Zeki's POV
His loneliness is unfathomable. He is as lonely as the moon on a starless night...
"Oh Zeki, mabuti naman at bumalik ka na."
"O, mag-iistay ka na ba ulit dito? aba'y dapat lang para naman may kasama dito ang kapatid mo. Alam mo namang palaging wala kami dito sa bahay ng mama mo."
Ayaw niyang kumibo. Oo, wala siyang planong makipag-usap sa mga ito. Nilagpasan niya lang ang mga ito at gusto niyang dumiretso na agad sa kwarto niya.
"Oh. What happened to your face Zeki? Did you get into a fight again?" Tanong sa kanya ni Adella sabay hawak sa balikat niya, sumunod pala ito sa kanya. Akmang hahawakan sana nito ang mukha niya.
"Get away from me!" Wala itong karapatang kausapin at hawakan siya. Nagulat yata ito sa ginawa niyang pagsigaw kaya medyo namutla ito.
"Zeki anak, hanggang kailan mo ba balak magmatigas? hanggang kailan mo planong pahirapan kami?" Mahinahon ngunit may diing tanong naman sa kanya ni Herman, ang ama niya.
Humarap siya sa mga ito.
"Hindi ako nagmamatigas at lalong wala akong planong pag-aksayan kayo ng oras. Ito ba ang ipinag-aalala niyo? " Itinuro niya ang ilong niyang kanina lang ay dumudugo dahil sa inihagis na sapatos sa kanya kanina ng amasonang si Shealtiel.
"Don't worry konting galos lang yan sa ilong, malayo pa naman sa bituka. O baka naman ang ipinag-aalala niyo lang ay dahil walang kasama dito sa bahay si Cuh? malaki na yun at di niya ako kailangan para protektahan siya." At tuluyan na nga siyang umakyat sa hagdanan.
"Ohhh that son of yours... his temper is quite fiery." Narinig pa niyang sabi ni Adella kay Herman.
"Hayaan mo na lang, pagpalipasin nalang natin ang galit niya."
Napaka-stubborn niyang tao siguro pero ayaw niya namang makipag-plastikan sa mga tao dito sa bahay. Ahhhh! malayang ibinagsak niya ang katawan sa kama. Ilang araw lang namang hindi siya umuuwi dito sa bahay at dun siya tumutuloy sa kaibigan niyang si Canon na isang Otaku.
Sa mga hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang Otaku, isa itong terminong nihongo na ginagamit upang tukuyin ang mga taong interesado o kaya ay nahuhumaling particularly (but not limited) to anime and manga.
Tok. tok. tok! tok.tok.tok! may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Tok.tok.tok.tok!
Ahhhhhhh, wala siyang balak pagbuksan ang kumakatok pero bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Darn! Hindi niya pala nai-lock, ayaw niya pa namang may mang-istorbo sa kanya kapag nasa kwarto na siya. Sa kwarto niya lang kasi siya nakakapag-isip kapag umuuwi siya ng bahay.
Bumulaga sa kanya ang medyo nakangiting mukha ni Cuh. Pumasok na ito kahit na di niya ito pinapasok.
"You're back."
"Malamang? alangan namang anino ko lang ito di ba?"
"And you're mad..."
"Malamang din... alangan namang ngumiti ako eh mukha mo ang nakikita ko."
"Ki, malalaki na tayo hindi parin ba nababawasan iyang galit mo sa akin?"
"Look, hindi ito oras para sa mga drama mong 'yan Cuh. Isa pa it's so gay y'know? isa pa di naman ako galit ah, I just don't want to see your face."
"Dahil ba sa ayaw mong may ibang gwapong tulad ko ang nakatira dito sa bahay?"
"Hahahaha-hahahahaha! sinusubukan mo bang patawanin ako?"
"Oh well, I just want to buy some time with you."
"Ano ako tindahan? labas ka na. Ayaw kitang kausap."
"Ang laki na ng katawan mo'y Isip-bata ka parin. Anyway, I'm just happy na nandito ka na ulit. Nag-alala sayo sina mama at papa."
"Wala akong naririnig kaya lumabas ka na."
"Psh."
"Ngapala, di na tayo magkikita sa school kasi nagtransfer na ako sa Stainz. Siguro naman alam mo na."
(ipagpapatuloy)
BINABASA MO ANG
YOU'RE GONNA LOVE ME
Umorismo" I will make you so in love with me, that every time our lips touch, you'll die a little death." in a very sexy voice ay ibinulong ni Zeki kay Heal ang mga katagang iyan dahilan para manayo lahat ang mga balahibo nya sa katawan.