She closed her eyes for a moment, trying to think.
They said, quitters never win at naniniwala siya dun pero ang pusong bulag ay isang ilusyon lamang. At lumabas siya sa ilusyon na 'yun by leaving someone behind and it broke her heart a million times sa kadahilanang kailangan niyang iwan ang taong yun kahit na hindi naman ito naging kanya. Kahit kailan ay hindi naging kanya si Cush Mateo, physically good looking at attractive, serious type, at yummy.
Ni hindi man lang sya nabigyan ng chance na masilip ang mga abs nito.
Letting go of someone who was never yours and moving on in life is never easy. But it's more hard to hold on to someone that you know would never be yours in any way you think of. You just have to learn to let go and face the fact that while good things never last, some don't even start.
Pero try ka lang ng try hanggang sa ikaw ay mag-tagumpay, wag maging bitter.
Hindi niya mapigilan ang sariling wag magbalik-tanaw sa nakaraan but how could she forget that? Kinapa niya ang dibdib pero wala naman siyang nararamdamang sakit pa tulad ng dati, time heals. Nagising na lang kasi siya isang umaga na tumatawa eh hindi naman siya baliw. Kunsabagay ilang buwan din siyang parang nagluluksa dahil sa sinapit na kabiguan nun.
Pero sa totoo lang ay hindi naman ang past niya ang gumugulo ngayon sa isipan niya eh. Ito ang unang araw nya sa Stainz University at kinakabahan siya sa isiping baka mag-krus ulit ang landas nila ng abnuy na nagnakaw ng unang halik niya nung time na kinuha niya ang COR niya. Pagkatapos ng tagpong iyon ay di nya mabilang kung ilang beses syang nag toothbrush nun pagkauwi sa bahay nila.
Umulan man ng abs ay hindi na niya talaga gustong makita pa ang may sayad na abnuy na manyak na yun.
She sighed.
"A penny for your thoughts, baby?" bulong sa kanya ni Kolya sabay pisil sa ilong niya bago pa siya magmulat ng mga mata. "Let's go, nasa skul na tayo." yaya nito sa kanya at pinisil ulit ang ilong niya bago tuluyang bumaba ng sasakyan.
"Uy! uy! nakadalawa ka na ha! " reklamo niya dito at agad na sumunod na rin dito sa pagbaba. Mahilig talaga si Kolya na pisilin ang ilong niya at siya naman ay ang kagatin ang tenga nito. Ganun sila kapag naglalambingan at baby- yan ang tawagan nilang dalawa.
STAINZ UNIVERSITY.
After that incident she decided herself to leave Sheinford University, she transferred to another school but her twin brother, Kolya Nahshon, followed her in Stainz University. She is very dear to him that he just can't let her go by herself. Nung mga panahong para siyang nagluluksa ay ito ang naging crying shoulder niya kasi hindi lang niya ito basta kapatid kundi matalik na kaibigan na rin. May mga responsibilidad ito sa dating university na pinapasukan nila pero siya ang pinili ng kapatid. Nakakatawa mang isipin ay si Kolya ang nag-insist na baby ang tawagan nilang magkapatid.
She is so grateful to have him by her side and she loves him so much.
Nauna na itong naglakad sa kanya pero binalikan siya nito ng makita siyang nanatiling nakatayo sa may university gate. Alam nyang alam na nito ang dahilan kung bakit tumigil sya sa may gate, hindi nya alam pero nag-eenjoy sya sa gawaing ito.
Ugali nyang tumambay sa gate ng school dati pa tuwing umaga dahil para sa kanya ito ang pinakamagandang spot sa pagsasight-seeing. Sa gate pumapasok at lumalabas ang mga estudyante kaya madali syang makakakita ng prospect dito. Sa style nyang ito nakita si Cush Mateo nun sa Sheinford University at ginawa nya ang lahat para makilala ito at nagtagumpay naman sya hanggang sa naging crush nya na ito. Nagpa member sya sa mga clubs kung saan member din si Cush at sinusundan nya ito palagi.
BINABASA MO ANG
YOU'RE GONNA LOVE ME
Mizah" I will make you so in love with me, that every time our lips touch, you'll die a little death." in a very sexy voice ay ibinulong ni Zeki kay Heal ang mga katagang iyan dahilan para manayo lahat ang mga balahibo nya sa katawan.