka ba o pagtatanga tangahan lang?

"Sorry kuya" Nilingon ko nga, isa siyang babaeng ang bata bata ng mukha, hmmmm maganda naman. Pero NY pa rin ako,

"Tssss" 

Anu ba yan? Parang may nararamdaman akong tumutulo sa pisngi ko?

Tinabihan niya ko

"Sorry na kuya, wag ka na umiyak pero ang weak mo naman" Hinihimas himas niya likod ko.

"PshHindi ako umiiyak dahil dun"

"Eh ano?"

Mukha namang mabait to, maikwento na nga para may mangdamay sa kalungkutan ko. At mukha rin naman mapagkakatiwalaan.

"You see, I'm inlove with someone but i walked away from her" Ayan na nageemote na naman ako.

"Nyahahaha tangangots." Wow salamat sa comfort ah naappreciate ko ng sobra sobra

Tiningnan ko lang siya ng masama

"Ikwento mo nga sakin ang nangyari" Wow galing na ngang mang comfort chismosa pa, Ooooh so hardcore 

"Okay" Pero bumagsak din ako sa pagkukwento. Takte naman oh parang ang tanga tanga ko talaga

"Anung parang? Tanga ka naman talaga" Hala nabasa isip ko?

Tiningnan ko lang siya ulit ng masama

"Anyway, ako nga pala si Ashley Bree Touffe"

"Di ko tinatanong"

"Basta, magkaibigan na tayo ngayon. Oh bestfriend pa nga eh. Basta kung kailangan mo ng maiiyakan lapit ka lang sakin"

Wow parang instant masyado ah may maiiyakan na kagad ako? Eh meron ba diyang instang rebound? Para maka get over ako kay NY. Sana nga meron. Kasi alam kong hindi niya na ko mahal ngayon. TOINKS.

"Owkay"

"Sige bye bye"

Hmm tapos bigla siyang nawala sa tabi ko, Parang multo lang ah

Di kaya multo nga yon? Hmm ewan nga makaalis na nga dito

Nasa kotse na ko

Hmmm sa bahay kaya?

Hindi maggagala na lang muna ko

Ayoko naman sa bar. Hindi ako tulad ng iba diyan na wagas makainom kapag broken hearted. 

Jump then fall  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon